CHAPTER 2

1.2K 25 0
                                        

Naka alis na ako at nakapag paalam na kanila Tiya, balak niya pa akong samahan pero hindi ako pumayag dahil mukhang antok na antok pa siya at kaya ko naman siguro.

"Mas mabuti na 'yon, para makapagpahinga siya ng maayos," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng bahay. "Kaya ko naman 'to, malapit lang naman ang trabaho ko."

Nang maka baba ng tricycle ay dumeretso ako sa gate ng pagtatrabahohan ko.

"Hi po manong!" bati ko sa guard at ngumiti ng maliit.

"Hello, miss. ano po maitutulong ko sainyo?" tanong niya.

"Ahh, papasok po sana ako. Bagong employee po ako," sagot ko.

"Ah, sige miss. Pasok ka na lang. Nasa taas po si Ma'am Andrea," sabi niya at itinuro ang bahay.

"Salamat po!" sabi ko at naglakad na papasok ng building.

"Good morning po," bati ko sa mga nakasalubong kong isa pang guard. "Ang ganda naman talaga ng bahay niyo!" bulong ko sa sarili ko.

"Ah ako po 'yong bagong babysitter ni sir John po," sambit ko at tumango tango naman siya at may kung anong tinignan sa notebook.

"Ikaw yung sinasabi ni Ma'am Andrea?" Tumango ako. "Tara pasok ka kanina ka pa nila hinihintay," ngumiti siya nang buksan nito ang gate.

"Salamat po, Manong," pasasalamat ko at ngumiti ng tipid. Tumango lang ito kaya dumeretso na ako papasok sa bahay.

"Wow, ang ganda naman ng bahay nila," bulong ko habang naglalakad papasok. "Parang nasa pelikula lang."

Narinig kong may nagtatawanan sa loob kaya naglakad ako papunta sa pinanggagalingan ng tunog.

"Good morning po," bati ko sa isang babaeng nakaupo sa sofa. "Ako po si Eliana, ang bagong babysitter ni sir John."

"Ah, ikaw pala si Eliana!" sabi ng babae. "Ako si Petchay, yaya nila Ma'am Andrea. Welcome to the family!" saad niya at ngumiti sa akin ng matamis.

Nang makapasok ay mga maid ang naabutan ko hindi mahagilap si Ma'am Andrea or ang aalagaan ko

"Ah, Ate good morning po ako po si Eliana Xianel Romanova bagong babysitter po ni John, pwede pong malaman kung asaan po si Ma'am Andrea, ho?" tanong ko sa isang maid ng napadaan siya sa harap ko mukhang nagmamadali.

"Ah, si Ma'am? nasa taas nag bibihis sige hintayin mo na lang siya ah? nagmamadali kasi ako, e." wika niya. Tumango ako pero hindi ako mapakali dahil sunod sunod silang nagmamadali sa pagaayos ng mesa kaya tumulong na ako imbes na umupo at hintayin si Ma'am Andrea.

"Ah, ikaw pala ang bagong babysitter ni John," sabi ng mayordoma, nakangiti. "Mabuti naman at may tumulong sa akin."

"Naku, wala po 'yon. Gusto ko lang naman pong makatulong," sagot ko, at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga kubyertos.

"Talaga bang si Ma'am Andrea ang nag-hire sa'yo?" tanong niya.

"Opo, siya po ang nag-interview sa akin," sagot ko.

"Ah, mabuti naman. Sige, maupo ka na lang muna doon. Tatawagin ka na lang namin kapag handa na ang lahat," sabi niya.

Tumango ako at umupo sa isang upuan malapit sa mesa.

"Okay lang po nag mamadali naman po kayo kaya tumulong na ho ako," wika ko at pinagpatuloy ang pag-aayos ng plato. "Parang ang dami naman po nilang kakainin, ano po ba ang okasyon?"

"Hindi kaba bisita ni Ma'am Andrea?" tanong nito kaya agad agad akong umiling, mukha ba akong bisita?

"Nako, hindi po. Ako po pala si Eliana Xianel Romanova bagong yaya po ni Andrei po" pagpapakilala ko.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now