Chapter III~

16 0 0
                                    

Chapter Three
Hendrixx
~

[Harrie]

"Wifey..." napatingin ako sa familiar na boses na tumawag... I smiled as he smilingly walks toward my direction..

"I love you wifey.. Mahal na mahal kita." Napangiti ako lalo nung sinabi nya ang mga salitang hanggang ngayon nagpapatalon parin sa puso ko.

Niyakap ko sya.

Mahal na mahal din kita...

Pero...

Nagulat ako ng tanggalin nya ang mga braso ko sa kanya..

Tiningnan nya ko saglit tapos hinawi lang ako..

Nilampasan lang ako...

Tapos...

Paglingon ko...

May kayakap na syang isang babae..

"Mahal na mahal kita, wifey ko."

Nung una, hindi ko pa maintindihan...

"Sobrang mahal kita.."

Then ayun... Bigla kong naalala..

Iba na nga pala ang mahal nya.

Naramdaman ko ang isa isang pagtulo ng luha ko sa pisngi ko habang tinitingnan ko sila.

Napaupo na lang ako at napatungo...

Naramdaman kong may malambot na bagay na lumapat sa pisngi ko at nagaalis sa mga luha ko.

"Umiiyak ka na naman. Hanggang ngayon nasasaktan parin ang baby ko. Tss."

Bigla akong napamulat. I gasp nung nakita ko si kuya sa harap ko. Napapikit ako ulit.

Shit. Panaginip lang pala.

"Napanaginipan mo na naman ang gago ano?" I tried and failed to give him a bright smile while shaking my head. Kaya napaiwas na lang tuloy ako ng tingin.

Ayoko naman kasing... Tsk. Oo na, alam kong alam naman ni kuya... Ayoko lang marinig nya na nanggaling sakin mismo. Na eto ako...

Nasasaktan parin.

"Weh. Lyre... Katunog ng liar. Tss. Deny ka pa, sige."

"Hindi ah. Psh. Kuya anong oras na? Bakit di ka pa bihis?"

~

[Drix]

Dahil tahimik si Lyre buong umaga, konti lang ang naging kulitan namin. Kaya ito, maaga kami nakapasok.

"Oy." bati sakin ni Drew at nakipagfist bump.

"Oy." bati ko naman sa tahimik na si Blake. As usual, tinanguan lang ako. Kay Lyre lang naman madaldal yan. Bading ata yan eh. Joke.

Agad namang hinanap ng mata ko si Ryu. Baka mamaya pumunta na naman yun kay Lyre at nangungulit.

"Hoy. Anong ginagawa mo?" nakita ko sya na nakaupo sa harap ng bintana. Nakatingin sa labas, sa baba.

"Anong tinitingnan mo jan? Chix ba y--"

"Shit." yung gago. Yung gago, kasama yung bago. Tss.

"Hoy! Kung nakatingin kayo jan parang may masama kayong binabalak ah?" lumapit si Drew at si Blake samin.

"Eh paano ba namang hindi Blake? Tingnan mo."

"Tss. Yung gago yun ah."

"At nakikipaglandian pa! Tangna parang gas ah."

"Gas?" napatanong ko habang hindi parin inaalis ang tingin sa labas. Ano namang gas ang pinagsasasabi ng bading na to?

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Kahit na ba may ichura yung babae nya! Hindi nya dapat pinagpalit si Lyre! Tangna.

"Gas. Nagmamahal bigla, magrorollback saglit, tas magmamahal na ulit."

"Woo. Daming alam Lec." sabi ni Blake at binatukan si Drew.

Ang kapal talga ng mukha. Nakakainis. Oo, hindi ko naman alam lahat ng tungkol sa kanilang dalawa ng kapatid ko. Pero hindi naman ako tanga para hindi ko makita! Mahal na mahal sya nun! Ni minsan hindi naisipang magcheat nun sa kanya! Halos mamatay na nga lagi yun sa kaiiyak kapag nagaaway sila! Sya palagi ang nasa isip! Kahit nga siguro kuko nun naipahiram na sa kanya kung sakaling kinailangan nya! Sinasabunutan pa ako at binabatukan kapag sinasabi kong pangit ang boyfriend nya!

Tapos ganyan lang ang gagawin nya?! Iiwan at ipagpapalit sa iba?! Eh mas maganda pa nga yung kapatid ko jan! Wala namang maipipintas kay Lyre kung tutuusin. Oo, may katarayan sya minsan at mahilig mambara pero... Sapat nadahilan na ba yun?

"Haaaaaay. Kung ako na lang kasi ang minahal nyan ni Lyre. Edi sana..."

"Edi sana hindi ka na humihinga ngayon." I smirked at him. Si Ryu Venndict, ewan ko jan. Palaging nagpaparinig, palaging sinasabi na may gusto sya kay Lyre pero hindi naman nanliligaw.

"Yari ka sa kuya. Basag mukha mo jan. Hahahaha."

Sabagay, hindi ko rin naman sya masisisi. Palagi kong tinatakot na babasagin ko pagmumukha nya pag nagmove sya kay Lyre. Saka... Asa naman syang patulan sya nun eh lagi nyang inaasar yun. Haha.

Pero sa totoo lang, mas okay na sakin kung sya ang magiging boyfriend ng kapatid ko. Kesa naman dun sa gago sa labas. Palagi kasi syang anjan.. Ewan ko. Nararamdaman ko na parang may nararamdaman talaga sya kay Lyre. Tss.

Ang kapal talaga ng mukha nya. Nakakairita. Nakita ko na naman kung gaano nasasaktan parin ang kapatid ko ng dahil sa kagagawan nya. Nakakainis talaga. Parang gusto ko tuloy uling pahalikin ang mga kamao ko sa mukha nya. Malaman ko lang talagang ginugulo parin nya si Lyre... Hindi na ko makakapagpigil.

"Hoy si Ma'am."

Dalawa na... Dalawang babaeng malapit sakin na ang nawitness kong masaktan ng sobra dahil sa kagagawan ng mga nilalang na kawangis ko. Tsk. Sana hindi na madagdagan.

Basta... Hindi ko na hahayaang makitang nasasaktan ang kapatid ko. Hindi ko na sya hahayaang masktan ng kahit na sino. Hindi ko sya papabayaan.

Dahil ako si Hendrixx Lyle Lastimosa. Ang dakila at gwapong protector nya.

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon