𝘽𝙪𝙡𝙡𝙚𝙩 24

3.7K 97 19
                                    

     Napatingin ako sa relo habang tinatapik-tapik ang paanan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


     Napatingin ako sa relo habang tinatapik-tapik ang paanan ko. Naiinip sa hinihintay kong magsusundo sa akin.

"Mabuti dumating ka pa," pagmamataray ko ng pagkalabas niya ng kotse.

Napaakamot naman ng ulo si Kylo. "Pasensya na, boss. May pinaasikaso pa po sa akin si ate Nilani," sagot nito na pinagbuksan na ako pintuan ng kotse.

Inabala ko ng muli ang sarili ko sa pagce-cellphone. Binabasa ang mga ilang mahahalagang email sa akin.

Kalahating oras din ang byinahe namin bago nakarating sa isang private resort kung saan naghihintay na ang pamilya ko. Siguradong masesermonan na naman ako ni Mommy dahil late na akong dumating.

"Sabihin mo kay Creed at Reign na ihanda na ang nga listahan ng mga may malalaking interest na sa atin. Ako mismo na ang pupunta sa kanila," bilin ko Kylo na tinanguhan niya.

Pumasok na ako sa loob at tumungo sa private pool area. Nakita ko na silang nagsisimulang kumain at ang iba ay nags-swimming na kaya naman napatingin ang kamag-anak ko sa bida-bidang late na katulad ko.

"Bakit ngayon ka lang?" Nagmamataray na tanong ni Mommy na hindi muna akong hinintay na makaupo.

"Napahaba po ang pag-uusap namin ni Mr. Go," sagot ko at umupo na. Agad namang may nag-asikasong staff sa akin para dalhan ako ng pagkain.

Nagsimula na rin akong kumain habang nanonood sa mga pinsan at pamangkin ko. 'Yung iba naman ay nakikipagkwentuhan sa isa't isa habang ako ay nakikinig lang. Kapag naman kinausap nila ako, sumasagot naman ako.

"May dala kang extrang damit?" tanong ng pinsan ko na hamak na mas bata sa akin.

Umiling ako. "Wala. Uuwi rin ako mamayang gabi."

"E, sabi ni Lolo wala daw uuwi," sagot niya sa akin.

"May pinapaasikaso siya sa akin kaya papayag 'yon," salungat ko sa sinabi niya na ikinasimangot niya.

Mukhang labag sa loob niya ang pagsama dito. "P'wede naman sa bahay ito gawin. Napakaraming swimming pool sa atin. Wala namang pinagkaiba ang tubig na may chlorine doon sa atin " reklamo niya sa akin na ikinatawa ko lang

"Minsan lang naman 'to saka nadadalang na rin ang pagsasama nating lahat." Pagpapagaan ko na lang sa sitwasyon niya na tumango-tango lang.

"Aero!" tawag sa akin ni Kuya Kenzo na nagbabarbecue kasama si Daddy, Lolo at mga iba kong tito at pinsang lalaki. "Lika dito, may luto ng barbeque!" Aya niya sa akin.

Tumayo naman ako para kumuha ng inaalok niya. "Kuya Aero, tabi!" Napatingin ako sa pamangkin ko sa pinsan na nasa pool habang nakatingin sa gilidan ko.

Bago pa man ako makalingon, may tumama na sa akin na kaagad kong kinahulog sa pool. Ramdam ko ang paglagapak ko sa pool ngunit pag-ahon ng ulo ko ay siyang paglubog kong muli.

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon