Chapter IV~

13 0 0
                                    

Chapter Four
Same feeling
~

[Harrie]

"Kuya.. Akyat na muna ko ha?" tumango naman sya at tinap ang ulo ko.

"Geh."

Umakyat na ko sa kwarto ko at muntikan ng matapilok pagpasok ko.

"Aww.." sisipain ko na sana yung teddy bear kaso... Teka! Teddy bear!

Si Juliette...

Jules plus Harriette...

I sighed.

Binitbit ko yung pink na teddy bear na halos kasing laki ko na at umupo sa kama.

Hayy...

"Sorry baby ha? Sorry kung di ka na naaasikaso ni mommy lately." I giggled. Kausapin ba naman ang teddy bear? Naramdaman kong may isang pasaway na luha na kumawala kaya agad ko yung pinunasan.

Niyakap ko lang si Juliette.

"Kawawa ka naman baby noh? Malungkot ka siguro... Iniwan ka na ng daddy mo."

"Maaga kang naulila sa daddy. Haha. Parang ako lang? Iniwan ng daddy ko."

"Tapos iniwan pa ko ng daddy mo... Ano ba?"

~flashback~

Four years ago

Nasa kusina ako at kumakain ng cake na binake ni mom. Wala kasi akong pasok at wala kaming magawa kaya nagbake kami para pagdating ni kuya may meryenda sya.

Saraaaaap. ^_____^

"Ano ba naman Henry!" nagulat ako nung sumigaw si mom mula sa living room. Kaya I decided to go there at dun sana kumain.

Pero napatigil ako nung maalala kong ayaw nga pala ni mom na nakikinig kami sa usapan ng matatanda. Magtutwelve pa lang daw kasi ako.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at nagtago na lang ako sa likod ng cabinet at kumain habang nanonood.

"Damn Henry! Ano bang klaseng joke ito?! Pinagttripan mo na naman ba ako?" nakita ko si dad sa harap ni mommy at... Wait... May kasama sya. Isang babae tapos may buhat itong baby. I can tell lalaki yung baby kasi blue yung balot nya eh. Ang cuuuuuuuute. Parang... Parang may kamukha sya..

"At nagdala ka pa talaga ng props ngayon ha?!" ano daw? Props? Saang props? Ay wait, may kasama pa silang isang bata na babae. I suppose kaedad ko lang sya. Pero anong ginagawa nya dito?? Magaapply ng yaya? Hindi naman namin kailangan eh..

"Oh ano?! Bakit hindi ka magsalita jan?! Hon naman... Tama na okay? Nasurprise mo na ko sa paguwi mo.."

"Pero Lyra..."

"No! Hindi naman totoo yun diba?! Hindi totoong anak mo sila! Nagbusiness trip ka lang, nagkaanak ka na agad?! Di ako... Di ako naniniwala.." umiiyak na si mommy. Bakit... Ano daw? Anak? Huh? Paano magkakaanak si daddy sa hindi naman nya asawa. Hindi manloloko ang daddy ko. Di rin ako naniniwala dad..

"Tingnan mo nga yang isang yan oh! Kasing laki lang ni Lyre yan tapos ... Ano yan oras oras ba tumatangkad yan?! Magsalita ka naman Henry!!" humahagulgol na si mom at parang napapaos na rin. Nagkacrack na yung boses nya. Napahawak na rin ako sa dibdib ko. Bakit ganun? Parang kinakabahan ako?

"PWEDE BA LYRA?! Makinig ka!"

"Sumagot ka kasi Henry! Hindi yung nakatayo ka lang jan! Pinaglololoko mo ba ko?!"

Kinuha ni dad yung baby at tiningnan sa mata ang mom.

"Oo! Oo anak ko ang mga batang ito! At oo! Niloloko kita! All this time niloloko kita Lyra! NAGTAKSIL AKO SAYO. NAGKAANAK AKO SA IBA! ANO? NASAGOT NA BA KITA?! MASAYA KA NA?!"

*tiiiiiiiiiingkk!*

NO! Hindi totoo yan!

Sabi mo... Sabi mo diba dad? Sabi mo si mom lang... Sabi mo kami lang... Ano ba...

Kasabay ng fork at ng plato, ay ang pagbagsak rin ng mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko... Hindi ko alam ang iisipin ko...

Agad akong umupo at pinulot ang mga piraso ng plato pero nasugatan lang ako...

"Anak? Princess? Anong nagyari dito? Are you alright?" lumapit sya at lumuhod sa harapan ko pero napatingin lang ako sa kamay ko.

"Masakit ba?"

"S-sobra dad.."

"Halika, gamutin natin." lalo lang akong napaiyak ng hilahin nya ko sa kusina. Ganun ba sya kamanhid para hindi nya maintindihan? O ganun lang talaga ababaw qng tingin nya sakin??

Hindi naman yung kamay ko ang masakit dad eh...

Yung sinabi mo.

Yung ginawa mo.

Yung totoo.

~End of flashback~

Nung araw rin na yun, iniwan kami ng daddy ko. Sumama sya sa babae nya... Kasi... Kasi sabi nya kailangan daw sya ng mga anak nya. Eh paano naman kami?? Di ba anak nya rin naman kami? Diba kailangan rin naman namin sya??

I couldn't believe it. Ni hindi man lang nga nya inintay na makauwi si kuya bago sya umalis eh.

I hate him.

Naaawa tuloy ako sa mommy ko.. Oo, alam kong hindi pa kasing sakit nung naramdaman ng mom ang nararamdaman ko ngayon... Pero... Ang sakit kaya..

Yung mahalin mo yung tao ng buong buo... Yung ialay at idepende mo na sakanya yung buhay mo... Tapos... Tapos iiwan ka lang bigla at ipagpapalit pa sa iba. Masakit...

SOBRA.

Kagaya ng mommy, ako rin... Mahal na mahal ko rin ang daddy ko... Super tiwala ako sa kanya.. Kasi alam ko... Alam ko iba sya, alam ko hindi nya kami ipagpapalit sa iba.

Yun pala...

Mali lahat.

Tapos ngayon...

Naulit na naman...

Bumabalik na naman.

Lahat lahat...

That same feeling that breaks my heart and makes it colder and harder as time goes by.

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon