CHAPTER 5

946 21 3
                                        

"Ang tagal mo naman gumalaw, Maella!" ani ko habang kumakatok sa kwarto nito. First day of school namin ngayon kaya bawal ma-late.

"Ito na, palabas na," nakarinig ako ng kalabog. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Maella na hagard.

"First day na first-day, haggard ka," ani ko. Lumapit ako sa kaniya upang ayusin ang buhok niya. Hinayaan niya lang ako gawin iyon.

Hinawi niya ang kamay ko. "Okay na 'yan, tara na. Excited na ako, imagine sa Casa University tayo mag-aaral kung saan mag-aaral si Sir Jaiden," ani nito at niyugyog ang braso ko.

Alam ko naman na doon siya nag aaral dahil na kita ko ID niya.

"Doon nag-aaral si Sir Jaiden?" patay malisyang tanong ko kahit alam ko na doon siya nag-aaral. Taka naman siyang tumingin sakin.

"Hindi mo alam?" saad nito. Umirap ako.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" May pagka-sarcastic kong anas. Inirapan naman niya ako.

"Abay, sorry naman. Sungit mo. Oo, doon siya nag-aaral. 3rd-year college na siya," ani nito. Tumango na lang ako.

Papalabas pa lang kami ng main door ng marinig ko ang sigaw ni John. Nilingon ko ito at tumatakbo itong papalapit sakin habang umiiyak.

Namumula ang mata at ilong niyang tumatakbo. "Ate Eli, downt leave John!" sigaw nito. Mas binilisan pa nito ang takbo. Nakita ko naman si Ma'am Andrea at ang Daddy nito na naka-sunod sa kaniya pero si Sir Jaiden ang humahabol.

"John, stop running!" ani nito pero hindi nakinig ang kapatid. Nang tuluyang makalapit ay yumakap sa akin ang bata habang ngumunguwa.

"Bakit umiiyak ang baby ko na 'yan?" Binuhat ko ito at pinahid ang luha nito.

Inilagay niya ang dalawang palad sa pisngi ko at tinitigan ako sa mata. "Why are you leaving John?" tanong nito. Ngiti ko naman siya.

"Ate will be back after school. Ate will not leave you po. Stop crying na," saad ko habang pinupunasan ang luha nito.

"You won't leave John?" tanong nito. Tumango ako. Unti-unti naman siyang tumahan.

"Opo, papasok lang po si Ate sa school. Tapos pagka-tapos babalik na po ako dito at mag-papaly tayo kaya stop crying na," sambit ko sa kaniya.

"John, come to Mommy. Ate needs to go to school," Malambing na ani ni Ma'am Andrea. Pero umiling lang si John.

Tumitig ako kay Sir Jaiden upang humingi ng tulong dahil ang bigat niya. Mukha namang nakuha niya at pilit kinukuha ang kapatid.

"Come to Kuya instead. Ate Eliana will come if she doesn't... I will bring her here by myself," ani nito sa kapatid. Napa-labi naman ako sa sinabi nito. Rinig ko din ang impit na tili ni Maella.

Pinaningkitan niya ng mata ang Kuya niya. "You will bwing her here?" Paninigurado nito.

Tumitig muna sakin si Sir Jaiden bago kunin ang kapatid.

"Kuya will. Now go to mommy, Ate Eli and Ate Maella is late for school. Also Kuya is late na rin for school." ani nito at inabot naman nito ang bata sa mommy niya.

Nilingon ako ni John. "You will come back here Ate Eli ha?" Paninigurado nito. Tumango ako at ngumiti.

"Opo, babye na ho. Una na po kami Ma'am," paalam ko. Ngumiti sakin si Ma'am Andrea.

"Sorry for this. Na-late tuloy kayo. Good luck on your first day of school," sambit nito. Tumango ako. Ganon din si Maella.

Sinabi ko lang na lang na salamat at nagpaalam na dahil late na talaga kami.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now