Chapter XLIX~

2 0 0
                                    

Chapter Forty nine
Back
~

(May 4)

[Drix]

"Welcome to the Philippines sir." I smiled at the flight attendant.

Finally, I'm home.

Makikita ko na ang kapatid ko.

Makakapagsorry na ko sa kanya...

Sumakay ako ng taxi papunta sa Hotel ng dad para kunin ang kotse ko dun.

Nakitawag ako sa telephone dun at tinawagan ang landline sa bahay namin. Walang sumasagot. Tsk.

Kaya si Ryu ang tinawagan ko.

(Hello? Who's this?)

"Ryu. Si Drix to. Asan kayo? Wala ba kayo sa bahay?"

(K-kuya! Andito kami kina Aerynn.. Pumunta ka dito..)

"Sige. Wag ka munang maingay kay Lyre ha? Balak ko syang isurprise."

Sabi ko at inend ang call. Sayang nga lang at wala akong nabiling pasalubong para sa baby ko. Hay. Di bale, babawi na lang ako sa kanya. Babawi talaga ko... Big time.

~

Nagtaka ako nung pagdating ko sa bahay nina Aerynn kasi bukas ang gate at madaming tao. May mga pulis pa nga. Hala... Bakit kaya?

"Drix??"

"Hello po tita!" nginitian ko ang mom ni Aerynn. Tapos nakarinig ako ng mga tumatakbong yabag mula sa kusina. Sinugod ako ng dalawang kumag at niyakap.

"Hoy nakakadiri kayo. Bitaw nga. Ano palang nangyayari dito? Asan si Drew? Sina Lyre?"

"Huy?" bakit walang sumasagot sa kanila??

Naglakad si Blake papunta sa isang kwarto at sumunod naman si Ryu kaya sumunod na rin ako. Bakit ba hindi sila nagsasalita??

Binuksan nya ang pinto para sakin at nagulat ako nung makita ko si Aerynn na nakahiga sa kama. May nakakabit na dextrose sa kanya. Nilapitan ko sya at hinaplos ko ang buhok nya.

"A-anong nangyari sa kanya??"

"Lyle... N-nakidnap sya.."

"What?! Kailan? Bakit?? Sinong may gawa??"

"Hindi namin alam..."

"Si Drew? Magkasama ba sila ni Lyre ngayon? Asan si Lyre?" tiningnan ko silang dalawa ni Ryu. Tumingin sa mata ko si Ryu at nakita ko ang pain?? Ay lungkot ata sa mata nya. Tinitigan ko lang din sya. Ano bang nangyayari sa kanya??

"Hindi pa namin alam Lyle..."

"Anong hindi pa alam?!"

"Kuya... N-nawawala si Lyre.." Puta. Anong nawawala ang kapatid ko?

"Lyle.. Wag dito.. Sa labas tayo magusap."

Hinila ako ni Blake palabas at sumunod naman si Ryu.

"Ano bang sinasabi mong nawawala si Lyre, Ryu?? Nasaan sya?! Bakit mo sya pinabayaan?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nahawakan ko sya sa kwelyo.

"Ryu naman! Pinagkatiwala ko sayo ang kapatid ko! Bakit mo sya pinabayaan?!!"

*PAK!*

Sabi nya hindi nya papabayaan ang kapatid ko! Sabi nya aalagaan nya si Lyre!!

*PAK!*

Tiwala akong iwan sa kanya si Lyre dahil akala ko safe sya sa kanya!

*PAK!*

Tapos ngayon malalaman ko nakidnap si Aerynn at nawawala sya?! Tangina naman...

"Lyle! Tama na!"

"Lyle ano bang ginagawa mo?!"

"Pati kayo alam nyo?!" tinulak ako ng mommy at lumuhod sya sa nakahigang si Ryu.

"Kailan pa nawawala si Lyre?!"

"Nung biyernes pa..."

"Damn! Mom naman! Anong araw na ngayon! Bakit wala man lang nagsabi sakin?! Ryu! Bakit hindi mo ko tinawagan?!" Lunes na ngayon pero ngayon ko lang nalaman! Kung hindi pa ko umuwi, hindi ko pa malalamang nawawala na pala ang kapatid ko!

"Bakit ba si Ryu ang sinisisi mo?! Hindi nya kasalanang nawala ang kapatid mo!"

"Eh sinong may kasalanan?!"

"Saan ka ba nanggaling, ha? Dumating ako ditong nawawala ang kapatid mo tapos mababalitaan kong wala ka dito at iniwan mo sya kay Ryu. Pero sinisisi ba kita ha? Lyle naman." napaupo na lang ako. Tama si mom... Hindi kasalanan ni Ryu... Kung may dapat sisihin dito... Ako yun..

"Ilang beses ka naming tinawagan dude... Kahit nung nasa London pa ko at hind pa ko nakakauwi, tinatawagan at tinetext na kita. Lahat ng means ng communicetion nasubukan na namin para lang makausap ka namin... Pero kahit isang word wala kaming nabalitaan sayo."

Kinuha nila ang phone ko... Naging busy ako sa pagaalaga sa manloloko kaya nawalan ako ng oras magbukas ng mga accounts ko.

At ngayon...

Hindi ko na alam ang gagawin ko... Pakiramdam ko mababaliw na ko.. Matapos kong maloko, malalaman kong ilang araw na palang nawawala ang kapatid ko..

Hindi ko na alam...

~ccc~

[Angela]

Kasalanan mo to!

It's your fault!

"Stupiiiid!" ang tanga tanga ni tita kasi!

"Ma'am is everything alright?" I rolled my eyes at this stupid flight attendant. Gaano ba katagal ang airplane na to? Tsk.

Nakakainis.

Nalaman tuloy ng kuya ko ang lahat!

Iniwan nya tuloy ako!

Nakakainis!

Babalik na tuloy sya dun sa kapatid nyang pangit! Tsk.

Pero sorry sya...

Kasi hindi lang sya ang babalik...

Ako din...

At pagbalik nya... Nawawala na ang kapatid nya...

Hindi nila sya mahahanap...

Mababalitaan na lang nyang pakalat kalat ang nagdedecompose na na corpse ng baby nya.

Hahahaha.

Uunahan ko sya..

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon