Chapter XVI~

11 0 0
                                    

Chapter Sixteen
Surprise?
~

[Harrie]

"Ryu.. Si Lyre ha. Drew.. Kayo na muna bahala jan." narinig kong sabi ni kuya sa labas. Nagdecide silang tumawag ng pulis pero dahil hanggang ngayon wala paring dumadating, sila na lang daw ang magdadala kay Romero sa prisinto. Pinaiwan nila sina Rikk at kuya Drew para samahan kami ni Rynn dito sa bahay.

Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako.. Anong ginagawa nya dito kanina? Anong ginawa nya?? Bakit sya pumasok?? I'm certain hindi sya magnanakaw ng kahit ano.. Dahil mayaman sila. Kaya nyang bilhin lahat ng meron kami dito sa bahay. Saka... Hindi nya sisirain ang pangalan at reputasyon nila. So... Anong ginawa nya??

Alam ko may ginawa sya.. Alam ko... Pero saan? Saan dito?

Wala namang nawala o nasira dito sa bahay. Hindi nga rin sira yung pinto eh. Nalibot na nina Rikk at kuya Drew ang paligid... Maliban nga lang sa taas. Sabi kasi nina kuya wag daw muna pumunta dun hangga't wala pang dumadating na pulis. Baka daw may kasamahan pa si Romero na nagtatago jan sa mga kwarto.

Agad akong napatingin sa may bandang kwarto ko. At napansin kong slightly opened ang pinto. Shit. Tama, sa kwarto ko nga.

Napatingin ako kay Rynn na nakatingin din pala sakin.

"Rrie.. Anong gagawin mo?" she's warning me. Alam nyang may binabalak ako. Huminga ako ng malalim at agad na tumakbo paakyat ng hagdan.

"Harrie!! Ryu!! Si Harrie!!"narinig ko pang sumigaw si Rynn pero di ko sya pinansin. Napatigil ako sa top step ng hagdan...

Sa hallway... May trail ng petals ng roses.. Red roses.. Agad ko yung sinundan at sa kwarto ko yun nagtapos.. Shit... Tama ako. May ginawa nga sya. At dito yun sa kwarto ko...

I took a deep breath and opened the door. Dahan dahan akong pumasok at sinarhan ko agad ang pinto at sumandal ako dun. Naiwan ko ang phone ko sa bag ko. Shit. Ang dilim. Inangat ko ang paa ko kasi parang may dumidikit sa sapatos ko. Hindi ko naman makita kasi saradong sarado ang kwarto ko. Fuck. Bakit parang lalo akong kinakabahan? Sumasakit na ang dibdib ko kasi parang matatanggal na yung puso ko sa lakas ng kabog nito.

I again took a deep breath at pumikit ako. Hinanap ko ang switch ng ilaw at hinawakan yun.

Paano kung pagbukas ko ng ilaw at ng mga mata ko, may nakatutok ng baril o dagger sakin? Tapos patayin ako?? Shit.

Bahala na.

Bahala na.

DUBDUB

One...

DUBDUB

Two...

DUBDUB

Three..

*click!*

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

~ccc~

[Rynn]

"Harrie!! Ryu!! Si Harrie!!" napasigaw ako nung makita kong tumakbo si Harrie papunta sa taas. Tumakbo ako palabas para tawagin si Ryu at si Drew. Nakasalubong ko sila sa may garahe na tumatakbo.

"Bakit?? Anong nangya--"

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" tumakbo kami agad nung sumigaw si Harrie. Shit! Kinakabahan na ko ng sobra.


Ano to??

Nung makarating kami sa hallway, may nakakalat na petals ng red roses sa sahig. At lahat ng yun ay inilelead kami sa kwarto ni Harrie.

Pero kinabahan ako lalo nung mapansin kong hindi lang ang iyak ni Harrie ang naririnig ko... May tunog..

May ibang tunog ...

Mga sigaw? Iyak? Tawa? Iba ibang tunog.

Sobrang lakas nun na kahit kaming malayo pa sa kwarto ay nangingilabot na. Parang bumabaon sa buto at laman kapag narinig mo..

Nakatakot..

Napahawak ako sa dibdib ko at tumakbo na ko papunta sa kwarto ni Rrie kahit na nanginginig ang mga paa ko. Hindi ako pwedeng matakot.

"Harrie!" I gasped. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakita ko.

Si Harrie... Nasa gitna sya ng kwarto.. Umiiyak at sumisigaw..

Tangina.

Sa sahig....

Sa pader..

Sa buong kwarto..

Anong... Anong.. Anong katangahan ito?? Totoo ba to?

"Aerynn!! Aerynn, yung tunog!!" nawala ako sa sarili ko. Hindi ko namalayang nakatakbo na pala si Ryu kay Harrie. Yakap nya na ito at pinapatahan.

Agad gumala ang paningin ko. Nakita kong bukas ang laptop ni Rrie kaya pikit mata ko itong pinuntahan. Hindi ko pinansin ang mga katangahang nasa buong kwarto. Kahit yung kung anong malagkit na dumidikit sa paa ko.

Kinapa ko ang off button ng laptop at pinress ito. Tangina ka Romero. Anong trip mo?! Binuksan ko na ang mga mata ko nung iyak na lang ni Rrie ang naririnig ko.

"Aaaaah! Tangina mo!" napasigaw ako kasi pagmulat ko, may kamay na nakadikit sa kamay ko. Sinipa ko yung upuan na inuupuan nya. Napahawak ako sa dibdib ko.

Teka...

"M-manikin?" nagtaka kasi ako. Ang gaan naman ng tao na yun kung tatalsik sya sa sipa ko... Manikin, kaya pala... Tsk.

"Lyre? Lyre gumising ka. Lyre!" napatingin ako kay Ryu. Walang malay ang bestfriend ko.

"Drew! Start mo yung kotse ni Drix!"

Tumakbo na kami pababa. Buhat buhat ni Ryu si Rrie at ginigising kaso ayaw talaga.

Hinding hindi ko malilimutan ang nakita ko sa kwarto ni Rrie...

Mga manikin na pinaliguan ng kung anong kulay pula na liquid at pinagmukhang dugo. Marami sila... Nakakdiri at nakakakilabot... Tangina. Isang nakadapa sa tapat ni Rrie, nakapasok sa ilalim ng kama yung lower part ng katawan nya... At nakakalat sa may ulunan nya yung parang utak utak nya. Tangina. Isang nakaharang sa pintuan ng CR, isang nakaupo sa harap ng study ni Rrie, yun yung sinipa ko kanina... Isang nakahiga sa kama ni Rrie at soot pa ang pantulog nya! Puta ang kapal ng mukha nya ah! Regalo ko yun sa bestfriend ko!! May isa pa sa ibabaw ng dresser nya. At ang pinakastar ng show na ito...

Ay ang isang manikin na nakabitin sa kisame.. Soot soot ang uniform ni Rrie.. Puro dugo ito at may apat na dagger sa iba't ibang parte ng katawan. Tapos... Tapos may nakasabit sa leeg nya. Isang board na nagsasabing...

"Hi Harrie.. Surprise."

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon