Napabilib ako sa lahat ng narinig ko mula sa kanila. Lahat ng ibinato kong tanong ay nakuha ko lahat ng gusto kong marinig na sagot. Hindi ako nagkamali sa posisyon kung saan ko sila nilagay.
"..and that will be our plan. We're going to start our plan the next day. Kailangan niyong ihanda lahat ng kailangan lalo na ang sarili niyo," paalala ko sa kanila.
Pumalakpak naman ang boss nila sa kanila. "Dahil sa maganda niyong ginawa, let's have our dinner."
Napa-yes naman ang iba sa kanila samantalang ako ay napatingin sa orasan. "I do have classes for tomorrow," singit ko sa pagsasaya nila.
"Nag-aaral ka?" sabay-sabay na tangin nila kasama ang boss nila.
"Oo, fourth year college student. And I need to prepare the things I need for tomorrow kaya pass mo na ako. " sabi nila.
Sa pagkakataong ito hindi na ako pinigilan ni Aero pero nagpapasama siya sa akin sa opisina niya. Tumayo ako sa gilid ng pintuan habang sinusundan ko ng tingin siya na may kinuha sa ilalim ng lamesa.
Lumapit ito sa akin at inabot ang isang paper bag. Binuksan ko ito para tingnan ang laman. "Why are you giving me this?" takhang tanonh ko.
Kita ko ang pag-iisip niya."Gusto ko lang ibigay sa'yo kasi sinusuportahan ko ang partner ko sa pag-aaral niya," sabay ngiti.
Ito ang latest model ng isang sikat na brand ng laptop at hindi biro ang halaga nito. Kahit naman isauli ko ito, hindi niya rin naman kukuhanin kaya wala ring saysay.
"Thank you." Pasasalamat ko sa kaniya.
Umiling naman siya. "You need to kiss me as a thank you." Ngumuso pa ito sa harap ko.
Napabuntong hininga naman ako saka lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Kaya naman nakita ko ang malaki nitong ngiti dahil sa ginawa ko.
Parang isang bata ang nakikita ko sa harap ko. Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil sa pinaggagawa niya dahil pakiramdam ko kasalanan ko pa kapag umiyak siya kung sakaling magbitaw ako ng masasamang salita. At ang pagkilos niya ay minsan hindi umaayon sa edad niya.
Wala akong nararamdaman sa kaniya. Ginagawa ko lang ang mga bagay na gusto niyang gawin sa akin dahil parte ito ng trabaho. Siguro dahil nakatatak sa isip ko simula palang na trabaho ang ginagawa ko kaya hindi ko binibigyan ng malisya. Saka wala akong interes sa kaniya. Ngayon alam ko ng ayaw ko pa rin pumasok sa isang relasyon.
"Kahit labag sa loob ko na paalisin ka, sige na mauna ka na," utos nito sa akin.
Tumango ako sa sinabi niya at lumabas na. Nagtungo kaagad ako sa parking area kung saan ko pinark ang kotse ko. Pumasok na ako sa loob at inihagis sa likod ang ibinigay niyang laptop.
Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si Ezra na nanonood ng tv.
" Mukhang ginagabi ka na ata sa pag-uwi. May binabahay ka na ba? " pagbibiro nitong bungad sa akin.
Umupo naman ako sa tabi niya at nakinuod. Kaming dalawa na lang ni Ezra ang naiwan dito sa Pilipinas dahil bumalik na si Kuya Kaede sa Japan. Gusto naming sumama sa kaniya pero ayaw niya dahil sa pag-aaral ko. Si Ezra pinayagan niya ngunit hindi siya pumayag dahil ayaw niya akong maiwan mag-isa.
Si Ezra ang aking nakatatandang kapatid na babae. Hindi ko siya natatawag na ate kasi halos wala pang taon ang tanda niya sa akin kaya nakasanayan kong Ezra na lang dahil akala ko noong mga bata pa kami ay kakambal ko siya.
Si Kuya Kaede ang pinakamatanda sa amin. Siya na ang tumayong magulang namin noong namatay si Daddy at Mommy noong kakatuntong palang namin sa elementarya. Pinasok niya lahat ng trabaho kasi alam ko na gusto niyang magkaroon kami ng magandang buhay pero kapahamakan ang dulot nito sa amin.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...