Chapter XXXV~

8 0 0
                                    

Chapter Thirty five
Last days with her
~

[Harrie]

"Watda. Anong nangyari dito." napakamot ako sa kilay ko nung makita kong nakasubsob yung apat na kumag sa lamesa sa garden.

Nyak! Kaya naman pala payag na payag na magmall kami ni Rynn! Magiinuman pala! Hmp. Mabuti na lang bestie bracelets lang ang nabili namin ni Rynn kaya at 6:23pm andito na kami. Kasi kung mamaya pa kami uuwi, eh baka sipunin na ang mga to.

"Rrie.. Kukuha na lang ako ng panlatag. Jan na lang matulog sa living room yang mga yan."

"Sige.." swerte naman nila kung bubuhatin pa sila pataas. Iinom inom tapos matutulog lang at magpapabuhat. Abaaaa. Hmp.

Kinuha ko yung trash can sa may gate tapos isa isa kong pinulot yung mga lata ng beer at nilagay dun.

"Gusto nyo bang ilagay ko rin kayo sa loob nito at itapon sa ilog?" I frowned at them but then giggled. Kausapin daw ba ang lasing? Tsk.

"Ay wag pala si kuya.. Masyado ko syang mahal.. Pati si kuya B. Si kuya D naman ililigtas yan sigurado ni Ace nya... Eh ikaw Rikk? Kawawa ka naman." I sat on my ankles at tinapatan sya. Hahaha. Nakanganga ang loko loko.

Nakakatawa talaga sya kanina. Ang cute magblush. Haha.

"Sige na nga ililigtas na din kita.Pero pakurot muna." he groaned at tinampal ang kamay ko matapos ko syang kurutin ng madiin. Haha. Sana lang wag sya magtaka kung bakit masakit ang pisngi nya paggising nya.

"Huy Rrie. A'ng ginagawa mo jan?" napatayo ako nung makita ko ang mga paa ni Rynn sa ilalim ng table.

"Pinupulot ko yung ano.. Lata."

"Awew." binelatan ko lang sya at pinagtulungan na naming buhatin at ihiga sa sala yung malalaking kumag. Tsk.

Ang bibigat nila. Bakit ba kasi sa labas pa naginuman? Pwede namang sa kitchen na lang. Tsk.

~

Nakapagluto na kami ni Rynn at kumain na din kami. Ang tagal kasi gumising nung apat. Lampas 9 na eh.

"Ang tagal naman magising. Ngalay na ko."

"Haha. Magintay ka lang kasi." andito kami sa tapat ng bintana sa labas ng living room. Nakasilip kami sa apat na natutulog na kumag. Kinukuhanan namin dila ng video.

Nakakatawa ang ichura nila. Hahahahahaha.

"Oh ayan... Yung pinakaOA pa naman ang unang magigising. Haha."

"Sshhhhh." unti unting gumalaw si Kuya Drew hanggang sa imulat na nya ang mata nya.

"Aaaaaaaaaaaaah! Anong ginawa mo sakin?!" sumigaw si kuya nung marealize nyang wala syang pantaas na damit at nakayakap sya sa hubad din na si Rikk. Wahahahaha. Nagulantang din ang mga katabi nya kaya nagising narin. Pareparehas ang mga reaksyon nila. Mga nanlalaki ang mata at di makapaniwala. Hahahaha.

"Anong ginawa mo sakin?!"

"Pwede ba Drew?! Wala akong pagnanasa sayo! Baka ikaw! Anong ginawa mo sakin ha?!" Hala, nagaaway na. Hahaha.

"I can't believe this..." sabi ni kuya tapos pinatong ang mukha nya sa mga palad nya.

"Could you please calm the fuck down? Tingnan nyo, may pambaba naman tayo ah. Kumpleto pa." naks. Si kuya Blake na talaga ang pinakamautak sa mga ito.

"Eh paano nyo mapapaliwanag to? Wala akong natatandaang naglatag tayo at humiga rito."

"Wala din akong natatandaang tinanggal ko yung damit ko..." paano kaya nila matatandaan eh kami naman ni Rynn ang gumawa ng lahat ng yun?

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon