Chapter X~

17 0 0
                                    

Chapter Ten
Rynn
~

[Rynn]

*toktok*

"Pasok po." iniluwa ng pinto si manang Demi. Oo, katulong ko si Demi Lovato. Joke.. Demetria talaga ang pangalan nya, pinabata ko lang kaya Demi. XD matagal na rin sya dito samin... Para ko na syang lola.

"Bunso... Kain ka na daw. May pinuntahan lang daw saglit ang mommy mo pero babalik din naman daw sya agad."

"Ah.. Opo sige po, bababa na lang po ako." nginitian nya lang ako tapos lumabas na.

Hay...

*ring ring*

Napasabunot ako sa ulo ko. Sigurado si Mike na naman yan. Tsk!

"Hello?!"

(Aerynn... Sorry na..)

Matapos nya kong pagtangkaang halikan magsosorry sorry sya ngayon? Palibhasa kasi lalaki sya. Gago.

(Di ko naman sinasaja eh.)

Di parin ako nagsasalita. Anong sasabihin ko? Di daw nya sinasaja? Eh halatang halata naman na planado yun! May napanood na kaya ako na ganun. Yung magaaya ng date si lalaki. Tapos pag pumayag, iisipin agad nila may gusto na sa kanila yung babae. Feeling nila agad magagawa na nila lahat. Kagaya nung kiss. Kapag di pumalag, edi okay. Saka lang sila magsosorry kung ang babae na mapunta sa kanila ay yung di basta basta. Tss!

(Sige... Kapag di mo ko pinatawad...)

Ano kung di kita patawarin?? Guguluhin mo ko? Iistalk? Kala mo natatakot ako sayo??

(Magpapakamatay ako...) I almost gasped pero hindi natuloy kasi naisip ko na hindi naman nya magagawa yun. Tinatakot nya lang ako. I smirked.

"Weh? Edi go."

(Aerynn.. Seryoso.. Magpapakamatay talaga ko... Patawarin mo na ko...)

"Okay..."

(Okay? Okay pinalatawad mo na ko??)

"No, okay magpakamatay ka na. Text mo na lang sakin kung anong flowers ang ipapadala ko."

"Oh, RIP."

Tss.

Sorry sya wala ako sa mood makipaglandian sa kanya ngayon.

Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makamoveon sa nangyari... After five long years... Nakita ko na naman ang babaeng pinakaayaw kong makita sa lahat. Tss.

Si Angela demonyita.

Ang totoo nyan... Bestfriends kami dati. Tss. Kahit nung mga panahon na dumating na ang daddy nya na matagal na nawala, daddy parin ang turing nya sa daddy ko. Palibhasa kasi only child lang ako kaya tuwang tuwa ang parents ko na parang nagkaroon ako ng instant kapatid. Lahat ng meron ako, binibigyan din sya ng daddy at mommy ko. Pasalubong from every business trips, regalo pag birthdays and christmas... Mahal ko sya at mahal na rin sya ng mga magulang ko. Para nga kaming kambal eh. Magkasundong magkasundo kami sa lahat.. As in.. Lahat...

Hanggang sa...

~Flashback~

Five years ago

*PAK!*

*Pak!!*

*Pak!*

Napahawak ako sa pisngi ko... Pisngi ko na siguradong namumula na ngayon dahil sa magasawang sampal na may kasama pang anak na natanggap ko. Teka muna! Sino ba tong mga to?! Bakit ako sinampal bigla?? Ano bang tawag sa prank na to? I'll slap you then they'll slap you too??

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon