CHAPTER 16

249 9 2
                                    

"Kamusta ka, Eliana?"

"Maayos na ba lagay mo?"

"Gusto mo ba ng makakain?"

"Anong nangyari sa'yo nung nakaraan?"

"Upo ka, upo ka."

Sunod-sunod na bungad nila sa akin pagkapasok ko sa room.

"Maayos naman ako, salamat sa pag-alala," ngiting saad ko.

Tumango sila at nag-thumbs-up.

"Okay na siya guys, nahilo lang. Naka-amoy nang paputok kaya nawalan ng malay," Maella joked.

Tumawa ng malakas si Gerald. "Hoy! Sino 'yon?!" saad niya at tumawa pinalo ang katabi.

Tumawa ang lahat except kina Kristal, Alexis, at Keziah.

"Ang tatanda niyo na. Pinag-tatawanan niyo pa rin iyong ganiyan," inis na sambit ni Kristal.

Tumigil sa pag-tawa ang ilan. "Manahimik ka nga, Kristal! Palibhasa nangangamoy kili-kili mo kaya ikaw nangunguna mag-suway," asik ni Jamela. "Kita mong nagbibituan kami tapos gaganiyan ka?"

Padabog na tumayo si Kristal at nanlilisik na lumapit kay Jamela na nakataas ang kilay habang masama ang tingin sa kanya.

"Anong sabi mo?!" sambit niya, nangangalaiti sa inis.

Hindi nagpatinag si Jamela at humakbang palapit sa kanya.

"Ang sabi ko may putok ka!" ulit ni Jamela. Akmang sasabunotan siya ni Kristal nang gumitna si Gerald.

"Awat na! Awat na! Times up! Times up!" sunod-sunod na sigaw niya. "Aray!" daing niya nang siya ang sinabunotan ni Kristal.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nandito lang ako sa harap, pinapanood sila dahil hindi alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung maawa ba ako kay Gerald o hindi dahil siya ang kawawa.

"Putok!"

"Assumera!"

"Maasim!"

"Inggitera!"

"Walang gustong makipag kaibigan sayo dahil maasim ka!"

"Hindi ka mahal ng Mama mo!"

"Tama na, Kristal! Jamela!" awat ni Allison.

Hindi nakinig ang dalawa. Nakalmot na rin ako dahil sa pag-awat pero mas kawawa si Gerald na sa gitna nag-aawat.

"Enough!" Someone's voice roared.

Pare-pareho kaming natigil sa pag-awat kina Kristal at Jamela dahil sa sigaw ni... Jaiden.

Salubong ang kilay niyang nakatingin sa dalawa. "What's happening here?" Tanong niya at isa-isa nilingon ang mga kaklase ko. Natigil ang mata niya sa akin.

"Wala po, Mr. President." Magalang na sabi ni Allison at kinurot si Jamela na akmang sasagot.

President? President pala siya ng school? Ngayon ko lang nalaman.

"What's with the shouting?" Tanong pa niya. Hindi inaalis ang mata sa akin.

Hindi ko alam kung ako ang tinatanong niya o ang mga classmate ko.

"N-nag p-practice lang po ng role play, Pres, haha," kabadong sambit ni Janna. "'Di ba guys?" Tanong niya pa. Humarap sa amin at nilakihan kami ng mata.

Sabay-sabay kaming tumango at peking tumawa.

"Tama, Pres! Practice lang para sa role play," saad ni Clarissa at pinalo si Benjie ng mahina.

Isa-isa niya kaming tinitigan. Hindi sigurado kung nagsasabi ba kami ng totoo.

Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin.

"Role play? What role play, insulting? Shouting at each other?" Tanong niya sa akin. "Someone's hurt, look at Gerald," saad niya. Ang daliri ay nakaturo kay Gerald. Tama nga siya. May kalmot sa leeg at mukha si Gerald.

Pasimple akong lumingon sa mga classmate ko na umiwas lang ng tingin.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "I know when you are lying. Tell me the truth," saad niya at nagbaba ng tingin. "Sino ang kumalmot sa'yo?" Tanong niya. Nagtaka kaming lahat kung sino ang tinatanong niya.

Nang lingunin ko siya ay sa braso ko siya naka-tingin.

Bumaba ang tingin ko sa braso ko. May kalmot nga ro'n at namumula pa. Halatang bagong kalmot.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now