Chapter XIX~

5 0 0
                                    

Chapter Nineteen
Something
~

[Harrie]

"Luh. Ganyan naman kayo." nakakatampo kasi ang mommy. Kakadating nya lang nung Friday ng gabi tapos gigisingin na lang ako bigla na nakabihis na sya. Luh..

"Lyre naman..." Pero syempre... Iintindihin ko sya kasi kailangan nya magtrabaho. Tss.

"Hala hayaan nyo na yang batang yan mom. Wag na isama yan." sinamaan ko naman ng tingin si kuya. Akala mo naman pwedeng sumama. May pasok kaya bukas. Ano yun balikan lang? Lapit ng Australia ah.

"Ayaw pa kumilos oh. Kapag hindi ka pa naligo at nagbihis jan, bahala ka. Iiwan ka talaga namin."

"Akala mo naman kasama ka."

"Aba. Kasama talaga ko. Magdedate kami ni mom."

"Weh mom?"

"Oo nga. Magbihis na dali."

~

Andito kami ngayon sa isang restaurant na ngayon ko lang nadiscover. Ang ganda ng view. Nakakapagtaka kung bakit ang mommy pa ang may alam nito eh sya nga yug laging wala dito. Samantalang kami ni kuya, ang lapit lapit lang pero di namin alam to.

Kakaiba talaga ang mommy ko. Psh. Naalala ko kanina, pagkababa ko, tinaguan pa ko ng dalawang baliw. Akala ata iisipin kong iniwan nila ako. Haha. Yung totoo, mommy ko ba at kuya talaga yun? Bakit parang mas matanda pa ko sa kanila.

"Hindi nga baby... Kung ligawan ka ni RV, wala talaga syang pagasa sayo?" napanganga ako sa tanong ni mommy. Ano raw?

"Hala? Bakit nyo naman natanong?"

"Eh kasi boto ang mommy kay Ruben. Pero wag kang magalala baby, bubugbugin muna namin nina kuya Blake mo bago ka maligawan nun. Haha." nakipaghigh five lang ako kay kuya.

"Mabait naman sya ah? Gwapo din... Oh.. Bakit ayaw mo sa kanya baby?"

"Eh bakit gusto nyo sa kanya mommy?" I pouted.

*bzzzzzzzzzt bzzzzzzzzt*

"Wait lang."

"Sino?"

"Shh.. Hello?" sinagot ni kuya ang call at tumayo. Pinapanood ko lang syang makipagusap sa crush nyang si Angela sa phone. Haha. Ayiiiiieeee. Kumakras na ang kuya ko...

"Mom, punta lang po ako dun." tumango naman si mom. May kausap kasi sya sa phone.

Umupo ako sa damuhan at inadmire ang view. Sinong magaakalang may gantong lugar sa Pilipinas? Bakit hindi kasi hindi ako gala katulad nung iba? Yan tuloy napagiiwanan ako sa mga maggandang lugar na kagaya nito.

I sighed. Ang sarap ng hangin. Kumikislap yung tubig ng river dahil sa tama ng sikat ng araw. Ang haba ng bridge na nagdudugtong sa kinaroroonan namin at sa kabilang part. Parang si God.. Kahit gano kalayo, kaya nyang pagdugtungin, kaya nyang paglapitin. Siguro sya yung pinakamaganda at pinakamalaking bridge natin.

Kagaya ng ginawa nya kung bakit nandito ngayon ang mommy at kasama namin. Sana lang wag na syang umalis. Haaaaaay.

Pero okay na rin yung wala sya dito. Iniisip ko parin kasi yung text sakin nung isang gabi... At yung tawag. Nagaalala parin ako.. Paano kung totoo yun? Hindi pwedeng madamay ang mommy.

Hindi pwedeng madamay si kuya... Hindi pwedeng mapahamak ang kahit sino sa kanila...

Nagulat ako nung may lumapat na malamig sa pisngi ko. Pagtingin ko sa taas, si kuya pala. Dinikit yung can ng rootbeer nya sakin. Hmp.

Umupo sya sa tabi ko at nginitian ako.

"Ang ganda noh?" tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Kamusta ka na daw sabi ni Gela." napatingin naman ako sa kanya. Nagindian sit ako at humarap sa kanya.

"Kuya..."

"Hmm?" lumingon sya sakin at lumagok ng beer nya.

"May gusto ka ba kay Angela?"

"Huy. Okay ka lang?" hinagod hagod ko ang likod nya. Nasamid kasi sya. Dahil yata sa tanong ko. Alah.

"Ano bang tanong yan Lyre? Haha. Wala akong gusto sa kanya noh."

"Huh?" eh kasi... Parang meron kayang something sa kanilang dalawa. Bagay kaya sila.

"Weh. Wag ka ng magdeny."

"Wala nga. Ano ka ba? Teka nga.. Nagseselos ka noh?" nagpout ako at umiling. Bakit naman ako magseselos dun. Mas lamang parin ako sa kanya nuh... Kapatid ako ni kuya.

"Eh bakit mo tinatanong?"

"Eh kasi nga curious lang ako sayo." hinila nya naman ako at inakbayan.

"Alam mo... Si Angela... Oarang ikaw lang sya."

"H-huh?" bakit sakin naman sya nacompare? Dati kay Rynn. Tapos sakin naman?

"I mean... Yung turingan namin... Parang ikaw sya tapos ako si Blake. Ganun lang. Ang totoo nyan, parang magkapatid ang turingan namin baby. Malambing sya sakin... Parang ikaw lang.." madami kaya kaming similarities? Hmm.

"Sa totoo lang baby... Minsan nakikita kita sa kanya. Wag kang magagalit ha? Parang ikaw kasi sya... Malambing at maaalahanin. Pero mas makulit ka sa kanya. Pero parehas lang kayo na gusto kong protektahan.. Alam mo yun?"

Nagshrug lang ako. Napapaisip ako... Hmm.. Wala nga sigurong something sa kanila... Eh bakit parang meron si Angela? Feel ko eh..

Ayoko namang umasa sya kay kuya na kapatid lang ang turing sa kanya. Masakit kaya yun.

Hmm..

Bahala sya.

~

"Kuya! Si Angela nasa phone!" 9 o'clock na ng gabi ay kakatapos lang namin magdinner. Hinatid na nga pala namin si mom kanina sa airport pagkatapos namin dun sa restaurant.

"Hello Gela? Wait lang ha?"

"Oo naman..." naliligo kasi si kuya. Tss.

Wala naman syang sinasabi kaya hindi na rin ako nagsasalita. Halata naman kasing si kuya ang gusto nyang kausapin.

Nagulat nga ako nung tumawag sya sa landline eh. Nagulat ako kasi alam nya yung number.

Tapos nung tiningnan ko yung phone ni kuya kanina nung bago pa sya tumawag sa landline, 6 missed calls.

Yung totoo...

Ganyan ba yung walang something?

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon