𝘽𝙪𝙡𝙡𝙚𝙩 33

4.3K 95 11
                                    

"Eiji, you've been here for three days straight. Why don't you take a rest at home?"


"I'm okay, Ezra. Gusto kong makita niya ako kapag nagising na siya."


"Uuwi muna ako para matingnan ko si Yuki."


May nararamdaman akong mahigpit na humahawak sa kamay ko na ginantihan ko rin naman ng hawak. "Aero..."


Pamilyar ang boses na naririnig ko pati ang mainit na palad na dumadampi sa pisngi ko. "Can you hear me? I'm here," bulong niya sa akin.


Pagkatapos ng bulong niya, bumitaw siya ng pagkakahawak sa akin. Narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Eiji, don't leave me. Just stay here. 


Hindi ko siya makita. Madilim ang paligid ko. Wala ring boses na lumalabas sa bibig ko para sabihin sa kaniya na huwag niya akong iwanan. Hindi ko rin maigalaw ang mga kamay ko upang pigilan siya. Natatakot ako. 


Pilit kong idinilat ang mata ko na kaagad sumalubong ang napakaliwanag na ilaw kaya napapikit ako. Muli ay marahan kong idinilat ang mata ko upang makapag-adjust ng tuluyan sa liwanag na nakikita ko. Hindi pamilyar ang kwartong hinihigaan ko pero kung ibabase ang nasa paligid ko at ang aparato sa gilid ko ay siguradong nasa ospital ako. 


"Ei...ji," pinilit kong magsalita kahit nahihirapan ako.


Ilang sandali lang ay nagbukas ang pintuan kasabay nito ang pagpasok ni Eiji at mga doktor. "Eiji," muling banggit ko sa pangalan niya na itinaas ko ang kamay ko upang maabot ko siya.


Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa takot na naramdaman ko. Akala ko hindi na ako didilat kaya ganon na lang ang takot ko na hindi ko siya makita. 


"Thank you. You're safe," paulit-ulit nitong sabi kasabay ang paghalik niya sa ulunan ko. 


Agad din naman akong sinuri ng mga doktor na hindi ko maalis ang pagkakahawak sa kamay niya. Nakangiti ang doktor habang kinakausap si Eiji at kita ko rin ang ginhawa sa mukha niya sa bawat salitang binabanggit ng kausap niya ngunit may iba pang sumusiri sa akin. 


"Can you please move your legs?" utos ng isa pang doktor na nasa ibabang bahagi ng kama ko. 


Pinilit kong igalaw ang paa ko ngunit hindi ko ito maigalaw. I tried to touch, but I couldn't feel anything from that. "W-why can't I move my legs?" Naguguluhan kong tanong sa doktor na inilipat ko ang tingin kay Eiji. "I can't move it." Muli na namang lumuluha ang mata ko kasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.


Pumikit ng mariin si Eiji at tumabi ng upo sa akin kaya hinawakan ko ang braso niya. "Eiji, bakit hindi ko maigalaw ang paanan ko?" 


Sinenyasan naman niya ang doktor na lumabas naman sa kwarto namin. Huminga siya ng malalim habang taimtim na nakatingin sa akin. "Ipaliwanag mo sa akin kung bakit hindi ko maigalaw ang paanan ko." Naiinip kong tanong sa kaniya. 


Ang pagkakaalala ko lang ng gabing iyon ay na daplisan ako ng bala ng baril na ramdam ko ang gas sa bandang tyan ko. Napahawak ako sa ulo ko na may bendang nakapalupot dito na dulot naman ng paghampas sa akin ni Saito. Pero bakit hindi ko maigalaw ang hita ko?

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon