Halos pigil hininga ako dahil naka-kandong pa rin ako kay Jaiden at naka-yakap sa akin ang braso niya.
Napa-igtad ako sa gulat nang ilapit ni Jaiden ang labi sa tainga ko.
"Are you okay? Are you comfortable?" He asked. I nodded.
Hindi ko masabing hindi ako komportable dahil wala naman kaming magagawa dahil puno ang jeep.
Sa baba lang ako nakatingin dahil nakatingin ang ibang pasahero sa amin. Akala mo kung bata akong naka-kandong sa nanay.
"Oh, iyong mga hindi pa bayad, magbayad na!" Sigaw nang manong driver.
Kinalkal ko ang bag ko. Na buksan ko na ang maliit na pocket at ang malaki pero wala. Hindi ko pa rin makita ang wallet ko.
"What's the matter?" Jaiden asked.
Bumuntong hininga ako. "Nakay Maella wallet ko. Kulang ang barya ko sa bag," problemado kong saad.
Wallet niya lang ang nandito. Ayaw ko rin naman galawin iyon dahil hindi sa akin at baka may mawala pa.
"Get my wallet," sabi niya. Nagtataka man ay kinuha ko.
Akmang iaabot ko nang naramdaman kong umiling siya.
"Open it, and get our pamasahe," Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba pero wala akong wallet kaya wala akong choice kundi ang buksan ang wallet niya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa laman. Blue at yellow bills. Walang isang daan o singkwenta.
"Wala kang barya?" Tanong ko. Bente singko ang isa kaya singkwenta lang ang kailangan.
"I don't," sabi niya. "Are they accepting cards or banks?" He innocently asked.
Napasampal ako sa noo.
"Jeep ito, not bus," sabi ko. Humalakhak ang katabi namin, may edad na.
Parehas namin siyang tinignan. Kinagat ko ang labi dahil sa hiya. Nakatingin siya sa amin habang tumatawa.
"Ang cute niyong dalawa, oh, ito neng kunin mo at ibayad mo," inabot niya ang singkwenta habang naka-ngiti.
"Nako! Hindi na ho, Nay." Tanggi ko. Ngunit inilagay niya sa palad ko ang singkwenta.
"Ibayad niyo na, natutuwa ako sainyong dalawa," saad niya habang nakangiti at umiling. "Diyan nagsimula ang pagmamahalan namin ng asawa ko nung kabataan namin. Wala siyang ka-barya-barya tapos may nagbigay sa amin nang singkwenta bilang pambayad kasi raw na-cute-an siya sa amin ng asawa ko." Lintaya niya habang nakangiti.
Hindi ko alam ang sasabihin kaya naka-ngiti lang ako at nakikinig. Ganoon din si Jaiden.
"Naalala ko rin naka-kandong ako sa kaniya no'n dahil siksikan, pinag-tinitinginan ka ng ibang pasahero... Gaya ngayon," sambit niya. Naramdaman ko ang pag-init nang pisngi dahil nasa amin nga ang mata ng mga pasahero. "Hindi kami gaano close noon. Mga 4 months pa lang kaming magkasama- Ay! Andirito na ako sa distinasyon ko, para! para!" Nginitian niya ako. Ngumiti naman ako pabalik.
"Una na ako, Neng. Sana magka-tuloyan kayo," saad niya at tuloyan nang bumaba.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Yumuko na lang ako dahil sa hiya.
"You can sit next to me, may space na for you to sit," he whispered.
Napakagat ako ng labi. Kahihiyan, Eliana.
He bit the insides of his cheeks, pinipigilan ang sarili ngumiti.
Tahimik lang ako hinihintay na pumara si Jaiden.