Chapter V~

21 0 0
                                    

Chapter Five
Angela
~

[Harrie]

Wala akong kasama ngayon kasi absent ang magaling kong bestfriend. Magbobonding daw sila ng mom nya. Tss. Ang sabihin nya tinatamad lang sya. Hmp.

Masaya akong nilalasap ang sky flakes ko na dipped in ice cream dito sa rooftop nung biglang kumalabog ang pinto.

Iniluwa nun ang tumatakbo at umiiyak na babae. Hindi nya siguro ako napansin nung pumasok sya kasi nakatungo sya. Hay.. Hayaan na lang.

I searched for a Taylor Swift song in my playlist and then pressed play.

Kaso bigla namang nagngangawa yung babae.

"Walang hiya ka!!! Ang k-kapal ng mukha mo!"

Hay... Napanood ko na yung mga gantong scenes eh.. Yung magisa mong nilalasap ang katahimikan at kapayapaan sa rooftop tapos may biglang dadating at ngangawa ng ngangawa sa tabi mo? Tss.

Pero diba dapat lalaki yung peaceful tapos yung babae yung maingay?? Tapos magkakatuluyan sila?? Does it mean magiging lalaki ako?? Nooooooo!

Ngek. OA.

Hay naku. Wag na ngang pansinin.

"Nakakinis ka!! I-iiwan iwan mo ko tapos.. Tapos ako pa ang magmumukhang masama sa mga k-kaibigan natin?! Ano bang ginawa ko sayo ha?!"

Ayoko kasing maawa sa kanya. Tsk. Kasi... Parang parehas kami... Parehas kaming... Naiwan.. Hay.. Kapag naramdaman ko yun, parang naawa na rin ako sa sarili ko.

"Ginawa ko naman lahat... Lahat ng gusto mo. Lahat lahat.. Halos... H-halos ibigay ko na nga sayo ang s-sarili ko... Tapos... T-tapos ipapagpalit mo lang ako..."

What?!

"Gago ka... Gago ka... GAGO KA!!"

Hindi na sya makahinga sa kaiiyak nya. Tsk. Anong gagawin ko?? Pupuntahan ko ba? O iwan ko na lang kaya to?

"Shhhhh.." hindi ko alam kung bakit at paano, pero yakap ko na sya ngayon at pinapatahan. Hay. Pagharap nya sakin, Swear! Ampangit ng ichura nya. Hehe. Sorry naman. Maganda naman kaso nga gulo gulo na yung buhok at puro luha ang mukha. Baka nga may sipon pa. Eww.

"Wag ka ng umiyak... Alam mo miss, maganda ka para iyakan ang isang lalaking kasing gago ng boyfriend mo."

"E-ex na.."

"Ay sorry."

Hmmm. Parang transfer lang sya dito?

"Shh. Tama na." nakayakap lang sya sakin habang pinapatahan ko sya. Sabi ko iiyak nya lang lahat hanggang gusto nya. Pero sana kapag wala na syang luhang iiiyak, kapag naubos na, sana maisip nya na hindi naman dapat iniiyakan ang mga lalaking ganun. Sabi ko pa nga mga gago talaga ang mga lalaki.

Tss. Galing ko magadvice noh? Bakit kaya hindi ko iapply ang advice ko sa kanya? Tsk.

Kinwento nya lang sakin ang nangyari sa kanila nung boyfriend este ex pala nya. Tapos nagexchange of numbers na kami.

Nalaman kong Mary Angela Pedrosa pala ang pangalan nya. Sabi nya Gela na lang daw itawag ko sa kanya kasi friends na naman daw kami.

Transfer nga lang daw sya dito. Kaparehas pala sya ng course nina kuya. Ewan ko lang kung magkasection sila.

"Salamat ulit Harrie ha?" sabay na kaming bumaba kasi may mga klase rin kami.

"Oo naman.." mabuti naman at Harrie na rin ang tawag nya sakin. Kanina kasi ate Harrie pa. Sabi ko wag na kasi ilang months lang naman ang tanda ko sa kanya.

