The Preparation
Chineck ko ang box ng natapos ko ng gawin sa araw na 'to na nakalagay sa checklist ko. Isang linggo na lang ang binibilang na araw para sa pinakahinihintay naming araw ni Eiji. Napalingon naman ako sa kaniya na abalang may tinatype sa may computer niya na seryosong seryoso ang pagmumukha nang bigla itong lumingon kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin.
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa na siyang paglapit niya sa akin at umupo sa tabi ko. Kaagad na yumakap ito sa bewang ko kasabay ang pagpatong ng kaniyang baba sa balikat ko. "I really wanna go home and spend the rest of my day with you," he whispered.
Tinapat ko naman sa mukha niya ang papel na hawak ko at tinap pa ang ballpen kong hawak dito. "Tapos mo na bang i-book ang flight ng mga pupunta sa kasal natin? I need it na today," paalala ko sa kaniya.
Napaupo naman ito nang maayos at gumilid ng upo para makaharap sa akin na siyang paglingon ko sa kaniya. "You are in my company now, so I am the boss here. Huwag mo akong inuutusan," tugon nito.
"Ah, talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay saka tumayo ngunit hinawakan niya ako sa kamay at hinila dahilan para mapaupo ako sa kaniyang hita.
Yakap-yakap niya muli ako sa bewang ko at pinanggigilan na yakapin. "Hindi ka naman mabiro. Syempre ikaw ang nag-iisang boss ko," mapaglaro nitong sagot sa akin. "Regarding your question, I decided to rent the whole plane rather than book them a flight so it would not be a hassle for them."
"How about the room they need to stay in?" I asked.
"Kaka-send lang ng hotel manager ang mga assign rooms na gagamitin ng mga guest. I will send you later the email," sagot niya.
Lumingon naman ako sa kaniya sabay halik ko sa kaniyang ulunan. "Good," puri ko saka tumayo na pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin akong muli sa kaniya. "That's it?" takhang tanong niya.
Napakunot ako ng noo sa hindi ko alam na sinasabi niya. "Yes, wala na akong ipapagawa sa'yo. Bakit gusto mong dagdagan ko pa ang--Eiji!" Bigla niya akong hinitak kaya naman mas lalo akong napalapit sa kaniya.
Sa pagkakataong ito, paharap na siyang nakayakap sa akin habang kagat-labing nakatingala sa akin. "I wanna do it here. Mamaya pa ang meeting ko so we have enough time to make love," mapanukso nitong salita na may malalagkit na tingin na ibinabato sa akin.
Hinawakan ko naman ang mukha at marahang hinahaplos na siyang pagpikit niya. Bahagya ko ring binaba ang mukha ko upang mapantayan ng bibig ko ang tenga niya. Kinagat ko ito ng mahina saka bumulong, "I know your schedule, so you can't fool me."
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...