Hindi pa rin kami nagkakausap ni Aero kahit kita ko sa mukha niya na gusto niya ng magsalita tungkol sa nangyari kahapon. Kanina kasi dumating ang ate Emerly niya, umalis sila at hapon na ng makabalik dito sa opisina.
"Babantayan mo talaga kami?" baling ni Emerly sa akin.
Nakatayo ako dito sa harap ng pintuan sa loob ng opisina niya. Sinabi ko naman sa kaniya noon na hindi ko na hahayaang mag-isa siya kasama ang pamilya niya para mapigilan ko ang masasamang salitang babanggitin nila kay Aero. Sa mukha namin ng ate Emerly niya, hindi naman siya ganon pero ayaw kong magpakampante.
"Oo," sagot ko.
Tumingin na siya kay Aero kaya hindi ko na makita ang mukha niya samantalang si Aero ay nangingiti sabay kindat sa akin.
Nag-usap na silang dalawa. Dahil may kalayuan ako at hindi kalakasan ang boses nila, wala akong alam sa pinag-uusapan nila.
"Aalis na ako. Magkita na lang tayo mamaya kasama itong boyfriend mo." Paalam ni Emerly kay Aero.
Pagkalapit sa akin tinapik niya ang balikat ko. "Continue what you're doing. That is what Aero really needs," banggit niya.
Tuluyan na siyang lumabas kaya naiwan na kaming dalawa ni Aero sa opisina niya. Tumungo na ako sa kaniya at umupo sa katapat nitong couch.
"Anong sinabi sa'yo ni Ate Emerly?" tanong niya.
Napatingin ako sa kaniya. "Mas importante pa ba ang sinabi ng ate mo kaysa sa sasabihin mo?" balik-tanong ko sa kaniya.
Napabuntong hininga naman siya. "Sorry," paninimula niya.
"Kasi..." dugtong ko at ng malaman ang dahilan kung bakit na lang siya nagalit ng ganon.
"Kasi sinigawan kita at nagalit ako na para sa akin naman ang sinasabi mo. Sorry." Nagpapungay pa siya ng mata sa harap ko kaya sino ba naman ako para tanggihan ang sorry niya.
"Apology accepted," sagot ko na lang kaya napa-yes siya na kaagad umayos ng upo at ngumiti.
Tumabi na ito sa akin at nagpasada ng kamay sa balikat ko. "Kagabi...you know..hindi tayo nag-ano baka naman p'wede ngayon para..."
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil lumayo na ako. Sabi na,hindi mawawala ang ganiyan sa kaniya.
Dahil sa ginawa ko, inikutan niya lang ako ng mata. "Nga pala, alam mo naman na ngayon ang birthday ni Lolo kaya uuwi ako sa bahay--"
"Sasama ako," agad kong sabi.
Natawa naman siya. "Cool lang. Hindi mo pa kilala pamilya ko, nagtanim ka na kaagad ng galit. Syempre isasama kita at ipapakilala kita bilang boyfriend ko."
Sa pamilya niya, dalawa na ang kilala kong may galit sa kaniya. Una ang nanay niya at ang pangalawa ay ang hinayupak niyang pinsan. Mainam na nandoon ako para may magtatangol sa kaniya.
"May isa lang akong ipapakiusap sa'yo," nagbago ang tono ng kaniyang pananalita. "P'wede ba na kapag may sinabing hindi maganda si Lolo ay huwag mo ng patulan."
Napakunot ako ng noo sa binanggit niya. "Alam mo naman ang matatanda, ipipilit nila ang alam nila kahit mali man at idagdag pa na mainitin din ang ulo niya. Ikaw na lang ang magpasensya. Please Eiji..."
Hinawakan pa nito ang kamay ko na tila nangingiusap. "Susubukan ko pero sa oras na sinaktan ka niya, ibang usapan na 'yon."
Tumango naman ito. "Hindi 'yon mangyayari."
Kinagabihan, nagtungo na kami sa isang hotel kung saan ice-celebrate ang birthday ng Lolo niya. Nagtungo kami sa floor kung saan makikita ang Banquet hall. Kapansin-pansin na rin ang iilang mga staff na naglalakad na abala sa ginagawa nila at pati na rin bisita.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...