𝘽𝙪𝙡𝙡𝙚𝙩 28

3.8K 105 8
                                    

     Kanina pa ako nakatingin sa cellphone ko hinihintay ang chat or text niya kung malapit na sila. Sabi ko sa kaniya  magsabay na kami pero hindi siya pumayag dahil kailangan na nandito ako sa amin kasi kami ang host ng dinner para sa araw na 'to. Sus! Para namang ako ang pinakaimportanteng miyembro ng pamilya.

"Dadating ba ang boyfriend mo?" biglaang tanong ni Lolo.

Sabay-sabay namang napatingin sa akin ang kamag-anakan ko. Literal na sabay-sabay.

"May boyfriend ka na?"

"Sino naman ang nadali mo?"

"Parang noong nakaraan lang wala kang interes tas ngayon meron na."

"Husay talaga 'tong pamangkin ko,matinik pa."

Pinigil ko lang na patulan sila sa sinasabi nila or bigyan ng irap ang mga komento nila. Sasagot na sana ako ng dumating ang isang kasambahay.

"Sir Aero, meron po kayong bisita." Nakita ko si Ezra sa likod niya kasama ang pamangkin nilang si Yuri.

"Hindi ka na bakla?" sabay-sabay nilang tanong na nakatingin kay Ezra na pinipigil na matawa.

Napahinga naman ako ng malalim. "Inimbita ko rin po ang kapatid ni Eiji para dito po. Siya po si Ezra at Yuki po ang pamangkin nila." Pagpapakilala ko sa dalawa na pinaupo ko naman sa tabi ko.

"Maraming salamat po. May pinautos lang po ang Lolo kay Eiji pero pasunod na po siya," paliwanag nito kahit hindi naman kailangan.

"Eiji? Hindi ba iyon 'yung boyfriend mo noon na sinama mo dito na iniwan ka rin naman. Nagkabalikan na kayo?"

Bakit hindi matahimik ang mga 'to. Basta talaga sa chismisan, ayaw papahuli.

"Hindi po siya basta umalis at iniwan ako. Alam ko po na aalis siya," pagrarason ko. Ayaw kong magmukhang masama si Eiji sa paningin nila.

Nagpatuloy na kami sa pagkain na hindi natatahimik ang iba na tungkol pa rin sa akin ang kwento. 'Yung iba naman may kaniya-kaniyang pinag-uusapan lalo na ngayon dessert na ang kinakain namin. Wala pa rin si Eiji.

"Yuki, wait for me here. I have to use the restroom. Stay with Kuya Aero," salita ni Ezra na mukhang Japanese ang ginamit na lenggwahe.

Tumango naman ang bata na nagpatuloy sa pagkain samantalang si Ezra ay pinasamahan ko sa katulong para ituro ang restroom.

"Ang tagal naman ni Eiji," bulong ko sa sarili ko na ikinalingon ng bata sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at pinunasan ang bibig niyang nagkalat ang chocolate.

"Papa?" tanong niya na ikinatango ko. Hindi daw 'to sanay magtagalog, pero medyo naman sa english. Siguro narinig niya ang pangalan ni Eiji.

Tumango naman ako. "Where's your Papa?" tanong ko sa kaniya.

"Papa? Akala ko ba pamangkin 'yan ni Eiji." singit sa amin ni Kuya Enzo.

"Papa na po kasi nakasanayan niyang itawag kay Eiji dahil patay na ang tunay niyang ama. Silang magkapatid na ang tumayong magulang niya," paliwanag ko.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo 'yung bata sa upuan kaya mabilis ko siyang inilalayan para hindi mahulog. Nakabaling ito sa akin.

"Papa, angry arghhh " kwento niya na may kasama pang emotion na pinagsalubong niya ang kilay niya habang ang mga maliliit nitong kamay ay nakayukom.

"Why Papa angry?" Si Eula naman ang nagsalita kaya sa kaniya bumaling ng tingin ang bata. Chismosa talaga 'to.

Sandaling nag-isip ang bata sabay kibit-balikat na mukhang hindi din alam ang dahilan pero lumungkot ang mukha niya. "Papa angry so scary..." kuwento niya pero may kinuha siya sa bulsa niya na may pinakita sa aking gamot. "Papa drink happy," saka siya ngumiti.

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon