Chapter XVII~

10 0 0
                                    

Chapter Seventeen
Just the start
~

[Drix]

Dalawang araw ng walang malay ang kapatid ko. Haaaay.

Kararating pa lang namin ng police station nung tumawag si Drew. Isusugod daw nila sa hospital si Lyre kasi walang malay. Sobrang nagalala ako sa kanya nun kaya iniwan ko na si Romero kay Blake.

Hay. Nagaalala parin ako hanggang ngayon. Kaaalis lang rin ng mommy kaninang madaling araw. Sabi nya babalik daw agad sya. Kami ni Ryu, two days na kaming hindi pumapasok. Pati si Aerynn, hindi na nga rin sya sumama dun sa teambuilding nila para mabantayan nya si Lyre. Yung dalawang kumag naman, nasa school sila. Hindi ko na sila pinayagang magabsent kasi wala rin naman silang gagawin. Mamaya pagkalabas nila, sa bahay sila dederecho at aayusin yung mga natitira pang kalat sa kwarto ni Lyre.

Hay...

"Mmmm..."

"Lyre?"

"Aerynn.. Pakitawag yung doctor."

Lumabas na sya at pinanood ko naman si Lyre na buksan ang mga mata nya. Hindi pa nya tuluyang naimumulat ang mga mata nya nung dumating ang doctor. Umatras ako at hinayaan ko na munang icheck ng mga nurse ang kapatid ko. Pumasok na rin si Ryu na pinabili ko ng pagkain kanina.

"Hay... Buti naman nagising na sya." sabi nya nung makalapit sya sakin.

"Tsk. Makita ko lang talaga yang si Romero na yan. Masasapak ko ng bongga yan." Tss. Inakbayan ko naman sya at tinapik ko lang ang braso nya. Ito talaga oh. Tsk. Kahit na masungit itong isang to, mahal ko rin to kasi mahal na mahal nya ang kapatid ko. Kaya para ko na rin syang kapatid. Hindi siguro namin alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa ni Lyre. Mga bunso namin to eh.

"Lyle. Can I have a moment with you?"

"Opo." sumunod na ko kay tita Ellie sa office nya. Family doctor namin sya, isa sa mga bestfriend ng mom.

"Buti naman at nagising na sya."

"Opo nga po tita. Haaaaay. Ano po? Okay na po ba sya?"

"Oo okay na. Pwede na syang idischarge mamaya. Ako na lang ang magaayos ng papers nyo. Naibilin na sakin ng mom nyo yun bago sya umalis."

"Ah... Okay po. Err... Tita? Sure po ba kayong wala syang sakit? I mean... Nacheck nyo ba ang puso nya? Lately kasi, or baka dati pa na ngayon ko lang siguro napansin. Masyado po syang magugulatin... Tapos kung kabahan po at matakot... Minsan nararamdaman ko ang heartbeat nya sobrang bilis saka ang lakas. Bakit ganun?" napakanerbyosa nung kapatid ko na yun.

"Lyle.. Ang nangyari kay Harrie, ay dahil sa stress at sobrang takot na naranasan nya. Alam naman nating may fear of blood sya diba? Maaring pagod din sya buong araw bago yung gabing yun. Mas mabilis nga kesa sa normal ang heartbeat nya pero may mga ganun talagang case Lyle. Wala syang malalang sakit sa puso. Pero kung hahayaan nyong paulit ulit nyang maranasan yung ganung level ng takot... Di malabong magkasakit yan at baka atakihin pa."

I sighed. Oo, simula bata pa lang si Lyre... Malaki na talaga ang takot nya sa dugo. Hindi nga yan naglalaro sa labas kasi takot syang magkasugat. Hindi sya sa sakit natatakot, sa dugo.

Hay... Tanginang Romero yun. Wag na wag na syang makakalapit sa kapatid ko. Mapapatay ko talaga sya.

"May ibibigay akong gamot sayo mamaya kung sakaling hindi sya makatulog sa gabi at magkaron sya ng mga nightmares. Kunin mo na lang mamaya."

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon