Chapter XXIV~

12 0 0
                                    

Chapter Twenty four
Ill
~

[Harrie]

*dingdongdingdongdingdongdingdongdingdong*

Shit. Ano ba!

Sino ba yun?!

May balak ba silang sirain ang doorbell namin?!

I opened my eyes and discovered that I was sitting on the floor in the living room. Nakahug ako sa pillow sa couch. Hala. Nakatulog na pala ako kakaiyak kanina.

*dingdongdingdongdingdongdingdongdingdong!!!*

"W-wait." Tsk. I glanced at the clock at napanganga ako nung makita kong alas syete na ng gabi. Seryoso?! Halos four hours akong tulog?!

Napahawak ako sa ulo ko nung biglang parang umikot ang paningin ko. Tsk. Siguro dahil sa pagiyak at sa katagalan ng tulog kaya masakit ang ulo ko.

Tumayo na ko at nilabas yung walanghyang naninira ng doorbell namin. Sinamaan ko sya ng tingin. Sila pala.

Bakit andito tong mga to?!

Nagulat ako nung yakapin ako ni Rikk ng mahigpit.

"Akala ko kung ano na nangyari sayo." ha?? He sighed then kumalas sya sa yakap tapos si Rynn naman ang lumapit sakin.

"A-anong ginagawa nyo dito?"

"Ikaw ang kung anong ginagawa mo. Bakit ka ganyan?" nagtataka nya kong tiningnan mula ulo hanggang paa. Ginaya ko naman sya at tiningnan ko rin ang sarili ko. Oo alam kong magulo ang buhok ko--- waaaaaaah! Nakauniform pa ko! At may ID pa!

Ang loyal ko naman ata masyado sa school namin.

Napailing na lang ako at nagbigay ng embarassed smile sa kanila.

"Pasok kayo." nilakihan ko ang bukas ng gate at pumasok naman sila. Si kuya B na ang nagsara.

"Ano bang nangyari sayo ha? Si Ryu kanina ka pa daw tinatawagan hindi ka naman sumasagot. Ring lang daw ng ring. Naabutan na lang namin na mangangakyat na sana ng gate."

"Eh... Nakatulog kasi ako." tsk. Kawawa naman sila. Naabala ko pa sila at napagalala. Nakakahiya.

"Sorry kung napagalala ko kayo..." napatungo ako. Nahihilo ako. Tsk. Niyakap ako ni Rynn tapos tinap ang likod ko.

"Okay lang. Akala kasi namin dinamdam mo masyado yung sinabi nung gagang babae na yun. Tss. Sasabunutan ko na yun sa susunod." kumalas ako sa kanya at sinampal sya ng mahina.

"Baliw ka." tinawanan nya lang ako.

"Sorry.." nagulat ako nung nagsorry si Rikk sakin. Luh.

"Ha? Bakit?"

"Kasi sinabihan ka nya ng ganun.."

"Tss. Di mo naman kasalanan." kasalanan nya bang masama pala ang ugali ni Elaine? Di naman ah.

"Eh kahit na. Nasaktan ka parin."

"Sino namang nagsabing nasaktan ako?" sige Harrie... Deny ka pa.

"Ewan. Alam ko lang." sabi nya tapos hinawakan ang ulo ko. I frowned at him. Ginagawa na naman akong aso nito. :3

Lumapit sakin si kuya Drew at hinawakan ang pisngi ko.

"Parang mainit ka bunso?"

"H-huh? Hindi naman kuya. Baka dahil kakagising ko lang." sabi ko pagkatapos kong idikit ang likod ng palad ko sa leeg ko. Di naman ako masyadong mainit. He sighed.

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon