"Kailangan ko pa po bang mag-stay dito?" tanong ko sa doktor.
Tatlong araw na akong nandito sa ospital. Nagpapasalamat na lang ako dahil nasa ibang bansa si Ezra para sa trabaho niya kaya hindi niya ito malalaman at ayaw kong ipaalam sa kaniya muna ang ginagawa ko. Ayaw ko siyang bigyan ng alalahanin lalo pa't problemang iniwan ito ni Kuya Kaede.
"Base naman sa mga results mo iho, ayos ka naman na at p'wede ka ng i-admit. May irereseta lang akong mga gamot para dyan sa sugat mo. Ngunit papaalalahanan kita na huwag munang gumawa ng mabibigat na gawain ng mapabilis ang paghilom ng sugat mo," bilin ng doktor.
"Opo. Maraming salamat po, Doc." Pasasalamat ko bago siya umalis.
Iniayos ko naman na ang mga gamit na meron ako dito na dinala ng mga alagad ni Aero dahil sila ang nagbantay at nag-asikaso sa akin. Sa tatlong araw na pananatili ko dito, ni hindi ko nakita ang mukha ng amo nila.
"Kuya Eiji, lalabas ka na raw?" tanong ni Kyro ng makapasok siya sa loob ng kwarto.
Tumango ako. "Ayos naman na ako kaya pumayag na ang doktor."
Tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit ko. "Nasaan ang boss mo?" tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Baka po nasa apartment po niya. Simula po noong na-ospital ka po, hindi na siya nagpupunta ng building."
Siguradong sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin.
Lumabas na kami ng ospital ng maiayos ni Nalani ang mga kailangan bayaran sa ospital. Dumiretso kami dito sa parking area.
"Kaya mo bang mag-drive?" tanong ni Nalani.
"Oo, hindi naman buong katawan ko ang natamaan kaya kaya ko. Salamat sa inyo," saad ko at pasasalamat ko na rin bago sumakay ng kotse.
Pinaandar ko na ang kotse at pumunta sa dapat ng puntahan. Pagkarating ko, nagtungo ako sa 3rd floor at huminto sa harap ng isang unit. Mabilis akong nagdoor bell ngunit walang nagbukas kaya naman inulit ko ito pero ganon pa rin.
Wala kaya siya dito?
Gusto kong i-open ang unit niya dahil alam ko naman ang passcode pero may pagdadalawang isip pa rin. Minabuti ko na lang na tumayo at maghintay na nagbabakasakaling dumating siya kung sakaling umalis lang siya o magising mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Pero ano nga ba ang ginagawa ko dito?
" Eiji?" napatingin ako kay Aero na may dalang isang plastic ng bag na puno ng junkfood na kita dahil transparent ang kulay nito.
Mabilis itong lumapit sa akin. "Ayos ka na?" Tanong niya kaagad habang nakatingin sa balikat ko.
"Don't blame yourself," mabilis kong sabi sa kaniya. "Hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin."
Ang kaninang pag-aalala niya ay nahaluan ng lungkot sa mukha niya. Mabilis na tumulo ang luha niya sa mga mata. Eto ang rason kung bakit ako nandito.
"Hinarang mo ang sarili mo ng biglang nagpaputok ng baril si Resin. Baliktarin man natin ang mundo, kasalanan ko," nakayuko niyang sagot .
"Kaya hindi ka man lang dumalaw?" tanong ko kaya naman muli itong napatingin sa akin. "Kung talagang sa tingin mo na kasalanan mo, dapat 'di ba ikaw ang nag-alaga sa akin bilang pasasalamat sa ginawa ko? "
"Nihihiya ako! Hindi kita kayang makita sa ganoong sitwasyon na ako ang may kasalanan," mabilis nitong sagot.
Pinitik ko naman ang noo niya. "I need a place to stay," pag-iiba ko ng usapan.
Bumuntong hininga naman siya kaya napakunot ako ng noo sa naging reaksyon niya. "Kung hindi pwede, aalis na ako." salita ko pero bago pa ako makahakbang ay niyakap niya ako.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...