Tulog pa si Mama at Easton. Ang mga kamay ko ay mahigpit na nakahawak sa kamay ni Mama at Easton, parang takot na takot na mawala ako sa kanila. Ang aking mga mata ay namumula na sa kakaiyak, at ang puso ko ay puno ng lungkot.
"Eliana, we need to leave, you need to wake them up... Para makapag-paalam ka na," sabi ni Jaiden mula sa likod ko. "I know this is hard... But we need to go back to Manila, you have to work and study there."
"Hindi ko po kaya, Sir Jaiden, lalo't nasa ganitong kalagayan si Mama..." sagot ko, ang aking boses ay halos pabulong. "Paano ko iiwan ang Mama ko? Hindi ko kaya," hikbi ko."I know this is hard, Eliana," sabi niya, hinahawakan ang balikat ko. "We need to go back... I promise we will visit them."
"Pero paano kung may mangyari sa kaniya ng masama? Hindi ko kakayanin 'yon," tanong ko, puno ako ng takot ngayon lalo na't maiiwan ko na naman sila. "Maiiwan ko ulit sila... dahil babalik na ako sa tunay kong magulang."
Nandito naman si Tiya Salome ngunit hindi pa rin ako mapanatag."They are in good hands, Eliana," sambit niya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo. "I'm here, I will not leave by your side whatever happens, okay?"
"Pero paano kung... hindi ko na sila makita ulit?" tanong ko. Inilingan niya ako.
"That will never happen, Eliana. I won't let that happen," saad niya at hinarap ang upuan sa kaniya. "Everything will be okay. I need you to be strong and believe in God."Ngunit kahit na sinabi iyon ni Sir Jaiden, hindi pa rin mawala ang takot sa puso ko. Alam kong kailangan kong bumalik sa Maynila, pero hindi ko alam kung paano ko iiwan sina Mama. Ganito ang kalagayan niya, hindi ko alam kung kakayanin kong magtrabaho at mag-aral lalo't nasa ganito siyang sitwasyon.
Hindi na ako nag-paalam sa kanila dahil ayaw kong umiyak at baka hindi na ako makaalis.
"Salamat po, Tiya Salome. Kayo po muna bahala kanila Mama," saad ko, at mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. Naramdaman ko ang init ng pagmamahal niya sa akin. "Alam kong kaya niyo pong alagaan sila Mama Eliza. Mag-iingat po kami sa byahe."Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha ko. "Tawagan niyo po ako kung sakaling may masamang mangyari kina Mama."
Ngumiti si Tiya Salome, isang ngiting nagpapagaan ng loob. "Oo naman, Eliana. At ikaw rin, mag-ingat ka."
Muli kong nilingon sina Mama na mahimbing pa ang tulog habang nakayakap kay Easton.Hinalikan ko siya sa pisngi at naglakad palayo. Habang naglalakad ako palabas ng hospital at patungong parking, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Malungkot ako na kailangang umalis, pero alam ko na kailangan kong magpatuloy sa trabaho para sa pangangailangan ni Mama.
Sinalubong ako ni Jaiden na may ngiti sa labi habang buhat si John. "It's okay, we will call them once we get there, okay?" saad niya at hinalikan ako sa noo. Tinanguhan ko siya.
Magkahawak-kamay naming tinungo ang sasakyan niya.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng telepono ko na agad kong kinuha.
May nag-text sa akin na hindi ko kilalang number.
Unknown Number:
How are you? I heard what happened to your Mama Eliza. Can I help? This is Mama Glaiza.
Nag-isip pa ako kung mag-rereply ba ako.
Eliana Xianel:
Maaari po ba kitang puntahan pagka-rating po namin ng Maynila?Wala pang ilang sigundo ay nag tatype na siya.
Unknown Number:
Of course, anak. Anytime.Reply niya. Bumuntong hininga na lang ako at hindi na nag-reply.
Naramdaman ko ang ginawang pagtititig sa akin ni Jaiden. "Who was that?" tanong niya.
Tinaponan ko siya ng tingin at tumingon sa back seat upang tignan si John na mahimbing ang tulog.
"Si Mama Glaiza," sagot ko at pumikit.Nagtataka ako kung saan niya nakuha ang number ko. Wala akong maalala na ibinigay ko sa kaniya ang number ko.
"I gave her your number," bigla niyang sabi.
Kinunotan ko siya ng noo. Kaya niya ba magbasa ng isip?
"I can't read your mind," muli niyang sambit.
Tinaasan ko siya nang kilay. "Sigurado ka?" Tinanguhan niya lang ako.

YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...