Chapter IX~

12 0 0
                                    

Chapter Nine
Stories
~

[Harrie]

Hindi parin ako nakakagetover sa nangyari kanina. Nakatitig lang ako kay Rynn hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

Tssk. Malay ko ba kasing si Angela pala yung famous foe ni Rynn. Kung alam ko lang sana edi pinabayaan ko ng magngangawa to sa rooftop noon. Haaaaaay!

Silence

....

Silence...

Tahimik lang kami pareho ni Angela. Siguro parehas kaming hindi alam ang sasabihin. Di ko kasi alam kung... Sisisihin ko ba sya? Isusumbat ko ba sa kanya yung pinagdaanan ng bestfriend ko dahil sa kanya? O... Icocomfort ko ba sya at sasabihing wag na dyang umiyak?? Ah shit!

"A-ahm... Harrie... Mauna na muna ako ha?" tumango naman ako at tinapik ang balikat nya tapos ayun umalis na sya.

Pinatong ko na lang ang ulo ko sa kamay ko at napailing. Bakit ba hindi ko na lang sila iniwan kanina at hinayaang magusap ng silang dalawa lang? Bakit pinabayaan kong sila ang maunang umalis? Tss.

Ano na ngayon ang gagawin ko? Iiwasan na si Angela para wala ng gulo? Babaliwalain yung issue at ipapagpatuloy ang pakikipagfriends kay Gela?? O pagbabatiin ko silang dalawa?? Aiiiiis---

"Yung huling choice."

"Ay bading na butterfly!!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Paano ba naman? May bigla bigla na lang magsasalita sa harap ko.

"A-no? Hahaha. Nakakatuwa ka talaga." sabi nya at kinurot ang pisngi ko.

"A-aaaaaray! Ano ba?! Bakit ka ba andito ha??" He chuckled at tumingin sa paligid. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Tss.

"Nakita kasi kitang magisa. Eh ang sama ng tingin sayo ng mga pangit dun sa tabi."

"Ha?" parang bulong na lang yung huling sentenxe kaya yung pangit lang na word ang narinig ko na malinaw.

"Bakit ka nga andito?! Tss." mangaasar na naman to. Hmp.

"Eh kasi shop po namin to?" napatingin naman ako sa paligid ko at napahilot sa noo ko. Oo nga pala. Tanga mo talaga Rikk. Coffee shop nga pala nila tong pinagkitaan namin. I mentally slap myself.

"So... Anong iniisip mo? Bakit ka magisa dito?"

"Wala kang pakialam. Hmp. Aalis na ko."

"Wait! Sorry na. Kung alam ko lang na matagal kang nagiintay sakin, edi sana maaga akong pumunta dito. Wag mo kasi akong isurprise baby." sabi nya at nakangiti pa ng sobra.

"Juicemother." napailing na lang ako sa kakapalan ng mukha ng kumag na ito.

"Lyre baby... Gutom na ko." hindi ko sya pinansin. Sinubukan kong magconcentrate sa problema ko... Wait, problema ko ba talaga yun?

"Huy."

"Araaaaay!" pisilin ba naman yung ilong ko?

"Sorry.." sinubukan nyang hawakan ulit yung ilong ko pero hinampas ko yung kamay nya.

"Aalis na talaga ko. Bahala ka jan. Tss." tumayo na ko pero tumayo rin sya.

"Hahatid na kita." sinamaan ko sya ng tingin at nagcross arms. Makuha ka sa tingin Rikk.

"Okay, sige... Ingat ka na lang mahal. MAHAL KITA!!"

"Ayiiiiiieeeee!"

"Tangina.." I whispered habang naglalakad palabas ng shop. Tsk. Lokoloko ka Rikk. Feeling ko ampula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan! Ang daming tao kaya!

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon