CHAPTER 20

43 6 3
                                    

Sabado na ngayon at kailangan ko na bumalik bukas sa Maynila gaya ng sabi ni Manang Cicelle.

Hindi ko pa nabuksan ang cellphone ko simula kahapon kaya hindi ko alam kung hinahanap na ba ako.

"Tumakas ka?" tanong ni Mama. Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagbabalat ng ponkan.

Humarap ako sa kaniya at iniabot ang ponkan. "Alam ni Manang Cicelle ang pag-alis ko," sambit ko at naupo sa tabi niya.

Sumandal naman siya sa headboard. "Kahit pa. Mali ang ginawa mo. Hindi ka dapat umalis sa bahay nila Jaiden ng hindi ka nagpapaalam sa boss mo," saad niya.

Tama naman si Mama. Mali ako sa part na 'yon, nagawa ko pang takasan ang alaga ko.

"Kayo naman kasi hindi niyo sinasagot ang tawag ko," paninisi ko.

Bumuntong-hininga siya. "Ayaw kong mag-alala ka at busy ka pa naman sa trabaho mo."

"Ma, natural lang na mag-alala ako dahil Mama kita. Ilang linggo ka rin hindi matawagan... Kaya't nag-alala na ako baka kung napapano na kayo rito," giit ko.

Inayos niya ang buhok ko. "Kami na lang ang lagi mong inaalala, ni ang pagiging dalaga mo nga'y hindi mo na enjoy."

Dapat ba akong mag-sisi dahil hindi ko na enjoy ang pagiging dalaga?

"Okay lang naman sa akin, Ma. Kayo naman ang kasama ko kaya nakapag-enjoy pa rin ako," saad ko at yumakap sa kaniya.

Niyakap niya ako pabalik. Nasa ganito kaming posisyon ng may kumatok.

Pumasok si Easton na may bitbit na maleta na hindi ko alam kung saan galing at kanino.

"Bakit ka may dalang maleta?" tanong ni Mama. Hindi sumagot si Easton, bagkus ay nilakihan niya ang bukana ng pinto.

Nakita ko ang dalawang tao na hindi ko inaasahan. Si Jaiden at John, na mugto ang mata at namumula ang ilong.

Binitawan ni Jaiden si John at patakbong lumapit sa akin saka ako niyakap.

"God. I thought something bad happened to you... You made me so worried," bulong niya, naka-yakap pa rin. Hinawakan niya ako magkabilaang balikat. "Why did you leave the house without my permission? Are you okay... Are you safe? How did you go here?" sunod-sunod niyang tanong.

Nahiwalay ako sa kaniya ng marinig ko ang mahinang hikbi ni John at ang pag-ubo ni Easton at Mama.

"Ehem... Parang naglaho kami bigla," parinig ni Easton.

"Binaba pa talaga ang kapatid para unang makayakap," si Mama.

Mukhang nahiya siya kaya kinuha niya ang maleta na nasa tapat ng pintuan at umaktong parang walang nangyari.

Nagbaba ako nang tingin kay John. Umiyak siyang lalo kaya nilapitan ko na siya.

"You are bad, Ate. You left me. You promised you wouldn't leave me... And you still did!" iyak niya. "I hate you!" sigaw niya pa.

Masama na ba ako kapag natatawa ako sa ka-cute-an niya?

Nagbaba ako nang tingin kay John. Umiyak siyang lalo kaya nilapitan ko na siya.

Napabuntong-hininga ako. Alam kong nasaktan siya sa pag-alis ko, pero hindi ko naman sinasadya. "John, I'm sorry na po. Ate is worried po, that's why she left like that."

"But you promised!" sigaw niya. Kahit pasigaw ay soft pa rin ang boses. "You said you won't leave me po!"

Nagsalubong ang kilay ni Jaiden sa ginawang pag-sigaw ni John. "John, don't shout to your Ate like that," pangangaral niya sa kapatid ngunit inilingan ko lang siya.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now