"Kaya ka ba umiyak noon kasi nakita mo ang Papa mo?" tanong ni Gerald.
"Naguguluhan ako... bakit ka umiyak no'n?"
Pagka tapos ang anonsyo na 'yon ay nanahimik silang lahat kalaunan ay nag patuloy sila sa pagsasaya.
Pabilog ang lamesa tanging kaming mag kaklase lang ang nakaupo mga lalaki lamang ang nakatayo, ang iba ay nagsasayawan habang may hawak na wine.
"Nawawalang anak ka ba nila?" umiling ako.
Hindi naman ako nawala.
Nagkamot ng ulo si Sarah. "Kung hindi ka nawalang anak, edi ano?" naguguluhan niyang sabi. Bumuntong hininga ako.
Pinatunog ni Maella ang dila. "Change topic na... Baka hindi siya comportable." sambit niya.
Hindi naman sa hindi ako comportable nalulutang lang ako.
Wala pa rin si Jaiden, sinundo niya si John at hinatid sa bahay pero babalik naman daw siya.
"Napansin niyo si Alexis? Umiiyak kanina..." nakuha ni Kenneth na nakakuba ng atensyon ko.
Isa rin siya sa iniisip ko ngayon kung ano ang ibig niyang sabihin kanina.
"Bakit daw?" kibit-balikat lang ang tanging sagot niya.
Kinalabit ako ni Maella ng lingunin ko siya ay may nginunguso siya sa likod ko na agad ko namang nilingon.
Si Mama at Papa.
Ngumiti silang dalawa sa akin nang makalapit ganon din sa mga kaklase ko.
"Are you guys enjoying?" mahinhin na tanong ni Mama.
Sabay-sabay naman silang tumango at ngumiti ng malapad.
Tumayo si Allison. "Yes po, Mr. & Mrs. Romanova. Thank you for this wonderful night, nag enjoy po kami ng sobra." ngiting saad niya na sinangayonan naman ng iba. Tumango naman ang mag asawa.
Hinawan ni Mama ang kamay ko. "Can I borrow Eliana for a bit?" tumango naman sila bilang sagot.
"Yes, Ma'am. Thank you po ulit!" sabi ni Jamela.
Tinanguhan ko naman sila at sumunod kila Mama.
Bali nandito kami sa principals office.
"How are you?" panimula ni Mama. "How's Eliza?"
Lumunok ako. "O-okay naman po ako, okay na rin po si Mama nakausap ko na po siya kanina." ilang na sagot ko.
Tumawag si Mama kanina bandang alas-singko para batiin ako.
"I... I though you will come to our company once you got back here in Manila... We waited for you, but you didn't came." kalmadong sabi ni Mama. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Tumikhim si Papa. "Sayang, hindi mo natikman ang mga luto ng Mama Glaiza mo."
Shit! Nakalimutan ko, hindi ako nakabisita pagka dating namin dito sa Maynila.
Bigla akong nahiya dahil pinag hintay ko sila at nag abala pa magluto si Mama.
Lumapit ako kay Mama at hinawakan ang kamay niya. "Pasensya na po, hindi ko po sinasadyang makalimutan na puntahan ho kayo." paumanhin ko. Nginitian naman ako ni Mama ng maliit.
"It's okay, you can go with us to our house... I will cook for you." ngiting sabi niya.
Hindi pa ako comportable na kasama sila at saka hindi pwedeng hindi ako umuwi dahil baka hanapin ako ni John.
Unti-unting nawala ang ngiti niya ng hindi ako sumagot. "Anak?"
Kinagat ko ang labi ko. "Pwedeng... Pwedeng sa susunod na lang po?" saad ko at umiwas ng tingin. Kahit si Papa ay nawala ang maliit na ngiti sa labi.
YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...
