𝘽𝙪𝙡𝙡𝙚𝙩 12

4.4K 132 9
                                    

Umuwi ako sa apartment ni Aero ng matapos kong makausap si Ezra. Pagbukas ko sa pintuan, nakita ko siyang naglalakad patungo sa akin at ng makalapit sa akin ay agad akong niyakap.

"Sorry. I'm really sorry sa mga sinabi ko sa'yo. Alam ko na wala akong karapatang magalit sa ginawa mo dahil ako naman ang nag-aya sa'yo. Hindi ko nakita ang effort sa ginawa mo para magkaroon tayo ng magandang date." Ramdam ko ang paghikbi nito kaya alam ko na kanina pa siya umiiyak.

Humiwalay ako ng yakap kaya napatingin siya sa akin. Kita ko na medyo namamaga na ang mata niya at bahagyang namumula ito ganon din ang ilong niya. Ang ganda pa rin niya!

"Galit ka pa rin?" tanong niya.

Hinalikan ko siya sa labi ng sandali at tumingin muli sa kaniya. Hindi talaga ako magsasawang tingnan ang mukha niya. And to think that he is my boyfriend.

"Bakit ka namumula?"

Did I blush just thinking that he was my boyfriend? Shit! Pagkatapos talaga ng trabaho ko sa kaniya, liligawan ko siya para maging totoong boyfriend ko. Sa ngayon, gagampanan ko muna ang trabaho sa kaniya na pagiging boyfriend. 

"Let's continue our date. Hindi pa naman natatapos ang araw natin," salita ko sa kaniya.

Kinuha ko ang blanket at unan sa kama niya at nilagay sa couch. Kumuha rin ako ng incan beer sa ref at nilapag sa coffee table sa harap ng couch. Ilang sandali lang ay may nagdoorbell kaya ako na ang kumuha.

"Enjoy your date my little brother," nakangiting bungad ni Ezra sa akin dala ang binili niyang mga pagkain.

Bumalik na ako sa sala na nakatayo pa rin si Aero sa gilid habang pinagmamasdan lang ako. Umupo na ako sa couch na siyang pagtapik ko sa tabi ko para umupo siya na agad niyang ginawa.

"Anong genre ng movie ang gusto mong panoorin? Horror, thriller, action, comedy?" tanong ko habang nililipat ang mga palabas sa screen ng tv.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa braso ko at pagsandal ng ulunan niya. "Parang gusto ngayong tumawa kaya comedy muna tayo."

Naghanap ako ng palabas na mataas ang rating at agad na pinanood ito. Nagsimula na kaming manood habang kumakain at umiinom. Rinig din sa loob ng apartment ang malakas na tawa niya kaya napapangiti ako dahil napasaya ko siya ngayong araw.

"Tapos na? Nakakabitin naman," komento niya ng matapos na namin ang palabas. "Ai may part two! Click mo bilis," utos nito ng makita ang part two ng pinapanood niya na kaagad ko namang clinick.

Nagpatuloy pa uli kami sa panonood. "May ketchup pa yung fries?" tanong niya sa akin.

"Check mo sa may plastic na 'yan," turo ko sa isang plastic na malapit sa kaniya at muling tinuon ang pansin sa tv. Infairness, nakakatawa talaga itong palabas.

"Ikaw Eiji ah!" Lumingon naman ako sa kaniya na kita ko ang nakakalokong ngiti niya habang nakatingin sa loob ng plastic.

Hindi ko maiwasan mapakunot ng noo dahil ang ganyang ngitian niya ay alam kong may kalokohan siyang iniisip. Kaya bago pa niya ituloy ay pinitik ko siya sa noo ngunit nahawakan niya ako sa braso para hindi ko matuloy.

Umupo na lang siya sa bigla sa hita ko na hindi pa rin nawawala ang malawak niyang ngiti. Magtatanong na sana ako ng bigla niyang ilabas ang laman ng plastic.

"May plano ka pala dapat kanina mo pa sinabi," pakita niya sa akin ng isang box ng condom at lubricant.

Ezra!

Napailing na lang ako ngunit agad akong napangiti. Hinawakan ko ang bewang niya. "Movie or..."

Pinalupot naman nito ang braso niya sa leeg ko. "What do you think?" sabay kagat niya sa labi niya.

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon