Chapter VI~

15 0 0
                                    

Chapter Six
Kuya
~

[Harrie]

"Angela?!"

"Lyre! Kilala mo sya?"

"Oo nga bunso, magkakilala kayo??"

Sinamaan ko naman sila ng tingin. Paano kasi.. Kung makapagtanong akala mo naman ngayon lang ako nagkaroon ng ibang kakilala bukod sa kanila. Hmp.

"Ano bang nangyari kasi?"

"Ano nga... Kasi... Di ko naman sinasadya eh.. Sorry talaga miss." sabi ni kuya habang pakamot kamot pa sa ulo nya. Kyut. Ü

"O-okay lang.."

"Tss.. Gela, paano? May extra ka pa bang damit?"

"Ah eh... Wala eh."

"Tsk. Si kuya kasi! Halika may damit ako sa bag... Kaso kay Rynn yun.. Isasauli ko sana sa kanya pero hiramin mo na muna. Okay lang ba?" lumiwananag naman yung mukha nya at nginitian ako.

"Okay lang kaya sa kanya?"

"Oo. Halika na." aalis na sana kami papuntang restroom nung biglang mapatingin ako sa mga kumag. Nakatunganga lang sakin at nakaawang pa yung bibig.

"What the pack?"

Umiling lang naman sila pero si Rikk, lumapit sakin at bumulong.

"Ang bait mo raw kasi... Hindi sila makapaniwala." so sinasabi nyang hindi ako mabait?? Aba kanina pa tong lalaking to ah! Hmp!

Sinubukan nyang tumakbo pero bago pa sya makalayo, may naglanding na na apple sa ulo nya. Hmm. Paano nakarating yun dun? Parang kanina nasa counter yun tapos nasa ulo nya na ngayon? Lumipad siguro?? XD

Binayaran ko na yung apple at kinuha yung bag ko tapos pumunta na kami ni Gela sa restroom.

"Sigurado ka bang okay lang sa kanila?"

"Oo nga." niyaya ko kasi syang sumabay na samin maglunch. Kaso ito, nahihiya pa ata.

"Eh... Hindi naman nila ako kilala.."

"Kaya nga ipapakilala ka diba??"

"Sige na nga." ayunn. Buti naman pumayag na. Pagkarating namin sa table, nakasubsob na sa table yung tatlo. Si kuya lang ang nakatunghay. Haha. Kawawa naman.

"Uy Lyre."

"Uy Lyle." I grinned at sinimangutan naman ako ni kuya.

"Kuya. Kuya mo ako."

"Ay sorry. Haha." nakasubsob parin si Rikk sa tabi nya at hindi parin gumagalaw. Kaya ayun...

"Hoy Rikk. Ako jan." tinulak ko ang balakang nya gamit ang balakang ko. Wahahaha--

"ARAY NAMAN MAHAL!"

"Ano?!/What?!" sabay naming sigaw ni kuya. Anong mahal mahal ka jan. Tss. Bagsakan ko nga ng bag ko. Haha.

"Aww.."

Umupo sya sa tabi ko tapos si Gela naman nasa left ni kuya. Ayiiieeee.

Bale ganto ang pwesto, Gela-Kuya-Ako-Rikk-Kuya Drew-Kuya Blake. Nasa circular na table kami.

"Mga kuya... Kumag, si Angela nga pala. Mary Angela Pedrosa."

"Hi Angela... I'm Blake."

"Gela na lang... Nice to meet you." tinanguan lang naman sya at nginitian ni kuya Blake.

"Hi Gela.. I'm Drew. Nice meeting you." inoffer ni kuya D ang kamay nya at tinanggap naman yun ni Gela at nagshake hands sila.

"Hi. Nice to meet you too."

"Ah eh... Hi Gela.. Ako si Hendrixx Lyle Lastimosa, kapatid ko sa Lyre... Sorry nga pala dun sa kanina ha? Sorry talaga..."

"Okay lang.. Alam ko namang di mo sinasaja yon eh."

"Sorry talaga.."

"Okay lang talaga.."

Wait...

Is he...

Siniko ko si Rikk at binulungan.

"Aray!"

"Shh. Hoy. Si kuya ba... Nagbblush??" napatingin naman sya kina kuya at napasmirk.

"Oo. Haha."

Napangiti na lang ako.. Ayiiieeee. May crush na si kuya ko. Haha.

Masaya naman pala kasama si Angela... Madaldal din at madaling makaadjust. Friends na sila agad lima eh.

Hay...

Namiss ko tuloy bigla si Rynn..

"Ah eh... Guys.. Thanks for letting me have lunch with you. Pano? Una na ko."

"Byeeee." nagwave na lang si Angela at lumabas na. May kailangan pa daw kasi syang ayusin para sa pagttransfer nya. Mga scheds and such.

Napansin ko namang nakasunod ang tingin ni kuya hanggang sa mawala na sya sa paningin nya. Binato ko tuloy.

"Awtch!"

"Tinamaan ka ng tissue o tinamaan ka kay Angela?" napanganga naman sya at nagroll eyes pa. Haha. Ang bading lang.

"Ayiiiieeee."

"Sige gatungan nyo pa." sinamaan nya rin ng tingin yung tatlo. I giggled.

"Haha. Hay naku kuya... Tinamaan ka ano?"

"Asuuuus. Nagseselos ka lang noh? Ayiiie, ang baby ko ayaw magkagirlfriend ang kuya nya... Ayiiieee. Wag ka na magalala, ikaw lang naman ang baby ko eh.." Nyiiiii.

"Ngekk. Nagpapatawa ka kuya? Hindi naman pwedeng hindi ka magkakagirlfriend ano.. Pag nagasawa ka na, magkakaanak ka at magkakaroon ka na ng baby mo." totoo naman diba? Panong magiging ako lang ang baby nya? Baliw.

Ginulo nya ang buhok ko at niyakap ako ng sobrang higpit.

"A-aww!"

"Haha. Baby... Alam mo, ikaw lang ang poreber baby ko. Kahit na magkagirlfriend ako, magkaasawa, at kahit magkaapo, ikaw parin ang baby ko. Ayiiiieeee."

"Tss." napangiti na lang ako at napailing. Hay naku ang kuya ko...

"Hoy. Kami din aba." sabi ni kuya Blake at naramdaman kong inipit na ko ng apat na malalaking tao.

"Alabyu bunso."

"Alabyu Ly--"

"Totoo ba yan Ruben?? Torpe ka naman."

"Hahaha."

"Heh."

Ang mga lalaking to... Palaging anjan lang sa tabi tabi para sakin.. Nang-aasar at nagaalaga sakin..

Kaya kung magiging manhater siguro ako? Baka hindi rin matuloy. Mahal na mahal ko kasi ang mga lalaking to. Mahal na mahal ko ang kuya ko... Ü

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon