CHAPTER 17

615 13 1
                                        

"Duele!" sigaw ko ng taktakan ni Jaiden nang alcohol ang sugat ko.

Tumigil siya, "What? Du... Du what?" curious niyang tanong.

"M-masakit," mangiyak-ngiyak kong sabi. His lips formed an "O" na parang ngayon niya lang na-realize.

Umiling siya at tumawa.

"I'm sorry," paumanhin niya at tumawa ulit.

I cursed him multiple times in my head.

"Mr. President!" Sigaw galing sa labas ng office ni Jaiden.

Nagkatitigan kami ng ilang minuto saka siya tumayo at pinag-buksan ang nasa labas.

"Si Eliana po Sir, kamusta?" Si Maella lang pala. Umusog si Jaiden para makapasok si Maella.

Pumasok siya ng may malaking ngiti sa labi.

"Maayos ka na ba? Iyong galos mo, okay na?" Tanong niya. "Sorry hindi kita napagtanggol kay Kristal," paumanhin niya at yumuko.

Ngumiti ako at nilapitan siya. Saka ko siya niyakap.

"Okay na ako, ikaw ba napagamot mo na mga galos mo?" Tanong ko. Tumango siya. "Pinagtanggol mo ako, saka hindi mo ako obligasyon. Kaya pasensya kung nadamay ka sa gulo," paumanhin ko. Niyakap ko siya. Niyakap niya naman ako pabalik.

Nilingon niya si Jaiden at binigyan ng mapang-asar na ngiti.

"Sige na Sir, una na po ako... ikaw na po bahala kay Eliana ha?" Sambit niya at umalis na nang walang sabi.

Nabalot kami nang katahimikan ni Jaiden.

Umupo ulit si Jaiden sa harap ko at inabot ang pagkain.

"I know you haven't eaten yet," sambit niya. Tumango ako at kinuha iyon sa kamay niya. "Eat while I am treating your wound," dagdag niya pa. Tumango lang ako bilang sagot.

"Ikaw? Kumain ka na ba?" Tanong ko. Tumango siya at ipinagpatuloy ang paggamot sa galos ko.

Minsan natitigil ako sa pag-subo dahil ang hapdi.

Tumikhim siya. "If someone bullies you, call me immediately or if they did you harm... fight back. Just don't let them put scars on your skin," sambit niya. Tumango ako.

Tumikhim ulit siya. "How's Nanay?" He asked. Umiling ako, hindi alam ang isasagot.

Kinagat ko ang labi at yumuko.

"Hindi ko sila matawagan," sabi ko at huminga ng malalim.

Itinapon niya sa basurahan ang mga kalat.

"What about Auntie Salome?"

"Tinawagan ko nung nakaraan. Mukhang busy," sagot ko at kinuha ang cellphone. Halos lumuwa ang mata ko nang makita kung anong oras.

"Late na ako!" Sigaw ko. Nahulog naman ni Jaiden ang hawak at gulat na nakatingin sa akin.

Inilagay niya ang palad sa dibdib at huminga ng malalim.

"You startled me. You don't have to shout," asik niya. Nag-peace sign ako.

Tumayo ako at isinakbit ang bag. Saka nginitian siya.

"Bye, Pres! Love you!" Sigaw ko at tumakbo. Hindi ko namalayan ang sinabi dahil sa pagmamadali.

"What?!" Rinig kong sigaw niya, ngunit hindi ko na siya nilingon.

Halos kapusin ako ng hininga dahil sa pagtakbo.

"Good... afternoon po, Prof." Huminga ako ng malalim. Nasa akin ang mata ng lahat. Si Maella nakatingin sa akin ng may malaking ngiti sa labi.

Tumigil sa pag-discuss ang prof at nag-cross arm.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now