"Salamat ulit.. See you around."

"Sige .."

Hindi ko alam kung bakit pero parang ang gaan gaan ng loob ko sa babae na yun. Parang pakiramdam ko pinagkakatiwalaan ko na agad sya.

~ccc~

[Rikk]

Ang gwapo ko talaga. Tsk. Saan ka ba nagmana Ryu Venndict Saki?

Inayos ko lang ang buhok ko sa harap ng salamin at lumabas na ng restroom.

"Hay naku... Wag ka nga... Oo naman kaya ko to. Hahaha."

Pagkalabas ko nakita ko ang isang babae na nakatigil sa pangapat na step ng stairs.

"Oo na sige na. Bye na."

Sabi nya tapos huminga ng malalim at umakyat na. Hmm. Bakit parang masama ang kutob ko sa babaeng yun??

Hoy... Half japanese lang ako at half Filipino. Wala akong lahing chismoso. Sadyang narinig ko lang kasi malapit lang sa pwesto ko yung kinatatayuan nya. Hmp.

Pabayaan na nga lang. Hindi ko naman sya kilala.

~ccc~

[Harrie]

Dahil wala nga si Rynn, magisa ako ngayong nagiintay sa mga kuya ko. Sabay sabay kami nagllunch lagi. Hay.. Makabili nga munang moo.

*toinks*

Uy... Nagtext si Angela.

---
Gela Ganda
09*******01:

Minsan talaga kailangan mo iiyak lahat para maubos na.

Para maramdaman mong tama na, ayaw mo na, pagod ka na.

Para maisip mo na hindi dapat iniiyakan ang taong di naman worthy ng luha mo.

@Harrie: thanks again my newly found friend. :)

GT.
---

Oh? Nagggroup message pala to? Ako kasi hindi eh. Tamad ako magtext. Hmm... Rereplyan ko ba? Eh ano naman sasabihin ko? Wag na kaya?

Nakabalik na ko sa table namin at nakaupo na ko nung mapagdesisyunan kong magreply. Kaso..

"HEY!"

"Sinong katext mo ha?"

"Ano bang pakialam mo? Akin na nga!!" si Rikk kasi kinuha ang phone ko. Ayyyyy! Argh. Bahala sya jan. Wala naman syang mapapala jan.

Umupo na lang ulit ako at sinipsip ang aking moo. Naramdaman ko namang umupo sya sa tabi ko.

"Huy..." tapos kinalabit nya ako. Hindi ko sya pinansin. Bahala sya.

"Asan na yung ano?"

"Alin?"

"Tss. Wala." huh? Ano bang hinahanap nito? I shrugged after ko kunin sa kanya yung phone ko at tinago na lang ulit sa bag ko.

"HOY! Nga pala panget! Asan sina kuya?" bakit itong kumag na ito lang ang nandito?

"Excuse me, sinong pangit?"

"Ikaw." I frowned at him nung nilapit nya ang mukha nya sakin at sinamaan ako ng tingin.

"Nasan nga kasi?"

"Kiss." tapos pumikit sya at hinabaan ang nguso nya. Napaeww naman ako ng walang sound at dahan dahang itinapat ang fist ko sa mukha nya.

"Kiss? Lapit.." ngumiti naman sya at nilapit nga ang mukha nya. Bago pa tuluyang lumapat yung lips nya sa kamao ko, sinapak ko na sya. I grinned.

"Aray!"

"Hahaha. Sus. Ang hina pa nga nun. Asan ba kasi sian kuya?" napalingon naman sya sa paligid habang hawak ang bibig nya. Tapos napatagal ang tingin nya.

"Ayun." napatingin din ako sa may counter lung nasan ang dalawang lalaking nakatayo at may hawak na tray at nakatingin sa isang lalaking tinutulungang tumayo ang isang babaeng basa ng juice.

Agad akong lumapit sa kanila. Nakasunod naman sakin si Rikk.

"Kuya. Anong nangy--"

Teka...

Parang kilala ko tong babae ah.

"Angela?!"

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon