𝘽𝙪𝙡𝙡𝙚𝙩 22

3.5K 125 24
                                    

Eiji's

Napatingin ako sa relo ko, nagbabakasakaling maabutan ko pa ng bukas ang flower shop na madalas kong bilhan. Pagkababa ko sa kotse, madali akong pumasok sa shop.

"Sabi na dadating ka po. Tulad po ng dati?" tanong ng florist na ikinatango ko.

Matapos niyang maihanda ang isang magandang bungkos ng bulaklak, binayaran ko na ito. Umuwi na ako sa unit kung saan siya naghihintay sa akin. Pagbukas palang ng pintuan, nakita ko na siyang nakatayo sa harap ko. Nakabuka ang kamay niyang hinihintay na yumakap ako sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya kasabay ang mahigpit na pagyakap sa akin. "I miss you, myloves" salita nito.

Hinarap ko naman siya na hindi inaalis ang yakap sa kaniyang bewang. " I miss you too," sagot ko at inabot ang paboritong uri niya ng bulaklak kaya kitang-kita ko ang malawak niyang ngiti. "I love you, too," salita ko.

Tumingin ito sa akin at tumawa. "You don't love me, Eiji. How did you hurt someone you love? That is not love." sagot niya at sa isang iglap lang, nakita ko siyang nakatali sa kama na walang saplot. "Is this what you call love?"


Napadilat ako mula sa isang masamang panaginip--hindi pala panaginip kundi katotohanan.

"Pasensya natagalan ako sa isang client," pasok ni Dr. Jinvee ng makapasok siya sa opisina niya. "Mukhang hindi ka okay," bungad nito sa akin.

"Binalikan ko ang dating findings ng Papa sa'yo pero hindi ka rin na diagnose ng kahit ano dahil hindi ka na ibinalik ni Kuya Kaede mo para umattend sa session niyo," salita nito habang may binabasa sa tablet na hawak niya.

May kinuha naman siyang folder sa drawer niya at binuklat ito. "I can't diagnosed you with an IED. Your symptoms was not enough to consider you of Intermitent Explosive Disorder."

Napatingin naman ako sa kamay ko at pinagdaop ito. "Why did I hurt him? Paano kung malala pa ang magawa ko sa kaniya?" Puno ng pag-aalala kong tanong.

"Anger is natural emotion of a person. It shuts down empathy and feelings for other people, and it makes you want to pay back those who hurt you. That is what you did to your boyfriend, right? Gusto mong maramdaman niya rin ang sakit na nararamdaman mo kasi napangungunahan ka ng galit."

Tamang-tama ang sinabi ni Dr. Jinvee sa akin.

"Losing control of your emotions and becoming overcome with anger is the thing you need to control," sabay sarado niya sa folder.
 
"How? I really don't want to hurt him again." Desperado na talaga ako. Gusto ko pagbalik ko sa kaniya, hindi ko na siya masaktan pa.

Tumagal kami sa pag-uusap sa mga pinayo at sinabi niya sa akin para makatulong makontrol ang galit na nararamdaman ko. Pinagsisisihan ko ang lahat ng pagbubuhat ko ng kamay kay Aero at pati na rin ang pamimilit sa kaniya.

"I'll write you a prescription for an antidepressant that you must take for 30 days. Keep in mind that it will not precisely target your anger within your body. It will only have a calming effect that will support the control of rage and negative emotions." Paalala nito bago binigay ang reseta sa akin.

"Next week will be my flight to Japan," naalala ko bigla.

Balak ko pa ring isama si Aero sa Japan pero gusto ko kapag kasama ko na siya, kaya ko ng kontrolin ang sarili kong galit. Kaya naman sinabi ko sa kaniya na susunod na lang siya amin.

"We can do our session online." sagot niya at itinago ang folder.

Nagpasalamat na ako sa kaniya at lumabas na ng therapy room. Nakasalubong ko naman ang kapatid niya na may dala-dalang bulaklak na nakasuot din ng floral dress. Mahilig siya sa mga bulaklak.

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon