Chapter XXV~

13 1 0
                                    

Chapter Twenty five
Special
~

[Harrie]

Tulungan mo kami...

Please Harrie...

Tulungan mo kami...

Harrie nagustuhan mo ba yung surprise ko??

Ang ganda ng kwarto mo diba?

Waaaaaag!!!

Maawa ka!

Sumama ka na samin...

Harrie pakipulot nga yung utak ko..

Harrie...

Harrie...

Tara na Harrie...

No!

"N-no.." ayoko sa inyo. Please iwan nyo na ko... Umalis na kayo sa kwarto ko... Please..

"Lyre! Lyre gising... Lyre.."

"Lyre..." unti unti kong iminulat ang mata ko. Nakita ko si Rikk na nasa tabi ko.. Napayakap ako sa kanya..

"Ssshhhh..."

"R-rikk... Paalisin mo sila.." sabi ko at tinakpan ng dalawang kamay ko ang mukha ko. Alam ko namang panaginip yun pero feeling ko totoo. Parang mababaliw na naman ako.

"Sino? You had a nightmare?" tumango lang ako. Naramdaman kong nanginginig na pala ko.

"Shhh... I'm here.." hinigpitan nya ang yakap nya sakin. Napahikbi lang ako sa chest nya. Ang lakas ng heartbeat ko... Akala ko tapos na yung mga panaginip ko about dun.. Palagi na lang kasing ganun.. It's either mapapanaginipan kong nakasabit ako sa ceiling at pinapanood kong pinapatay lahat ng taong nasa kwarto ko, nagmamakaawang tulungan ko sila pero wala akong magawa; o ako mismo yung pumapatay sa kanila. Duguan sila at hinahabol nila ko... Tapos minsan, may isang taong maghahagis ng dagger sakin tapos magigising na ko ng di ko alam kung tinamaan ba ako o hindi... Ganun. Paulit ulit.

"Wag ka ng matakot... Andito lang ako..." hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at inangat nya yung mukha ko. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang thumb nya at hinalikan ng matagal ang noo ko.

"R-rikk..." pinunasan ko ang mukha ko at tumingin sa kanya. Bakit pala sya andito? Panaginip lang na naman ba to?

"Hay... Buti naman magaling ka na." huh? Ano daw? Ibig sabihin?? Inalagaan nya ko?? Hala.

Napabangon ako bigla.

"So..." napatingin ako sa damit ko at nanlaki ang mata ko kasi iba na ang damit ko. Tumingin ako sa kanya, nakangiti sya at umiiling. Waaaaah!

"Huy. Lumabas ka nga jan!"

"Ayoko! Bastos ka!" pinipilit nyang tanggalin yung kumot pero hindi ako papayag! Dito lang ako sa ilalim! Paano sya nakakangiti?! Huhuhu.

"Alam mo Lyre? Napakaewan mo talaga kahit kelan. Kanina umiiyak ka at payakap yakap pa sakin, tapos ngayon pinagtataguan mo naman ako. Lumabas ka nga jan!"

"Ayoko!" pinilit kong silipin ang undies ko at pakiramdam ko naghalo na ang balat sa tinalupan nung nakita kong iba na ang bra ko. Huhu.

"Lumabas ka sa kwarto ko!! Umalis ka dito! Ayoko sayo! Bastos ka!"

"Ewan ko sayo Lyre." nainis ako lalo sa kanya kasi parang baliwala lang sa kanya. Nakita nya na at lahat, wala lang?!

Nilabas ko ang ulo ko sa kumot at pinaghahampas sya. Kahit mejo masama parin ang pakiramdam ko, hindi ko sya titigilan!

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon