"May kotse ako, ihahatid na kita," salita ko na hindi niya inimikan.Pinakuha ko sa valet ang kotse ko kaya pagkakuha, sumakay na kami. Siya ang unang pumasok sa loob kaya hindi ko makita ang mukha niya dahil nakabaling na ito sa bintana.
"Sa opisina na lang kita ihahatid para mas malapit," suhestyon ko.
Lumingon naman ito sa akin na nakita ko na ang naluluha niyang mata na masama pa rin ang tingin. "Bakit? Babalikan mo pa ang panget na babae na 'yon?!" sigaw niya sa akin.
"Busy ka 'di ba? So, anong gagawin ko kung busy ka?" Sinasadya ko talaga na paulit-ulit ang salitang busy dahil iyon ang lagi niyang inirarason kaya hindi niya ako kinakausap.
"Hindi ako busy!" pagtataas pa rin ng boses niya.
Napailing na lang ako kunyari at hindi na sumagot. Tahimik ang naging byahe namin sa kalsada na ang tinatahak na daan ay patungo sa opisina niya na alam kong pamilyar na siya.
"Bakit dito? Sabi ko sa apartment!" Bulyaw niya pero hindi ko siya pinansin.
Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Inagaw niya ang manibela sa akin kaya nagpagewang-gewang ang kotse na kaagad kong kinontrol.
"Fuck Aero! Nasisiraulo na ba ang ulo mo?!" Hindi ko naiwasan na magtaas na ng boses.
"Kasalanan mo!" Pagtataas niya rin ng boses pero umayos na siya ng upo na bumaling na naman sa bintana.
Hindi na ako sumagot pa dahil hahaba ang usapan namin. Nagpatuloy ako sa pagdadrive hanggang sa makarating kami sa parking area ng building niya.
"Ihahatid na kita sa loob," alok ko sa kaniya at lalabas na ng maramdaman ko ang paghila niya sa laylayan ng damit ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Sa pagkakataong ito, hindi na masama ang tingin niya sa akin. Maamo na parang tuta na siya kung tingnan na pumipiga naman sa puso ko na makita siyang umiiyak.
"Bakit mo babalikan 'yung babaeng 'yon? May relasyon ba kayo? Hindi pa naman tapos ang atraso mo sa akin, bakit may iba ka na?" Sunod-sunod ang tanong niya.
"Bakit mo muna ako iniiwasan?" balik-tanong ko na hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa.
Mas lalong humigpit ang hawak niya kasabay ang pagkagat sa ibabang labi niya. Kita ko ang pagdadalawang isip sa gusto nitong sabihin.
Napabuntong hininga naman ako. "Sumunod ka sa akin," utos ko sa kaniya.
Naglakad kaming dalawa na kasunod ko siya habang hawak ang laylayan ng damit ko sa likuran at umiiyak. Syempre, nakita ko kaagad ang mga alagad niya na nagtatakhang nakasunod ng tingin sa amin ngunit hindi naman na nila kami pinigilan. Sa tingin ko napapansin din nila na iniiwasan ako ni Aero kaya kahit papaano may alam na sila sa nangyayari sa aming dalawa.
"Upo," utos ko ng makapasok kami sa loob ng opisina niya.
Umupo naman siya sa isang couch na nakayuko lang samantalang ako, umupo sa centered table para makaharap ko siya malapitan.
"Sagutin mo ang tanong ko saka ko sasagutin ang mga tanong mo," pauna ko ng salita.
Marahan itong tumingin sa akin ngunit kaagad na umiwas ng tingin. Hinawakan ko ng panga niya para mapatingin sa akin. "Wala akong panahon na maghintay. Sasagot ka ba o hindi?"
Naiinip na ako sa gusto kong malaman na dahilan. Kung ano-ano na ang naiisip ko na dahilan niya na kahit anong gawin kong waksi, may iba naman akong naiisip. Gusto ko na ipahinga ang utak ko.
Tinanggal niya ang kamay ko na nagpakabog ng mabilis sa pintig ng puso ko. Hindi niya rin ako matingnan ng direkta sa mata sa gusto niya sabihin.
"Eiji," bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko at dinukdok sa hita ko ang mukha niya. Tatanggalin ko sana ng hawakan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...