"Ang ganda rito!" Pinipilit ni Maella ang daliri ko. Si Pechay naman ay napailing lang. Kasama namin siya dahil gusto niya rin gumala. Pinilit namin siyang mag-aral pero ayaw niya.
"Umayos ka nga, Mae. Para kang bata," suway ni Pechay kay Maella. Ngumuso lang si Maella at nilingon si Pechay na naka-cross arm.
Inirapan niya ang babae. "Ito naman, masaya lang ako kasi papasok na ako. Ikaw, ayaw mo ba talagang mag-aral?" Sabi niya at lumingkis sa akin.
Umiling siya. "Magtatrabaho na lang ako," walang paki nitong sabi at nauna sa paglalakad.
Nagkatinginan kami ni Maella at sabay na umiling at sabay naglakad patungong registrar.
Pauwi na kami pagkatapos malaman ang schedule at nakapaglibot ng campus. Kilalang university iyon at ang ganda din. Doon nag aaral si Sir Jaiden.
At ang masasabi ko lang sa paaralan na 'yon ay ang luwang ng campus at ang ganda.
Tumili at nagtatatalon si Maella. "Excited na ako makakapasok na tayo sa Monday!" masayang sabi ni Maella at pinalo ako sa braso gawa nang tuwang-tuwa siya. Si Pechay naman ay napapailing, halatang gusto mambatok.
Sumakay na lang kami ng jeep para maka-uwi na dahil may trabaho pa kami.
Ngingiti naming sinalubong si Manang. "Good afternoon po, Manang," sabay-sabay naming bati nang makita si Manang Cecille na nagtutupi. Tumango lang siya.
Nagmano kami sa kanya. "Mag-ayos na kayo, may gagawin pa kayo. Ikaw, Eli, maiwan ka," saad nito. Napalingon sa akin sina Maella. Kahit nagtataka, tinanguan ko sila. Mukhang nakuha naman nila kaya agaran silang umalis.
"Bakit po?" takang tanong ko at umupo sa tabi niya.
Kinakabahan ako ng humarap siya sakin ng seryoso. May nagawa ba akong mali na hindi ko alam?
"Naka-usap ko si Ma'am Andrea," seryosong ani nito. Unti-unti akong tumango.
"Bakit po?" tanong ko at pinaglaruan ang daliri, hinihintay ang kaniyang sasabihin.
"Magtatrabaho ka lang pag walang pasok o 'di kaya vacant niyo," panimula nito. Nakikinig lang ako, inaantay ang susunod na sabihin nito.
"May papalit sa inyo ni Maella sa tuwing may pasok kayo. Hindi naman problema ang paglilinis niyo rito dahil hindi naman gaano kailangan linisan itong bahay. Ganon din kay Maella," ani nito. Ngumiti ako ng maliit.
"Salamat po, Manang Cecille," ani ko. Tumango naman siya at ngumiti ng maliit.
"Walang ano man. Pagbutihan mo pag-aaral mo, Eli," ngumiti ako ng malapad at tumango.
"Opo, mag-aaral po ako ng mabuti. Hindi ko po kayo bibiguhin at hindi ko ho sasayangin itong opportunity na bigay sa akin ni Ma'am Andrea," masayang wika ko. Tumango lang siya at natawa.
"Osya, puntahan mo na roon alaga mo, kanina ka pa hinihintay," aniya kaya tumango ako at tumayo na.
"Salamat po ulit, Manang," muling pasasalamat ko. Ng tumango lang siya, nagtungo na ako sa kwarto ni John habang may ngiti.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"John- S-sir, good afternoon po," nagulat ako ng pagkapasok ay bumungad sa akin si Sir Jaiden, na naka-upo sa tabi ni John na may hawak na krayola.
Tinanguhan niya ako. "Good afternoon," ani nito at naupo sa tabi ni John na busy sa kaka-color.
"Hi, baby John," ani ko na lang kahit naiilang sa presensya ng boss ko.
Nag-angat ito ng ulo at nang makita ako ay ngumiti siya at tumayo, patakbong lumapit sa akin at niyakap ako.
Nagliwanag ang mata niya. "I missed you, Ate." masayang saad nito na nagpa-ngiti sa akin.

YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...