Para ako ngayon nakatingin sa kawalan dahil sa iniisip kong offer ni Aero. Siya ang boss na tinatawag nila. How did someone make an offer like that?
Ay, oo nga pala. Si Garret nga kasal kaagad ang offer kay Blake, pero this one is different. I mean, it gives me chills every time I remember it.
"What's your problem,brad?" tanong ni Claude kaagad saka umupo sa harap na upuan ko ng makarating sa usapan namin.
Siya kasi ang kinausap ko dahil alam ko na marami siyang experience sa mga ganitong bagay. Si Ezra naman, ang kapatid ko ay abala sa trabaho niya saka ayaw kong malaman niya na sinosolusyonan ko ang isang problemang iniwan ni Kuya Kaede sa amin. Si Blake naman abala sa asawa niya at sa oras na malaman niya ang problema ko, walang pagdadalawang isip na tulungan niya ako na ayaw ko na. Malaki na ang utang na loob ko sa kaniya dahil sa pagtulong niya noon sa akin.
Muli napabuntong hininga naman ako at napansin niya iyon. "Mukhang malaking problema 'yan at ako pa ang tinawag mo pa talaga. Tungkol ba 'yan sa babae? Doon lang kita matutulungan," natatawa nitong sabi.
"Hindi," sagot ko saka uminom. "lalaki."
Napabuga naman siya ng iininom niya. Umubo-ubo pa ito habang nakatingin ng gulat. Kasi alam niya na wala akong interes pagdating sa buhay pag-ibig.
Hindi pa ako nagkaka-girlfriend at hindi ko rin naisip na magka-boyfriend. Ayaw ko pang pumasok sa isang relasyon na alam ko naman sa sarili ko hindi pa ako handa. Hindi naman ako hopeless romantic.Wala pa talaga akong interes sa ngayon.
"Grabe, Eiji! Sino naman 'yang natitipuhan mo?" tanong nito.
"Hindi ako,siya." sagot ko. "Mag-offer ba naman ng maging partner ko daw siya," inis kong sabi na hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
Natawa naman ito dahil na rin siguro sa reaksyon ko na nakikita niya. Alam nila kasi na hindi ko pagkakaabalahan ang mga taong nagbibigay motibo sa akin o umaamin na gusto nila ako.
Hindi ko naman maitatanggi na may itsura ako. Dagdag pa nga nila, kaya daw hindi ako nagmamadali dahil kung gusto kong pumasok sa isang relasyon madali akong makakahanap.
"Patulan mo," sagot niya at muling uminom. "Mukhang mga ganyang lalaki, nakikipaglaro lang rin kaya sabayan mo. Para rin sa experience mo rin," sabay ngiti nito.
Napa-iling naman ako dahil sa naging komento niya sa sitwasyon ko. Ano ba aasahan ko kay Claude? Syempre dakilang babaero ito kaya iyan ang isasagot niya.
"Alam mo, Eiji. Huwag mong isipin masyado ang future mo kasama ang lalaking sinasabi mo. Enjoy the present sabi nga nila," dagdag pa nito kaya binato ko siya ng tissue na ikinatawa niya.
"Okay," sang-ayon ko. "Pero kapag ito hindi naging maganda ang resulta, alam mo na."
"Pucha! Ako pa ang masisisi," napakamot pa siya ng ulo kaya naman napangiti ako.
Tama si Claude,wala namang mawawala kung um-oo ako sa offer niya. Isa pa, hindi ito seryoso kaya hindi ko kailangan din pagtuunan ng pansin. Iisipin ko na lang na parte pa rin iyon ng trabaho ko sa kaniya.
Matapos naming mag-usap, dumiretso na rin ako sa lugar kung saan ko siya makikita. Isa itong building na may apat na palapag. Sa labas parang ordinaryong commercial building lang pero kapag pumunta ka sa loob ay ibang-iba.
Pagpasok ko sa unang palapag ay isang casino na alam ko namang illegal. Gamit ang hagdan, nakarating ako sa pangalawang palapag na may iba't iba pang laro na alam ko naman illegal na pasugalan at sa pangatlong palapag naman ay office nila at kita ko na rin ang mga nagbabantay dito.
Hindi ito ang unang lugar kung saan nila ako dinakip pero itinuro niya sa akin ito kung saan ko siya pwedeng kausapin kung sakaling pumayag ako sa gusto niya.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...