Paglabas ko ng airport ramdam ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin kahit na maaraw ang panahon. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay na nasa tabi ko at napatingin sa kaniya.
"Eiji, saan na tayo ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Didiretso tayo sa bahay," ngiting sagot nito at naglakad na kaya sumabay ako.
Ilang lakad lang may nakita na akong nakahilerang mga itim na kotse at may mga nakaitim na kalalakihan ang nakapwesto sa gilid. Nang makita kami, sabay-sabay silang nagsiyuko sa amin.
"Welcome back, Sir Eiji"
Walang sali-salitang pumasok kami sa isang kotse na pinagbuksan ng isa sa mga nakaitim. May unang kotse ang umandar na sumunod kami, ganon din ang mga nasa likod namin. Sa uri ng pagtrato nila kay Eiji, nakakasigurado ako na mataas ang posisyon niya sa kung anomang grupo ang kinabibilangan niya.
"Sir Eiji, this will be the list of data you're asking for." May inabot na tablet ang isang lalaki na nasa passenger seat sa harap. Tumingin pa ito sa magkahawak naming kamay bago bumaling uli sa harap.
Bumitaw ng hawak sa akin si Eiji at tiningnan na ang nasa tablet na nakitingin na rin ako. Hindi ko rin naman maintindihan ang mga nakikita ko kasi Japanese ang mga nakasulat
"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya na lumingon sa akin saka ngumiti.
"Mga report regarding sa construction company ng pamilya na ipinapa-handle sa akin," sagot nito sa akin.
"Pamilya ng nanay ni Yuki?" Pasunod kong tanong.
Ibinaba naman niya ang tablet niyang hawak at bahagyang ibinaling ang katawan sa akin. "When I told your Lolo that I could protect you and your casino here in Japan, I meant that I would do it by myself."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Nahanap ko ang pamilya ni Papa dito sa Japan pero inililihim ko pa kay Ezra." Bahagyang napauwang ako sa sinabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Gusto kong makasigurado na hindi siya madadamay sa ginagawa ko pero eto ka ngayon kasama ko." Napabuntong hininga siya sabay hawak sa kamay ko. "Nag-iisang anak nila ang Papa kaya naman ng makita ko sila at humingi ako ng tulong sa gagawin kong plano, hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako. Ngunit ang kapalit nito ay ako ang mag-aasikaso sa lahat ng businesses na meron sila. In short, nakatali na ako dito sa Japan," sagot nito sa akin.
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak niya. "Sasamahan kita dito. Tulad ng unang plano natin, sasama akong manirahan dito sa Japan at magiging masaya tayo."
Nakita ko ang pagngiti niya. "Napakaswerte ko talaga sa'yo." Syempre mayabang akong ngumiti sa sinabi niya siyang pagtawa niya.
Napansin ko naman ang dinadaanan naming kalsada ay halos wala na akong nakikitang mga nagtataasang building, at mga kotse. Halos malawak na berdeng lupain ang natatanaw ng paningin ko hanggang sa humunto na kami. Dito sa pinaghintuan namin, kita ko ang mga nakahilerang mga kalalakihan na nakayuko na. Pagkababa ni Eiji, binati kaagad siya na s'ya namang lumakad pakabila para pagbuksan ako ng pintuan. Mas bumungad sa akin ang isang mahabang mataas na pader na mukhang may itinatago na isang mansyon sa likod nito.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...