Ngayon ang araw na gagawin namin ang plano. Bawat isa sa amin ay nasa posisyon na upang gawin ang nakaatang na gawain sa amin.
"Kylo, mag-ready ka sa ibibigay kong signal." Narinig ko ang pagsasalita ni Theron mula sa earpiece na nakakabit sa tenga ko. Hindi ito pansinin dahil maliit lamang ito na talaga naman tagong-tago sa tenga.
Lumibot ako sa paligid ng casino. I can see a variety of games like roulette, slot machines, craps, and card games. Everyone here is busy spending their money for their entertainment. I know most of them are here not to win but to brag to their companion that they have a lot of money.
"Sa backdoor dumaan si Mr. Tan," napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ni Theron.
"Plan B," salita ni Aero na nandito rin sa casino ngunit nasa private floor siya.
Sa private floor makikita ang mas mga sikat na personalidad sa bansa kahit sa ibang bansa. Kadalasan mga kabet nila ang mga kasama nila sa floor na 'yon o kaya naman ay ayaw nilang makita ng mga ordinaryong tao dahil malaking balita ang aabutin nila.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng marinig kong nagsalita si Aero. Plan A kung sa main door pumasok si Mr. Tan at Plan B ay kung sa back door. Natutuwa ako dahil hanggang ngayon ay smooth ang nangyayari na sana hanggang huli ay matapos ng maayos.
Dito ako pumwesto sa roulette kung saan pinapalit ko sa dealer ang pera kong dala para maging non-valuable chips na gagamitin ko. Nanood muna ako ng isang game bago ko itinaya ang chips sa outside bets.
"Nice choice. Fifthy percent chances of winning," napalingon ako sa katabi ko na nagsalita na ibinaba ang lahat ng chips sa first twelve number bets saka ngumiti sa akin.
Tinuon ko na lang ang pansin ko sa wheel ng paikutin na ito ng dealer. Huminto ang bola sa twelve which is panalo ako dahil sa even number ang taya ko at ganon din sa babaeng nasa tabi ko na tuwang-tuwa ang nadoble niyang chips.
Nanatili akong nakikinig sa usapan ng mga grupo ni Aero. I can hear everything from them. Kanina pa nagbigay ng signal si Theron kay Kylo para i-hack ang cctv camera dahil papasok na si Reign sa staff room ng private floor kung saan gagawa siya ng sunog para maging distraction.
"Do you need more money? I can give you half," baling muli ng babae sa akin na may malawak na ngiti.
Hindi ko siya kilala at wala rin akong balak siyang ikilalanin. I don't have time to interact with her because I'm busy doing my job.
"No, thanks," sagot ko sa kaniya at muling tinaya ang lahat ng dala ko sa thirty-six na ganon rin ang babaeng kasama ko kaya nakuha niyang muli ang atensyon ko.
Muling pinaikot ng dealer ang wheel na hinihintay ko kung saan hihinto ang bola. "I hope you lose."
Mabilis akong napalingon sa likudan ko ng marinig ko ang boses ni Aero na sumiksik sa gilid ko kaya napalayo ang babae sa tabi ko. Tinapunan pa niya ito ng nagmamalditang tingin habang nakayakap sa braso ko.
"Are you flirting with my boyfriend?" Kinausap niya na ang babae na mukhang hindi inaasahan ang pagdating niya.
Hinarap ko kaagad si Aero at tinanggal ang pagkakahawak sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Madiin ang pagkakatanong ko sa kaniya pero nananatili akong kalmado. Pinandilatan ko rin siya ng mata para sa ginagawa niya.
Wala sa kahit anong plano na sasama siya sa akin dito dahil sa oras na ito ay dapat nasa private room siya kinakausap si Mr. Tan.
"Sinasamahan ka," prenteng sagot niya at tumingin sa nilalaro ko.
"Aero," tawag ko sa pangalan niya pero hindi niya ako pinapansin.
"Aww, talo ka." Lumingon siya sa akin na tila nang-aasar pa.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...