𝘽𝙪𝙡𝙡𝙚𝙩 19

3.3K 98 5
                                    

Nakatingin lang ako kay Aero na abalang may tina-type sa computer niya. Hindi ako mapalagay sa nararamdaman ko dahil parang may mali.

Matapos ang dalawang gabing gawain ko noon kay Carter, agad akong nagdiretso sa apartment niya pero wala siya doon. Nabasa ko lang ang text niya na okay na 'yung investment niya kay Ms. Fei at nagkaroon pa sila ng lakad ng Lolo niya ng tatlong araw pa. Kaya limang araw din kaming hindi nagkita at ngayong araw ang unang pagkikita namin.

Masaya naman siya ng makita ako, niyakap pa nga niya ako. Pero parang may kulang sa nakikita ko sa kaniya.

"Matunaw ako, honeybunch." Nangingiti nitong banggit sa akin kaya bumalik ang wisyo ko.

Tumayo naman ako para lumapit sa kaniya. Iniikot ko ang swivel niya para maiharap sa akin. Bahagya akong yumuko para mapantayan ko ang mukha niya ng siyang pagpalupot ng kamay niya sa batok ko.

"We're not allowed to do it here. Posible na dumating si Lolo na kahit anong araw or oras," agad nitong sabi.

"Just a kiss," saad ko.

Tumingin muna siya sandali sa pintuan at bumaling ng tingin kaagad sa akin bago nilapat ang labi. Ginalaw ko ang labi ko upang makatugon sa ginagawa niyang halik kasabay nito ang pagpasok ng dila ko sa loob ng bibig niya. Napapatong na rin ako ng tuhod sa upuan niya na nasa pagitan ng hita niya at bahagyang diniinan ang nasa gitna niya na siyang paglikha niya ng impit na ungol.

Naging mapusok at malalim ang pagpapalitan namin ng halik. Hindi na rin natiis ng kamay ko ang ipasok ito sa loob ng damit niya upang makapa ko ang dibdib niya pero kaagad niya iyon tinanggal at humiwalay ng halik.

"B-baka maabutan tayo," agad nitong sabi at inayos na ang nagusat niyang damit.

Tumayo naman na ako ng maayos at tumalikod na para bumalik na sa kinauupuan ko ng hawakan niya ako sa kamay. "S-sorry," nakayuko nitong salita.

Humarap muli ako sa kaniya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya ng maramdaman ko kaagad ang basa dito kaya pagtingala ko nakita ko na umiiyak siya. "Hindi mo kailangang umiyak. Hindi ako galit o anumang iniisip mo." Agad kong pagpapanatag sa loob niya.

Yumakap naman ito sa bewang ko. "I really want to be with you all night this time, but I need to go home," salita nito na kaagad kong paghiwalay sa kaniya.

"Hindi rin kita makakasama ngayong gabi?" Pag-uulit ko kahit narinig ko naman ng malinaw.

Tumango-tango naman siya. "Maybe next week, I'm free," dagdag pa nito na mas lalo kong ikinadismaya. "Maybe? Next week? Why?" Sunod-sunod ang patanong ko na siyang ikinatawa niya.

Umupo naman ako at pinatong ko ang ulunan ko sa hita niya. "I miss you, and I just want to spend my night with you. Kung alam ko lang na ang huling tulog natin na magkatabi tayo bago ang meeting mo kay Ms. Fei, dapat pinagod na kita."

Tumawa naman ito kaya napatingin ako sa kaniya na ang baba ko naman ang nakapatong naman sa kaniya. "If we had the chance to do it, I would let you do anything you wanted to do, and many times you wanted."

Napangiti naman ako sa sinabi niya at yumakap sa bewang niya. "I really miss you."

"Me, too." sagot niya.

"I love you," dugtong ko.

Hindi ko narinig ang pagsagot niya kaya akmang titingnan ko siya ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. "I love you too." Sagot niya kaya napangiti ako.






      Lumipas pa ang araw na hindi na kami nagkakatabing matulog pero nagkikita naman kami sa opisina niya kapag wala kaming train ni Kylo. Pero hindi sapat ang kaunting oras na 'yon dahil nakasanayan kong mas matagal ko siyang makasama.

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon