CHAPTER 10

132 10 0
                                    

“Eliana,” tawag sa akin ng kaklase ko. Teka, ano nga ba ulit ang pangalan niya?

“Ah, bakit?” Tanong ko, nakakunot ang noo nang huminto siya sa harap ko.

“Tara, sabay na tayong bumili. Libre ko,” sabi niya, at pinulupot ang braso sa braso ko.

“Bakit mo naman ako ililibre?” Tanong ko, medyo nagtataka.

Hindi naman kami masyadong close, ‘di ba?

"Wala, gusto lang kita maging kaibigan. Bakit, bawal ba?"  Tumawa siya.

"Hindi naman," sagot ko, at ngumiti ng tipid.  Pababa pa lang kami ng hagdan nang may tumawag ulit ng pangalan ko.

Akmang aalis na kami nang makarinig kami ng sigaw, hindi kalayuan.

"Eli, sandali!"  Narinig kong sigaw ni Maella, ang boses niya ay pamilyar.  Nang tuluyan siyang makalapit, pinulupot niya ang braso niya sa kabilang braso ko. Para bang naipit ako sa gitna nila.

"Ay, may kasama ka pala! Hi, ako pala si Maella," nakangiting sabi niya, at inilahad ang kamay. Binitawan naman ako ng isa para tanggapin ang kamay ni Maella.

Kunti pa lang ang close namin ni Maella. Hindi naman sila mahirap pakisamahan.

"Ako si Jamela, Nice to meet you pero pwede mamaya na tayo mag pakilalahan sa isa't isa? gutom na ako hahaha"

"Tama tara gutom na rin naman ako" ani naman ni Maella, sabay nilang pinulupot ang braso sa braso ko at sabay sabay kaming naglakad patungong cafeteria.

"Teka, teka, sandali lang! Anong gusto niyong kainin? Ako na oorder." saad ni Jamela akmang pupunta na kami sa kung saan oorder.

"Hanap na lang kayong mauupuan ako na oorder" ani ni Jamela pero umiling ako.

"Sige na, oorder na lang ako. Kayo na bahala sa mesa."

"Samahan na kita" sambit ko pero umiling lang ito.

"Ako na hanap na lang kayo ni Maella ng mauupuan, sige" ani nito tumango na lang ako.

Nakita kong pinaniningkitan ako ng mata ni Maella, kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Sir Jaiden? Bakit kayo nag-iiwasan, o ikaw lang ang umiiwas?" tanong ni Maella nang makahanap kami ng mauupuan. Sabihin ko kaya sa kanya 'yung nangyari?

"Wala naman, maayos naman kami," sagot ko.  Pero ang totoo, umiiwas talaga ako kay Sir Jaiden. Dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin, nahihiya pa rin ako hanggang ngayon, kahit hindi naman dapat.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari iyon, pero hindi ko maalis sa isip ko ang halik na iyon.

"We? Ayaw mo ngang hatidan siya ng kape niya tuwing gabi, e." Mapanuksong sabi nito. "Ikaw lang ang nakakapasok sa kwarto niya."

"Hindi ko naman iyon duty," sagot ko, at umirap.

Nginiwihan niya ako at inirapan.

"Hindi raw duty, pero parang kailan lang siya naghahatid ng kape," bulong nito, halatang sinasadya niyang marinig ko dahil nakatingin pa siya sa akin.

Inirapan ko siya. At nag-cellphone na lang.

"People change," agad kong sagot.

"Umamin ka nga sa akin, gusto mo ba si Sir Jaiden?" Excited na tanong nito, at tinaas-baba pa ang kilay ng aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong klaseng tanong iyan?" inis kong sabi.

"Oo o hindi lang sagot. Bakit ka naiinis?" nakangising sabi niya, halatang nang-aasar.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now