Mas nakikita ko na ang pagiging abala ni Aero sa kaniyang ginagawa. Mas madalas ng dumalaw ang ate Emerly niya o ang Lolo niya dito sa opisina para sa planong itatayong bagong casino. Inaayos niya na daw ang lahat para kapag umalis na kami, hindi siya mag-iiwan pa ng trabaho.
Hindi pa namin nababanggit kung kanino man ang pag-alis namin. Napagkasunduan namin kapag malapit na kaming umalis, doon palang sabihin.
"Ako po ang makikipag-meet kay Ms. Fei bukas po dahil si ate Emerly ang magchecheck ng site," rinig kong banggit ni Aero.
"Good. Good. Ms. Fei has suggested that she speak with you privately. Ayaw niya daw kasing may makakita sa kaniya at may makaalam tungkol sa investment na 'to. So I ask Derek to find a suitable location for your meeting. " Napakunot ako ng noo sa pangalan na binanggit ng Lolo niya.
"Okay, Lolo." Sang-ayon ni Aero kaya doon natapos ang usapan nila.
Lumabas na ang Lolo niya na hindi pa rin nagbabago ang masasamang tinging ibinabato sa akin. Hindi ko na rin naman pinapansin.
"Bakit hindi ka tumanggi sa huling sinabi ng Lolo mo? May alam ka naman na p'wedeng pag-meetingan niyo para hindi ka humingi ng tulong sa hinayupak mong pinsan," agad kong sabi kay Aero na inaayos ang mga inilabas niyang folder sa pakikipag-usap sa Lolo niya.
Sandali itong tumigil sa ginagawa niya. "Bawas na rin sa gagawin ko. Saka hindi ko naman siya makikita dahil ako lang ang gustong makausap ni Ms. Fei. Napaka-private niyang tao kaya 'di siya papayag na may ibang nandoon," paliwanag nito at pinagpatuloy ang ginagawa.
Ayaw ko lang talaga na makalapit 'yang hayop na 'yon sa kaniya dahil sa ginawa niya kay Aero. Kumukulo talaga dugo ko.
"Alam mo honeybunch, kung gusto mong mapalagayan ng loob si Lolo at makuha kahit kaunting pagsang-ayon niya, kaibiganin mo si Derek."
Nandidiri akong tumingin sa kaniya. "Mas pipiliin ko na lang na kamuhian ako ng Lolo mo kaysa maging kaibigan ko 'yong hayop na 'yon."
Tumawa naman ito sa sinagot ko lalo na sa naging reaksyon ko. Lumapit siya sa akin ng matapos siya sa inaayos niya. "Paborito kasing apo ni Lolo si Derek kaya malay mo, kahit papaano ma-approve ka na sa kaniya."
"Hindi." Matigas kong sabi na ikinangiti niya. "Oo na, hindi na nga. Mag-ayos na tayo dahil may family dinner sa bahay.Ininvite ako ni Daddy, at isama daw kita. Lagapak ka man kay Mommy at Lolo, pero mukhang gusto ka ni Daddy. Ayiiee. " Tinusok pa nito ang tagiliran ko ng kaniyang daliri.
Hinawakan ko naman ito para matigil siya. "What gift should I bring to your Dad?" Mas lalo itong natawa sa tanong ko. Pagkakataon ko na para mapalapit kahit iisang miyembro sa pamilya niya.
Tulad ng sabi niya, nagpunta kami sa bahay nila. May bitbit akong wine na sinuggest niya dahil wine collector daw ang Daddy niya.
"Is this a 2012 Screaming Eagle red whine?" Tiningnan kaagad ng Daddy niya ang inabot kong paper bag.
"I'm not familiar with any wines. I just asked them to give me the best wine they had," sagot ko na ikinatango-tango niya. "Ilalagay ko lang 'to sa wine collection ko," alis ng Daddy niya.
Narito kami ngayon sa sala na mukhang may hinihintay pang iba. May mga kapatid din siya dito na abala sa kani-kanilang cellphone samantalang ang Mommy niya ay nagbabasa ng magazine.
"Mukhang napasaya mo ang Daddy," nangingiting bulong ni Aero sa akin kaya tumingin ako sa kaniya.
Hinawi ko ang ilang buhok niyang tumatakip sa mata niya. "Thanks for that idea," ngiti ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...