Chapter XIII~

7 0 0
                                    

Chapter Thirteen
Rynn vs. Gela (part 1)
~

[Harrie]

Pagkatapos nung kay Romero, ilang araw na ring walang nanggugulo sakin na mga gago. Mabuti naman. Haaaay naku.

"Ano sabi?" kalalabas lang ni Rynn galing sa office ng directress. Pinatawag sya kanina pagkatapos nung last class namin sa umaga.

"Teambuilding. 3days."

"Oh? Kelan?"

"Sa friday na." aww. Three days syang mawawala? Ngiii...

"Halika na, gutom na ko."

"Sigee." maglulunch na lang kami ni Rynn ng kaming dalawa lang. Mamimiss ko rin ang bestfriend ko noh.

Sa mcdo lang kami pumunta kasi miss na namin ang bff bundles nila. Lalo na ang fries.

"Mahal!" napatingin kami sa may pinto. Kakaupo pa lang namin eh. Tsk. Bakit andito ito?

"Ano na naman?? Di mo ba alam na girls day namin ngayon? Umupo sya sa harap namin ni Rynn. Naalala ko tuloy si kuya. Galit na galit sya sa girls day, may naaalala kasi sya dun sa words na yun. Hahahaha.

Yung unang beses akong nagkameron. >xD

"Oo nga. Bakit di mo kasama yung mga kumag na katulad mo?"

"Ah.. Sila ba? Andun sa labas. Nakikipaglandian." ano raw?! Ang kuya ko? Nakikipaglandian??

"Sinong nilalandi ng kuya ko?!/ Sinong nilalandi ni Drew?!" sabay kaming napasigaw at napatayo ni Rynn at napahampas sa lamesa. Napatingin ako sa paligid at nakitang nakuha na pala namin ang atensyon ng lahat. Napaupo ulit kami. Shit. Nakakahiya.

"Karma girls, karma." anong karma?

"Tanga. Baka kalma! Hindi karma!" Hahahaha. Ouch. Harsh. XD

"Ay ganun ba? Oh sige take two--"

"WAG MO NG ULITIN!" nanlaki ang mata ni Rikk at napatahimik. Haha. Kasii.

"Okay okay... Karlma lang kasi kayo. Ganto nga kasi. We were about to call the two of you, papasunudin sana namin kayo dito nga sa mall para sabay sabay tayong maglunch. Tapos... Yung friend mo... Yung si Angela, may kasama syang dalawang babae. Ayun. Kalandian sila nung tatlo. Tapos nakita ko naman kayo dito." ano daw? Karlma? Karl Marx? Pero teka... Si Angela? Magsasama ng mga malalandi?

"Eh bakit mo iniwan sina kuya? Tss." pero sabagay... Hindi naman siguro malalandi yung mga kasama ni Gela. Hindi naman sya malandi eh. Hmm.. :3

"Naku. Nagsama pa pala ng alipores nya si Demonya."

"Syempre kasi mahal kita. Wait,Sinong Demonya?"

"Rynn... Hmm. Sa tingin ko naman hindi malandi si Gela. I mean.. Malay natin kung nagbago na sya diba?" I am not sure kung ano mismong ginagawa ko, pero I think.. I am trying to ask Rynn to give Angela a chance to be forgiven? Ewan ko.

"Hindi ko alam Rrie. Hindi naman kita binabawalan makipagkaibigan sa kanya. Sino ba naman ako diba? I'm not telling you to avoid her or to hate her too. Ang sakin lang, alam ko kung anong kaya nyang gawin. At concern ako sa inyo, sayo.. Wala naman akong pakialam sa kanya eh. Bahala sya sa buhay nya. Basta wag lang syang magkakamaling gumawa na naman ng kagagahan na madadamay ka."

"Haaay... Rynn." mukhang natrauma na ata ang bestfriend ko. Sabagay, ganun kasi ata talaga... Bihira ang taong magbibigay at magbibigay parin ng chance sa taong dati ay nanakit na sa kanya.

"Wait... Hindi ko kayo maintindihan.." ay. Oo nga pala. Andito nga pala si Rikk. Tss.

"Ewan ko sayo Rikk. Lika na nga Rynn. Order na tayo." tumayo na ko at tumayo na din naman si Rynn. Gutom na kasi talaga ako. At feeling ko lalo akong mauubusan ng energy kapag nakipagusap pa ko jan sa hapon na bulol na yan.

"Huy, teka. Pano ako?"

"Anong paano ka? Edi umorder ka ng sayo!" pupunta punta sya dito tapos kami pa papaorderin nya ng pagkain nya? Aba naman.

"Ganto na lang---"

"No. Ganto na lang. Umalis ka dito at dun ka sa malalanding kumag na gaya mo."

"Mahal naman! Wag mo naman akong gantuhin."

"Hay. Ganto na nga lang Ryu. Oorder kami tas magbantay ka jan. Wag kang magpapaupo jan." sabi ni Rynn tapos tumalikod na kami.

"Oo. Basta katulad na lang ng oorderin ni mahal ko ang sakin ha. Lyre... Magiingat kaaaa! Mahal kita!"

Napailing na lang ako. Loko ka talaga Rikk. Para ka talagang camera... Napapangiti ako pag anjan ka..

Shit. Hahahaha. Bakit, kayo lang ba ang pwedeng magbiro?? Marunong rin akong magjoke. Kayo talaga.

"Ahm... Ma'am?"

"Ah... H-huh?" hala... Hindi ko napansin.. Nasa harap na pala kami ng counter. Tsk.

"Wag kasi munang kiligin." pang asar sakin ni Rynn bago nya ako itinabi at kinausap yung nagsasalitang counter.. Este yung nagsasalitang babae sa counter. Teka, ano raw? Sinong kinikilig??

Sabi nung crew, to follow na lang daw ang order namin. Nagpaalam sakin si Rynn na pupunta raw muna syang restroom kaya nauna na ko sa pagbalik sa table namin.

Hala... San na yun?? Bakit nawala?? Ayun...

Pero malayo layo pa lang ako... Kita ko na... Kita ko nang may nakaupo na sa table namin. Takte ka Ryu Venndict! Sabi mo hindi ka magpapaupo! Tapos ang kapal pa ng mukha nyong kumuha ng isa pang table at idugtong sa table namin! Tapos nakikipagtawanan ka pa jan sa mga yan ha?!

Naglakad na ko papunta sa kanila. May mga lalaki tapos may dalawang babaeng pinaggigitnaan si Ryu Venndict. Mabigat ang mga hakbang ko kasi naiinis ako sa kanila. Kapal ng mukhang makiupo!! Hmp. Tapos ito pang kumag na to. Haaaaay!

Nakatayo na ko ngayon sa likod ng mga lalaki at sa harap ni Rikk. Nakakuyom na ang mga kamay ko, ready na kong sumigaw at paalisin sila.

Kaso lang...

"Hahaha! Naku.. Yan kasing si Ryu, may mahal na yan. Kaya hindi na pwede yan." sabi nung isa at may patapik tapik pa sa kamay nung isang babae. Wait.. Parang familiar yung boses kasi.

Sinilip ko yung mukha nya at shet.

"Kuya Drew?!"

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon