Chapter XXXIII~

8 0 0
                                    

Chapter Thirty three
Eavesdrop
~

[Rynn]

Kakarating lang namin sa bahay nina Rrie. Tumigil na rin naman sya sa pagiyak kasi nakatulog sya sa balikat ni Ryu kanina. Binuhat na lang sya ni Blake papasok ng sasakyan tapos dumating na rin naman si Drix.

Hay...

Naaawa ako sa bestfriend ko..

"Rynn.. Tah sa taas."

"Tara."

Umupo kami sa paanan ng kama nya at binuksan ang tv pero pinatay din naman agad nya.

"Rynn..." Sumandal sya sa balikat ko at inakbayan ko naman sya.

"Bakit kailangan pang magpakita? Bakit kailangan pang bumalik??" luh. Parai syang lasing..

"At kami pa talaga ni kuya ang nagmukhang anak sa labas. Anak sa labas ng table nila. Hahaha." napailing na lang ako.

Pero grabe talaga yung tatay nila ano? Kung ako siguro yun... Baka masapak ko ng isa yun. Ipakilala daw ba ang anak nya sa pangalawang pamilya nya? At napakacasual pa ng way ng pagiintroduce. Tsktsk.

"Ang sakit kaya. Pinamukha pa sakin na... Tsk. Gago eh."

"Rrie... Tatay mo parin yun.. Dadating din yung time na mapapatawad mo sya." kahit naman anong gawin natin, magama parin sila. Haay.

"Eh ano kung tatay ko sya. Wala na akong pakialam sa kanya."

"Wala? Eh bakit nasasaktan ka pa? Alam mo Rrie... Ang mga taong mahal lang natin ang tanging mga taong makakasakit satin. Mahal mo ang daddy mo." tumunghay sya at tumingin sa malayo na para bang tinetest yung sinabi ko..

"Alam kong di ako coherent magexplain.. Pero ito. Diba si Jules... Masasaktan ka ba nung nalaman mong may iba na sya kung hindi mo sya mahal? Hindi diba? At habang unti unting nawawala yang galit jan sa puso mo, unti unti ring nawawala yung sakit... Unti unti mo syang napapatawad ng di mo napapansin... Diba?"

"Malay mo ganun din sa dad mo.. Mapapatawad mo rin sya.."

"Ewan ko." she sighed. Hinawakan ko naman ang dalawang balikat nya.

"Don't worry bestie. Everything's gonna be alright.. Cause the haters gonna hate hate hate and the players gonna play play play..." I joked and she smiled. Hay bestie. Wag kang magalala. Andito lang ako lagi.

"Baliw ka.. Halika na... Nagiintay na sila sa baba."

~

Lunch ngayon at magkakasabay ulit kaming kumain as usual. Dapat nga hindi ako makakasabay eh. Ang dami kasing gawain.. Pinilit ko lang si kuya President na payagan akong mamaya na lang gawin.

"Martes na martes, ganyan ang pagmumukha mo. Umayos ka nga." parang tanga kasi tong si Axe ... I mean Drew. Ano bang meron sa kiss at gustong gusto nya? Sa lahat ng mga lalaking naidate ko at nanligaw sakin, ito talagang isang to ang pinakamalandi. Tss.

"Ang damot mo."

"Ang harot mo."

Asa naman syang ibibigay ko sa kanya ang first kiss ko. Oo madami na akong nakadate at naging boyfriend. Pero wala pang nakakakiss sa lips ko ano!

Napatingin naman ako kina Rrie at Ryu. Ang kulit lang ng dalawang yun.

"Ito mahal, last na." excited na excited na sabi ni Ryu. Si Rrie naman nagshrug lang. Kanina pa kasi bugtong ng bugtong yung isa, malay ko kung san nya nakuha yan.

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon