𝘽𝙪𝙡𝙡𝙚𝙩 11

4.9K 138 15
                                    


     Hanggang ngayon napapaisip ako sa mga narinig kong mga mabibigat na salita na nanggaling mismo sa ina ni Aero. Paano niya natitiis na hindi sumagot sa mga binitawang salita ng ina niya? Kahit sabihin na natin na magulang niya iyon, kailangan niyang ipagtanggol ang sarili niya lalo pa't tinatapakan na buong pagkatao niya.

"Naiinlove ka na ba sa akin?" salita ng nasa harapan ko na malawak na naman ang ngiti.

Pinitik ko naman ang noo niya. "Hindi pa ba tapos?"

Ngumuso naman ito dahil sa ginawa ko. "Malapit na," sagot niya at muling nagpatuloy sa pagpapahid ng gamot sa sugat ko.

Natuyo na ang hiwa sa pisngi ko kaya naman pinapahidan niya ng cream na inireseta ng doktor para hindi ganon kahalata ang peklat na maiiwan kapag gumaling na ang sugat ko.

Mabuti na lang tatlong linggo sa ibang bansa si Ezra, pero alam ko na hindi ko maitatago sa kaniya ito dahil sa mukha ko mismo ang nagkasugat. Kailangan ko na lang maghanda ng isang magandang paliwanag sa kaniya para makumbinsi ko siya na hindi mangialam sa ginagawa ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sabay halik sa akin na hindi na bago. "Ang pogi mo pa rin," salita nito na nilalagyan na ng medical patch ang sugat ko.

At ang isa pa sa iniisip ko, pinsan niya ang may kasalanan nito. Gusto ko siyang tanungin pero ayaw kong mailang siya kaya hindi na ako nag-usisa pa. Bakit ganon ang trato nila kay Aero? Mula sa nakikita ko naman, mabait naman siya.

"Let's have a date." Nakaupo na ito ng maayos sa harap ko.

"Ibabawas mo ba 'yan sa project na gagawin ko sa'yo?" tanong ko sa kaniya.

Iniligpit ko naman na ang ginamit niya. Nagsu-suggest na naman siya ng walang kwentang bagay para mag-aksaya ng oras.

"Kung iyon lang ang paraan para mapapayag kita, sige," sagot niya saka yumakap sa akin. "Gusto kong makapagrelax na kasama ka."

Wala pa akong experience sa pakikipagdate kaya wala akong idea kung ano ang ginagawa sa date. Nagsinungaling lang ako sa kaniya nung tinanong niya ako about sa mga past relationship ko kasi kapag binanggit ko na siya ang first ko, baka wala na siyang maging ibang bukambibig kung hindi 'yon.

So, anong ginagawa sa date?





     "Pucha ka, brad! Ako pa ang tinanong mo sa date?" sabay higop ng iniinom niyang frappe.

Napasandal naman ako sa inuupuan ko. "Katulad din ba sa mga napapanood ko? Is it a usual na labas?" tanong ko.

"Eiji," napatingin ako kay Claude na may kakaibang boses na pagtawag sa akin at hindi nga ako nagkakamali dahil nakangiti din ito ng kakaiba. "Why are you investing time to learn how to date? Masyado kang concern sa date niyo ng business, again business partner mo."

Nilukot ko naman ang tissue na nasa tabi ko saka binato sa mukha niya na ikinatawa niya. "Because that is part of my job," sagot ko.

Tama, parte 'yon ng trabaho ko. Saka isa 'yon sa limang project na gagawin ko kaya I need to invest time to know about that. Kailangan kong magplano ng mga activities na gagawin namin at mga pupuntahan namin. Everything should go as planned.

"Watch a movie. Visit a museum. Go on a nature walk..." Nakatingin si Claude sa cellphone. "Nag-search ako. Gusto mo pasa ko sa'yo?" harap niya sa screen ng cellphone niya.

Tiningnan ko naman siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya na muli niyang ikinatawa. "Usually kasi ng date na ginagawa ko, kain lang kami 'tas diretso agad sa hotel."

Mukhang wala na akong choice. "Sige," sagot ko sa kaniya.

Bumalik na rin ako sa trabaho ko, which is kay Aero dahil graduate na ako kaya buong araw na akong nagtatrabaho sa kaniya. He also insisted that he would pay me as his regular employee. Tumanggi ako kasi gusto kong ibawas na lang niya iyon sa utang ni Kuya Kaede pero hindi siya pumayag. In short, I'm not unemployed.

Bite the BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon