𝙋𝙧𝙤𝙡𝙤𝙜𝙪𝙚

18.9K 348 18
                                    

Nakatingin lang ako sa paligid ko dahil sa mga lalaking nakapalibot sa lugar kung nasaan ako. May mga babae naman kaso bilang sa daliri ang nakikita ko. At ang ganitong senaryo ay hindi na bago sa aking paningin.

"Kaya kong maglakad mag-isa," reklamo ko na kanina pa ako kinakaladkad ng isang may hawak sa akin sa braso. Samantalang ang dalawa ay nakasunod lang.

Narinig ko naman ang pagkasa ng baril at may matigas na bagay na tumutok sa likudan ng ulunan ko.

"Tatahimik ka o sasabog 'yang ulunan mo," pananakot nito sa akin.

Hindi na ako sumagot hindi dahil sa natakot ako sa banta, kundi ayaw ko lang humaba ang usapan. Wala rin namang saysay kung makikipagtalo ako sa kanila. Nandito ako sa teritoryo nila kaya kahit saanmang anggulo tingnan, lugi ako.

Kaunting paglalakad or let's say pagkakaladkad pa ay huminto kami sa isang kuwarto na may nagbukas mula sa loob. Bigla naman nila akong tinulak paloob kaya muntik na akong masubsob kundi ko lang nabalanse ang katawan ko kaagad.

Napapikit ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili ko sa paraan ng pagtrato nila sa akin. Kundi lang nakatali ang kamay ko sa harap ko, baka nakatanggap na sila sa akin ng sapak sa mukha. Pero ayaw ko ring pairalin ang init ng ulo ko dahil kailangan ko munang analisahin ang sitwasyon ko ngayon dahil wala akong alam sa nangyayari.

"Boss," salita ng lalaki.

Boss?... Na naman ba?

Tiningnan ko ang paligid ko kung sino ang magre-react sa tawag ng humahawak sa akin kanina. Kumpara sa labas, kakaunti at bilang sa daliri ko ang nandito sa loob. Sa tingin ko mga pinagkakatiwalaan ng boss nila ang mga tao na nandito.

May bigla namang tumalon na isang lalaki mula sa billiard at nakapamulsang lumapit sa amin.

Boss nila ang batang 'to? Hinusgahan ko na kaagad ang itsura niya dahil hindi hamak na mas bata ito sa akin kung ibabase sa itsura. Wala rin sa itsura niya na mukhang kaya niyang gumawa ng karumal dumal na pangyayari.

"Boss Aero, siya ang kapatid ni Kaede."

Mas lalo akong nagseryoso dahil narinig ko ang pangalan ng nakatatandang kapatid ko na si Kuya Kaede. Wala na siya sa Pilipi as kaya imposibleng may gawin siya dito. O, isa ito sa mga may atraso siya bago umalis ng bansa.

"Nasaan ang Kuya Kaede mo?" tanong niya.

Inaasahan ko na ang boses niya at aakma sa itsura niya. Hindi ito malalim na tila boses lang ng isang nagbibinata kaya hindi naman nakakatakot. Ang isa pa, mas matangkad ako ng bahagya sa kaniya at kung tutuusin ang katawan nito ay hindi hamak na patpatin kung ihahambing sa katawan ni Garret o ni Carter ngunit hindi ko naman masasabing payat siya. Maganda na rin ang pangangatawan niya na parang hindi napabayaan sa gym.

Nakita ko naman ang pagngisi nito sa akin kaya naman itinigil ko na ang pag-aanalisa sa kaniya.

"Hindi ko alam," simpleng sagot ko na kaagad akong nakatanggap ng isang malakas na sampal.

Hindi kaagad ako naka-react sa ginawa niya sa hindi ko inaasahan na pagsampal niya sa akin. Kung alam ko lang ay nakaiwas ako pero mabilis ang kaniyang naging galaw.

"Nasaan si Kaede?" tanong muli nito tulad ng pagtanong niya sa akin.

Susugurin ko sana siya ng may humawak sa balikat ko upang pigilan ako. Iniyukom ko ang mga palad ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Isa sa pinakaayaw kong ginagawa sa akin ay ang pagsampal. Suntukin, sipain or kahit ano pero hinding-hindi ang pagsampal dahil insulto 'yon sa akin.

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon