Chapter XXXIV~

11 0 0
                                    

Chapter Thirty four
The Decision
~

[Harrie]

"Kuya... Ayoko nito." sabi ko kay kuya tapos itinulak ko sa kanya yung tray ko na may burger. May lettuce kasi.

"Kainin mo yan mahal. Nutritious kaya yan."

"Edi ikaw ang kumain." ang kulit. Sabing ayako nga ng dahon dahon. Hindi naman ako kambing. Hmp.

"Akin na nga." sabi nya tas pinapak nya yung lettuce. Kambing pala si Rikk. :P

"Nga pala Rrie. Wala naman nang nanggugulo sayo ano?"

"Huh?" nagtaka ako sa tanong ni Rynn. Pero napaisip din ako. Oo nga... Himala ata at hindi na ko ginugulo nina Elaine. Hmm.

"Wala naman.."

"Ah buti n--"

"Hi kuya... Pwede ba kong makisabay ng lunch?"

I mentally rolled my eyes.

Wala namang nanggugulo sa buhay ko.. Wala talaga. As in wala kahit isa.

(--,)! (,--)! (--,)!

Naramdaman kong hinawakan tapos inisqueeze ni kuya ang kamay ko sa ilalim ng table.

Ano pa bang magagawa ko? Alangan naman itaboy ko yan. Kawawa naman yung ibang taong magsusuffer na kasabay sya.

"Ohsige..."

"Sorry ha. Wala kasi akong kasabay. May ginagawa pa sina Elaine." sabi nya at umupo sa gitna nina kuya at kuya B. Tss. May ginagawa pala eh bakit kaya hindi mo tulungan ng makatapos na sila at makakain na rin?

Manang mana ka talaga sa tatay mong mangiiwan eh noh.

"Nga pala ate Harrie..." Ate Harrie ka jan, kapatid ba kita?

Tumalikod sya at may kinuha sa bag nya. Tapos may pinatong syang black rectangular box sa tapat ko.

Tiningnan ko lang yun ng mga two seconds tapos bumalik na sa pagkain ko.

"Gusto mo ba ako magbukas? Pen yan ate. Sabi ni dad sana daw pink parin ang favorite mo... Parehas pala tayo ng favorite color?" pakisabi sa dad mo invisible ang kulay na gusto ko. At hindi ako naniniwalang pink ang favorite mo. Para kasing itim, kasing itim ng box na to. Kasing itim ng budhi mo.

"Pakisabi sa daddy mo may ballpen ako. Marami. Kakabili ko lang."

"Ah... Ohsige ate." nakakarindi na yang ate na yan. Mataanggap ko pa kung inosenteng bata ang tumawag sakin nyan eh.

"Ah.. Gela... Pakisabi salamat pero sa susunod sana wag na syang magabala na bilhan si Lyre ng mga regalo. Hindi naman nya kasi kailangan." hindi kasi regalo ang kailangan ko kundi ang tatay ko. Pero DATI lang yun. Kasi ang mommy ko at kuya ko na lang ang kailangan ko ngayon.

"Okay po.."

Tahimik lang ako habang yung mga katabi ko nagaaway na dahil sa logarithm at iba pang terms sa math na hindi ko na alam. Si Rynn, syempre hindi yan magpapatalo kay Angela. Kaya yan, nakikipagbangayan din.

"Pst. Okay ka lang?" bulong sakun ni Rikk tapos kinalabit ako sa pisngi kaya napatingin ako sa kanya pero napaatras din agad kami pareho nung makita kong sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Bakit naman ako di magiging okay?"

"Ang tahimik mo kasi."

"Eh ano naman. Kelan ba ko nagingay?"

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon