CHAPTER 9

277 13 0
                                    

Nag-aayos na ako ng gamit dahil uuwi na kami. Ang bata naman ay nguwa ng nguwa, kesyo ayaw niyang iwan sina Easton at Mama.

Sa isang linggong pag-stay namin dito, mas naging close sina Mama at Jaiden, lalo na si Easton.

"I will talk to Mommy. We'll be back here, I promise. Stop crying na," sabi niya sa kapatid at hinagkan ito sa noo. Tumahan naman ang bata sa pag-iyak.

Napangiti ako sa kasweetan niya sa kapatid. Kahit hindi sila mag-kadugo ng bata, kung ituring naman niya'y tunay na kapatid.

"Ate, We'll come back here po ba?" baling na tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at tumango.

Napangiti ako sa kasweetan niya sa kapatid. Kahit hindi sila mag-kadugo ng bata, kung ituring naman niya'y tunay na kapatid.

"Ate, We'll come back here po ba?" baling na tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at tumango.

"Opo, babalik tayo. Mag-ba-bye ka na po kila Kuya Easton" sagot ko at sinuklayan ang buhok niya.

Suminghot siya at ipinakita ang hinliliit na daliri. "Promise?" sabi niya at pinakita ang pinky. Ngumiti ako at nakipag-pinky swear dito.

"Say your byes na po kila Lola so we can leave na po," sabi ko at tumayo. Hinayaan ko siyang lumakad palapit kina Mama.

"We're leaving na po. I promise you po, babalik kami po," sabi niya. Nangilid ang luha niya habang yumayakap kay Mama. "Wait for me, Kuya Easton." Sunod naman niyang niyakap si Easton na nakangiti. Ginulo niya ang buhok ng bata.

"'Wag ka na umiiyak. Babalik kayo, hindi ba?" sabi niya. Tumango naman ang bata at pinunasan ang luha na kanina pa pinipigilang lumandas.

Pinunasan niya ang mukha. "Okay po. Babye po," sabi niya at kumaway. Kumaway naman pabalik sina Mama.

"Una na kami, Ma, Easton," sabi ko at yumakap. Ayaw ko pang umuwi, pero kailangan kong magtrabaho.

"Aalis na po kami, bye, Nay," paalam ni Jaiden. Nakipag-fist bump siya kay Easton. Tumango naman si Mama.

"Ingat kayo sa byahe," sabi niya nang makasakay na kami ng van na pinadala ni Ma'am Andrea.

~~~

"Eli, palinis ng kusina saglit," masungit na sabi ni Pechay sa akin. Kaya kunot noo ko siyang nilingon.

Bakit ako ang maglilinis no'n? Hindi naman ako ang nakatuka roon.

"Sige," sambit ko na lang dahil ayokong mapagsabihan ng tamad at ayaw ko ng away kaya gagawin ko na lang, kahit hindi ako ang nakatuka roon. Pansin ko kay Petchay ang sungit niya sa akin simula noong nakabalik kami dito. Iniisip ko baka may nagawa akong mali na hindi niya nagustuhan.

Tahimik lang akong naglilinis ng kusina nang bumukas ang pinto.

"Oh, bakit ikaw ang naglilinis diyan?" Natigil si Maella sa paglalakad habang hawak ang basket na may mga lamang napag-gamitan ng damit. Maglalaba na ata siya.

Itinigil ko saglit ang ginagawa at tsaka hinarap siya.

"Ah, sinabi ni Petchay, e. Kaya nilinisan ko na," kibit-balikat kong sagot. Nagsalubong naman ang kilay niya.

"Ha? E siya ang maglilinis sa kusina at garahe ngayon. Bakit ka niya pinaglilinis ng kusina? Pansin ko rin ang sungit niya sa'yo. May ginawa ka ba sa kanya?" tanong niya. Umiling ako bilang sagot.

Wala akong maalalang masama na nagawa sa kaniya maayos pa kami simula nung umalis kami bago pumunta sa Zambales.

"Hindi ah. Simula lang noong nakabalik kami dito, ganiyan na siya sa akin. Mamaya tatanungin ko na lang siya. Baka may nagawa akong mali na hindi ko alam," pahiwatig ko, at ngumiti ng maliit. Tumango naman siya.

"Osya, una na ako. Maglalaba pa ako," sabi niya. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

Pagkatapos ko sa paglilinis, pinuntahan ko sa garahe si Pechay. At anduon nga siya, naglilinis ng kotse.

"Pechay, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko, para makuha ang atensyon niya. Tinitigan niya ako sandali, at saka umalis para patayin ang gripo. Sinenyasan niya akong sumunod, kaya agad akong sumunod.

Andito kami sa likod ng bahay, sa kung saan andito ang pool at garden. Ewan ko rin kung bakit kami nandito.

"Tungkol saan ang pag-uusapan?" panimula niya.

Huminga ako nang malalim. "May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Bakit ang sungit mo sa akin?" katuwiran ko. Kita ko ang patagong irap niya.

"Magpaka-totoo nga tayo, Eli. Gusto mo ba si Sir Jaiden?" mataray na tanong niya. Napasinghap naman ako. Agad akong umiling.

"Hindi ah! Bakit mo naman nasabi 'yan?" Hindi nga ba? Tumawa siya at umiling-iling.

Tinawanan niya ang sinabi ko. "Imposibleng hindi mo siya gusto, Eli. Simula noong nandito ka, nag-iba lahat," mapait na sabi niya.  Ikinakunot noo ko iyon.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Simula noong nandito ka, nagbago si Sir Jaiden. Hindi na siya yung tahimik na parang dati. At ako lagi ang inuutusan niya dahil gusto niya ako. Pero dumating ka," sabi niya at dinuro-duro ako sa dibdib. Naatras ako. Gusto siya ni Sir Jaiden? May naramdaman akong kirot dahil sa katuwiran ni Petchay.

"Hindi ko siya gusto," seryoso kong sagot.  Tinawanan lang niya ako.

Napaatras ako ng humakbang siya palapit.

"Ginagago mo ba ako, Eli? Simula't sapul, ayaw na kita dahil simula noong nandito ka, hindi na ako napapansin sa pamamahay na ito!" sabi niya at bahagya akong tinulak. Dahil doon, nahulog ako sa pool.

Impit akong napatili.

Si Petchay ay nakatitig lang sa akin habang ako ay halos pagod na dahil sa hindi ako marunong lumangoy. At idagdag pang malalim ang pool, hindi ko maiwasang mag-panic.

"P-Petchay! Tulong!" hirap kong sigaw. Nabuhayan ako ng loob nang may sumigaw ng pangalan ko. Kasabay no'n ay ang paglubog ko.

"ELIANA!" Huling rinig kong sigaw ng kung sino.

"Bakit mo ginawa 'yon, Petchay?!" Rinig kong sigaw ng kung sino.

"Wala akong ginawa!" Sigurado akong si Petchay iyon. "Kasalanan ko bang lampa siya... Kaya nahulog siya sa pool?!"

"Kitang-kita naman sa CCTV na itinulak mo si Eli!" Rinig kong sigaw ni Maella.

"That's enough. Nagpapahinga si Eli," rinig kong kalmadong sabi ni Ma'am Andrea. "You know the consequences of what you did, Petchay. Let's talk." Hinintay kong makalabas sila bago ko binuksan ang aking mga mata. Umupo ako, sumandal, at pumikit saglit.

Napa-igtad ako nang biglang may nagsalita.

"What happened?" tanong ng kung sino. Nang tignan ko kung sino iyon, si Sir Jaiden pala.

"S-Sir, kanina ka pa riyan?" tanong ko. Akala ko wala nang tao dito. Tumayo siya at kinuha ang tubig, saka lumakad palapit sa akin para ibigay sa akin. Tinanggap ko naman iyon at ininom. Pinunasan niya ang labi ko dahil may kunting nabuhos. Nang matapos akong uminom, ibinalik ko na sa kanya ang baso. Ibinalik naman niya iyon sa lamesa.

"So tell me what happened and why did she push you?" seryosong tanong niya nang maka-upo ako nang maayos. Tinitigan ko siya ng matagal.

Pinag iisipan ko kung sasabihin ko nga ba ang totoo. Kapag sinabi ko ang totoo baka mawalan siya ng trabaho.

"Hindi naman niya ako tinulak. Nagkukulitan lang kami," pagsisinungaling ko, at yumuko. Hindi ako makatitig sa kanya. "Wala siyang kasalanan," bulong ko pa.

"Tinatanong kita, why did she push you? Nagkukulitan ba yung sinisigawan ka?" madiin niyang sabi. Umiling ako.

"Hindi, ano, nagkasagutan lang kami sa isang bagay," sabi ko, at nagkamot ng ulo.

"Tapos itinulak ka na?" tanong niya, kunot noo. Mabilis akong umiling.

"Hindi, ah. Kasalanan ko, ang hina ko kasi kaya ayun. Pero hindi niya ako tinulak. Nabangga niya kasi ako," sagot ko, may kasama pang tango.

Kung pagsisinungaling ang sagot para hindi siya matanggal mag sisinungaling ako. Mag s-sorry na lang ako sa panginoon mamayang gabi.

Kinagat niya ang labi. "Stop defending her! She pushed you, and you drowned! Why do you keep defending her?" halos sigaw niya. Napalabi naman ako at huminga nang malalim.

Bumuntong hininga ako. "Maliit na bagay lang 'yon. Tsaka baka hindi niya sinasadya. Nabigla lang siya... siguro," saad ko sa maliit na boses. "Kumalma ka lang." dagdag ko pa. Bumuntong hininga siya.

"Look, whatever you two talk about, pushing you is not right. And for Pete's sake, tinulak ka niya at hindi ka man lang tinulungan! Bakit dinedepensahan mo pa rin siya?!" inis na sabi niya. Napakagat ako ng labi.

"Bakit ka ba nagagalit?" tanong ko, at tinitigan siya sa mata.

Ano bang kinakagalit niya?

"Ins't obvious? I like you" agaran nitong sagot na nagpa-nganga sa akin at sinapo nito ang dalawa kong pisngi tsaka ako hinalikan.

Hindi agad ako naka-galaw at tulala lang ganon din siya.

Halos mabingi ako sa katahimikan dito sa kwarto.

He ran a hand through his hair, his neck and ears flushed.

"D-Don't look," he mumbled shyly, turning his back to me. "I'm sorry for... kissing you without your consent. But what I said is true. I like you. I'm sorry for raising my voice." He said nothing more, and left the room.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now