𝘽𝙪𝙡𝙡𝙚𝙩 9

4.7K 150 18
                                    

     "Ngayon ka rin aalis, Kuya?" malungkot na tanong ni Ezra kay Kuya na abalang inilalagay sa bag ang ilang damit.

"Kailangan," sukbit nito sa bag niya.

Nilapitan niya kami at niyakap ng isang mahigpit. "Sa susunod na pagkikita natin, hindi na ganito. Pangako ko sa inyo aayusin ko muna ang lahat. Kaunting tiis pa." May lungkot man sa boses ni Kuya, ramdam ko ang determinasyon sa sinabi niya.

"Ihahatid na kita para magamit ko naman ang binili mong kotse," alok ko sa kaniya.

"Hindi na. May kasabay ako papuntang airport. Puntahan mo na lang girlfriend mo para kayo naman ang magcelebrate hangga't hindi pa natatapos ang araw na 'to," tanggi niya at hinaluan ng pang-aasar.

Kaninang umaga ang graduation day namin. Kaninang tanghali nakasama ko sina Blake at Claude na ganon din si Ezra na siyang kasama ko sa pagtaas sa entablado. Hindi pa p'wede si Kuya dahil kailangan pa rin niyang mag-ingat kaya hindi siya nakasama kanina. Pero pagkauwi namin ng hapon ni Ezra, siya naman ang nakasama namin para magcelebrate.

"May bukas pa," sagot ko lang sa kaniya na ikinatawa niya.

Ilang sandali lang ay may busina na ng kotse at nagdoorbell sa pintuan. Sa huling pagkakataon ay muli namin niyakap si Kuya.

"Mag-ingat ka Kuya," paalam namin.

Sabay na kaming pumasok sa loob ni Ezra at napaupo sa sofa. Napabuntong hininga dahil balik na naman sa dati ang aming gawain.

"Hindi ka pupunta sa boyfriend mo?" tanong ni Ezra na ikinalingon ko sa kaniya na nakatingin pala sa akin. "Mukhang siya ang kanina pa tumatawag at nagtetext sa'yo,"

Tumingin naman ako sa cellphone ko. 15 missed calls and 26 text messages. Natigil lang siya nung sinabi kong nagcecelebrate ako kasama ang kapatid ko.

"Puntahan mo na," salita muli ni Ezra sa akin na ikipinagtataka ko.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayos lang sa kaniya na maging malapit ako kay Aero. Unang-una ay may atraso si Kuya Kaede kay Aero na ayaw niyang nagiging malapit kami sa mga may atraso si Kuya.

"Boyfriend mo siya 'di ba?" saad niya na mukhang nababasa ang pinapakita kong pagtatakha.

Bumuntong hininga naman ako. "Business," dugtong ko sa sinabi niya.

"Hindi importante kung business man o ano. Gampanan mo ang pagiging boyfriend sa kaniya dahil iyon ang kasunduan niyo," pagrarason niya na naintindihan ko naman.

May point siya sa sinabi niya.

Tumayo naman na ako. "Lock mo pintuan. Bukas na ako uuwi," bilin ko na kumaway lang sa akin.

Ginamit ko ang bagong biling kotse ni Kuya papunta sa apartment niya kung saan niya ako pinapapunta kanina pero nagsabi ako na wala akong time sa araw na ito dahil gusto kong makasama mga kaibigan at kapatid ko sa mahalagang okasyon.

Nakarating ako kaagad na nagdiretso sa apartment unit niya. Hindi na ako nag-abalang magdoorbell pa dahil alam kong tulog na siya. Quarter to 12 na at huling text niya ay kanina pang ala-una ng hapon. Hindi ko nga alam kung nandito siya.

Pagkapasok ko, napansin ko kaagad ang isang sofa set sa gitna at paglingon ko ay may lamesa at mga upuan na mukhang dining area. Ngunit ang mas nakakapukaw ng atensyon ay ang mga lobong kulay gold at itim na nakakalat sa sahig na may kasama pang confetti. May maikli ding bandaritas ang nakasabit sa pader na malapit sa tv.

Did he expect that I would also celebrate my graduation with him?

Naglakad ako papalapit sa kama niya na mahimbang ng natutulog habang yakap ang isang unan. Umupo ako sa gilid niya saka hinawi ang buhok niyang tumatakip sa mata niya.

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon