"What is our next project?" I asked Aero, who's busy playing in his own arcade.
"Wala pa naman sa ngayon," sagot niya habang ang atensyon ay sa binabaril niyang zombie. May arcade siya sa loob ng opisina niya.
Napapilantik na lang ako ng dila dahil akala ko importante ang pagpapapunta niya sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa katulad niya? Gustong-gusto niyang sinasayang ang oras ko.
"Hi, Kuya Eiji." Ngiting bati ni Kyro ng pumasok siya dito sa opisina ng boss niya.
Binati ko rin siya na kaagad nagdiretso sa boss niya na hinintay matapos ang paglalaro bago may iniabot na papel. "Wow, you're really good." Puri niya sa bata kasabay ang pag-pat niya sa ulunan nito na kita ang tuwa sa mukha ni Kylo.
Lumabas din naman si Kylo na siya namang pagtabi sa akin ng upo ni Aero. Lumingkis na naman ang kaniyang kamay sa aking braso at nagpacute sa harap ko.
"We are throwing our dinner party because of the success of our plan. Kahit na alam ko na hindi iyon successful sa'yo," sabay tawa niya.
Hindi ko alam kung paano niya naiintindihan ang takbo ng isip ko. Paano niya nalaman na hindi tagumpay para sa akin ang ginawa namin kung hindi nasunod ang nakaplano? Paano niya nalaman na galit ako kahit hindi ko ito pinapakita? Isa ito sa katangian niya na hindi ko maintindihan.
Naramdaman ko naman ang pagpisil niya sa pisngi ko saka tumayo. "While we are waiting for them, let's make out muna." Umupo ito sa lap ko kaya mabilis akong tumayo na ikinaupo niya sa sahig.
Natural na ang magiging reaksyon niya na galit na galit sa ginawa ko. "How dare--I can't believe-- oh my g-- you-- gosh! Hindi mo ba alam kung paano ko niraos ang sarili ko ng bitinin mo ako noon? Tapos ngayon ganito ang gagawin mo!"
"Hindi ko kasalanan kung lagi kang ganyan at ang laman ng bibig mo ay puro kalokohan." Lumayo ako ng bahagya sa kaniya.
Pumaymewang naman siya sa harap ko. "How can I resist a man like you?" Naglulumanding ngiti niya sa akin. "Alam ko naman na gusto mo rin ang ginagawa ko. Hindi mo mapipigilan ang sarili mo lalong-lalo na kapag inuungol ko na ang pangalan talaga namang tinitigasan ka tulad ng ganto.. ahhh Eiji.. yes more ahh ahh harder hmm--"
Lumapit naman ako sa kaniya at tinakpan ang bibig niya na ramdam ko ang pagngiti niya sa palad ko kaso bigla niyang dinakma ang pagkalalaki ko kaya hinawakan ko ang kamay niya na nandoon.
"Stop," utos ko sa kaniya na inalis ang pagkakahawak sa akin.
Tinanggal niya rin naman kaso muli niyang pinakita ang signature move ng kaniyang mata kapag hindi niya nagawa ang kalokohan. Inikutan niya ako ng mata saka lumakad patungo sa lamesa niya. Sakto naman na inaya na kaming bumaba.
Nawala rin naman ang inis niya dahil nakayakap na naman siya sa braso ko habang tinatahak namin ang palabas sa building niya. Hindi na nagtatakha ang mga nakakasalubong namin dahil nga sa araw-araw ba naman na ganito ang nakikita nila sa amo nila sa tuwing kasama ako. Parang linta na hindi bibitaw kung hindi ko pa pilitin tanggalin.
Nagdesisyon muna kaming kumain sa loob ng isang mall bago pumunta ng nightbar para daw magpakalasing. Nauna na ang iba doon kaya kaming tatlo nila Aero at Nilani ang nagsabay-sabay. Nakikisama naman ako ngayon dahil ayaw kong madagdagan ang atraso ko sa mga kasamahan niya. Mahirap kumilos at makisama sa kanila kung hindi pa rin kami magkakasundo.
"Eiji!"
Mula sa nilalakaran ko, pamilyar na tao ang nakikitang lumapit sa akin na nakangiting malawak ngunit biglang nawala ang ngiti niya ng makita ang nakalingkis na si Aero. Nagtatakha ako kung bakit ganon ang naging reaksyon niya pero ramdam ko ang ganyang pagmumukha ni Claude ay may plinaplanong hindi maganda.
BINABASA MO ANG
Bite the Bullet
ActionC O M P L E T E D bite the bullet (idiom): to endure a painful or difficult situation with courage and determination Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I want you to be mine. Do you want it?" pangungumbinsi pa niya at halatang nagpa-cute p...