CHAPTER 1

1.5K 26 1
                                        

"Eli, anak, gising ka na riyan. Anong oras na? Sasamahan pa kita sa pagtatrabahohan mo," rinig kong sigaw sa akin ni Tiya sa labas. Unti-unti kong minulat ang mata ko.

"Gising na, Tiya!" balik kong sigaw at inayos ang pinag-higaan.

Naghilamos na ako at bumaba. Ngayon ako maghahanap ng trabaho kasama si Tiya Salome.

"Morning, Tiya," bati ko sa kaniya ng makitang nagaahin na ito ng pagkain. Siya ang Tiya ko, kapatid ni Mama. Si Tiya Salome. Walang anak pero may asawa. Ewan ko rin kung bakit wala silang anak, pero wala na akong dapat paki-alaman pa.

Tumango ako bilang sagot. "Si Tiyo po, hindi pa po ba siya kakain?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko mahagilap si Tiyo sa buong bahay.

"Maagang nagpunta sa trabaho," tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Eli, sigurado ka gusto mo magtrabaho? Pag-aaralin pa naman din sana kita," napangiti ako sa sinabi niya. Gusto ko sana mag-aral, kaso kailangan ng pang-gastos sa bahay.

"Oho, Tiya, kailangan, e. Para hindi na magtrabaho si Mama, at saka kung kaya rin po ng schedule, okay lang po," nailing ito sa sinabi ko. Tumutulong naman si Tiya sa amin, sadyang matigas lang si Mama.

"Ang Mama mo kasi ayaw magpatulong sa akin. Wala naman sa akin 'yon, e. Magkapatid kami... hindi ko alam kung bakit ayaw niyang tulungan namin siya, e, tinulungan niya rin naman kami nung nangangailangan kami," mahabang lintaya niya, ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Ang tigas din ni Mama mo, ayaw magpatulong sa amin," iling niyang saad.

Nakapagbihis na ako dahil pupunta na kami sa pagtatrabahohan ko. Hindi ko alam kung anong klaseng trabaho, pero okay lang naman basta meron.

"Anong trabaho ko, Tiya?" tanong ko dahil kating-kati na akong malaman kung anong trabaho ang offer ni Tiya sakin.

"Yaya, anak. pero kung hindi ka sanay sa gawaing bahay pwedeng mag alaga ng bata" sabi nito, umiling ako wala namang kaso saakin ang pag-lilinis ng bahay marangal naman na trabaho 'yon.

"Nako, Tiya, kahit ano payan, kayang-kaya ko pero mas gusto ko mag-alaga ng bata. Namimiss ko na si Easton, hihi," natawa ito sa sinabi ko.

"Osya, kakausapin ko dati kong boss na mag-alaga na lang ng bata. Kaya naman siguro iyon... nang pag-aaral mo at ang schedule ng pagbabantay, ano?" Napatango ako at nagtanong ulit.

Kaya ko naman siguro pag sabayin 'yon. "Saang school po pala ako papasok?" wika ko ng makasakay sa jeep.

"Sa Casa De University. Maganda do'n," nagulantang ako sa sinabi nito.

Nagkamot ako ng ulo. "E, Tiya, mahal ang tuition fee do'n, diba? Sa ibang school na lang," nahihiya kong turan.

"Ano ka ba, anak. Na rin kita at do'n ka rin gusto pag-aralin ng Tiyo mo," napanganga ako sa sinabi nito.

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Yung tiyo ko na mukhang masungit?

"Si Tiyo?" panigurado ko. Tumango siya bilang sagot.

"Oo, siya nagsabi na doon ka pag aralin dahil maganda do'n at makaka-aral ka ng mabuti," sabi nito kaya napatango ako.

Naka baba na kami at kailangan lang mag lakad ng ilang kilometro para makalabas sa sakayan.

Nilingon ko siya at ang mansion. "Dito po ba kayo nagtatrabaho dati, Tiya?" tanong ko, medyo malaki nga itong bahay.

"Oo, anak. Pero pinatigil ako ng Tiyo mo. Sabi niya, siya na lang daw ang magtatrabaho." Tumango ako at pinagmasdan ang paligid.

Habang nagkukwentuhan, may narinig kaming nagsalita sa likod namin.

"Salome," parehas kaming napatayo dahil sa mahinhin na boses.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now