Chapter XLI~

7 0 0
                                    

Chapter Forty one
Photograph
~

[Harrie]

Rrie...

Tulungan mo ko...

Rrie..

Harrie...

Kasalanan mo to..

Akin kasi si Drew ..

Harrie...

Ikaw ang gumawa sakin nito...

Harrie...

I gasped. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng heartbeat ko. Hinahabol ko yung hininga ko kahit hindi naman ito tumatakbo.

Shit..

Pagmulat ko, wala na si Rikk sa tabi ko. Siguro nasa kwarto nya na yun at natutulog.

Hay... Nakatulog pala ako.

Tsk.

Ang pangit ng panaginip ko... Anong ibig sabihin nun? Sino ba yung nagsasalita sa panaginip ko? Si Rynn o si Norrine? Anong ako ang may gawa sa kanya nun??

*bzzzzzt bzzzzt*

Humiga ulit ako sa kama at pumikit. Tas biglang nagvibrate ulit ang phone ko. Tsk. I glanced at the clock and discovered that it's already 32 minutes after 12 o'clock.

Sinong gago ang magtetext sakin ng gantong oras?? Tsk. I lazily and sleepily grabbed my phone.

Napabangon ako nung makita ko yung number... Ito yung ginamit ni Romero nung tumawag sya sa ospital.

---
Unknown
09*******13:

Alam ko kung nasan ang bestfriend mo. :)
---

Alam ko rin kung nasan ka at kung sinong kasama mo..

---

Fuck. Ako lang ba yun at ang way ng pagbabasa ko o parang nakakakilabot talaga yung message nya? Wag mong sabihing sya ang kumuha kay Rynn? Tangina Romero, ano na naman bang trip mo?

Nireplyan ko sya.

---

Ano ba talagang gusto mo ha?? Alam mo ba talaga kung nasan si Rynn?!

---

Wala pang two minutes nung nagreply sya. So iniintay nya talaga ang message ko? Ano bang gusto nya?!

---

Pili ka muna ng isa... Yung kasama mo o yung bestfriend mo?

---

Damn you wag mo nga akong pinaglololoko. Nasaan si Rynn?

---

Alright, nakapili ka na. Sayang naman si Ryu. Will I pull the trigger na ba? 0:)

---

Nanlamig ang katawan ko. Kinabahan ako. Agad akong tumayo at tumakbo palabas.

Si Rikk...

Tangna Romero. Pag may nangyaring masama sa kumag na yun mapapatay talaga kita.

Pagpasok ko sa guestroom, hindi ko sya makita.

"R-rikk?" tsk. Asan sya?

Shit. Sinilip ko yung mga bintana pero wala namang tao sa labas. Pakyu ka Romero.

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon