Chapter XLV~

3 0 0
                                    

Chapter Forty five
Canada
~

(April 30)

[Drix]

It's already my fifth day here pero hindi ko parin nakakalimutan ang huling paguusap namin ng kapatid ko. Ang mga sinabi nya... Malinaw na malinaw parin sa utak ko..

"Paano ako? Kailangan rin naman kita ah? May sakit sya? Teka lang kuya, magpapaulan ako sa labas para magkasakit rin ako. Para hindi mo naman ako iwan."

"Ano bang sakit nya ha? Malubha ba para mas piliin mo sya kesa sakin kuya?"

"A-ang sakit kuya."

Ang sakit...

Gustong gusto kong magsorry...

Sa lahat ng mga nasabi ko...

Hindi naman totoo yun eh... Kahit kailan hindi ako napagod sa pagaalaga sa kanya. Kahit kailan hindi ko hiniling na malayo sa kanya para lang makapagpahinga.

Mahal na mahal ko ang kapatid ko na yun...

Gustong gusto kong buksan ang pintuan noong oras na yun... Gustong gusto ko syang yakapin. Gustong gusto kong sabihin sa kanyang kasalanan to ng daddy... Pero hindi naman pwede.. Masyado ng matindi ang galit nya sa kanya.. Hindi ko alam kung mapapatawad pa nya ang dad pag nalaman nya to..

"K-kuya.."

"Hmm?"

"Dito ka lang.."

Malala na si Angela... Sabi ng doctor bukod sa mga gamot, pahinga at pagaalaga daw ang pinakakailangan nya para lumakas sya.

Paminsan minsan dumadalaw dito ang daddy at chinecheck si Angela.

Gustong gusto kong tawagan sya... Kaso kinuha ng dad ang phone ko. Nakakainis sya. Gustong gusto kong bumalik kay Lyre... Pero hindi ko naman maiwan si Angela na ganito ang kalagayan nya.

I just wish okay ang kapatid ko doon. Kasi pag may nangyaring masama sa kanya at wala ako dun... Hindi ko mapapatawad ang daddy ko... At ang sarili ko..

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon