Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang maligo. Wala akong ganang bumangon. Wala akong ganang makipag-usap. Wala na akong ganang mabuhay pa!
Lahat ng katanungan na bumabagabag sa akin sa loob ng tatlong taon ay nasagot na ng iisang salitang narinig ko mula pa sa isang bata! Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari sa buhay ko. Ang alam ko lang kaya ako nabubuhay para sa pangako niya na ngayon ay naglaho na.
Paano na ako? Anong gagawin ko?
"Aero!" Malakas na sigaw ang narinig ko mula sa labas ng kwarto ko na mula kay Kuya. "Mag-ayos ka dahil pinapatawag ka ng Lolo sa baba upang ipakilala ka kay Don Miliano."
"Opo!" sigaw ko rin.
Bagsak-balikat akong nagtungo sa closet ko para humanap ng matinong damit. Nag-ayos ng kaunti para maging presentable naman ako ngunit napaiyak na naman ako ng maalala kong muli ang pagkikita namin Eiji.
"Ano ba Aero?! Ilang beses kitang papupuntahan dito?" sigaw ni Mommy.
"Palabas na po!" sagot ko.
Huminga naman ako ng malalim. Kinalma ang sarili ko at sinabing..."mamaya ka na umiyak, pagbalik mo sa kwarto," pag-aamo ko sa sarili ko sabay suot ng sunglasses ko.
Bumaba na ako at nagtungo sa sala kung saan nag-uusap daw sila. Nakita ko naman ang isang matandang lalaki at si Carter na hindi ko makakalimutan ang pagkindat niya kay Ei..ji... Wag kang iiyak!
"Siya ang magma-manage sa itatayong casino sa Japan, Aero Mikhail Andersen, apo ko. " Pagpapakilala ni Lolo sa akin saka bumulong. "Bakit ka nakasalamin sa loob ng pamamahay natin?"
"Namumula po kasi mata ko," pagsisinungaling ko.
Pinilit ko talaga si Lolo na ako na ang mamamahala sa pagpapatayo ng bagong casino sa Japan kasi pagkakataon ko na 'yon. Balak ko sana na ako ang maghahanap sa kaniya sa Japan na mukhang hindi na matutuloy. Nawalan tuloy ako ng gana.
"Nice meeting you," sagot ko at umupo sa tabi ni Lolo.
Pansin ko naman ang kakaibang tingin at ngiting ibinabato ni Carter sa akin.
"Ipapakilala ko sa inyo ang nagmamay-ari ng teritoryong pagtatayuan natin. Iba ang pamamalakad ng mga yakuza sa mga lugar nila kung ikukumpara natin sa Pilipinas. Mabuti na lang may kilala si Carter na hapon na tutulong sa inyo," pagsasalita ni Don Milliano.
Ngumiti naman si Carter. "Nagagalak akong matulungang mapalawak ang casino niyo Don Arthur," pasipsip nitong salita kay Lolo Arthur.
Nagpatuloy uli sila sa pag-uusap ng mga dapat nilang ihanda ng magsabi ang isa sa mga kasamahan ni Don Milliano na dumating na daw ang tutulong sa amin na hapon. P'wede pa ba akong mag-back out? Wala na akong rason para pumunta ng Japan.
"Don Arthur, he is Eiji Sakurada. He is descended from the largest clan in Japan, the Sakurada." Pakilala ni Don Milliano sa lalaking nakatayo sa gilidan ko.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Halos walang pinagbago ang mukha niya bukod sa mas lalo itong nagmatured. Mas lalo ring lumaki ang katawan niya at parang tumangkad pa siya ngayon kung ikukumpara ko sa dati niyang height. Mas lalong lumakas ang sex appeal niya na mapapa-third look ka pa at iisa pa ng tingin.
"Aero," mahabang tawag ni Lolo sa akin na nagpagising sa akin. Pinagbantaan ako ng tingin ni Lolo kaya naman umayos ako ng upo na hindi ko namamalayan na kagat-kagat ko ang hinlalaking kuko habang nakatingin kay Eiji.
Pagharap ko naman, nakita ko si Carter na pinipigil ang matawa. Gusto ko ng lalamunan ng lupa!
Umupo si Eiji sa tabi ni Don Milliano. Nagsimula na silang magdiscuss ng kung ano-ano na hindi ko maintindihan dahil lumilipad ang isip ko papunta sa kaniya. Kumakabog din ang dibdib ko sa lakas ng pagtibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
AçãoC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...